Chapter 61

5.4K 173 1
                                    

Natasha's POV:

SPG

Dumating ang gabi at naghahanda ako para pasukin ang kumpanya ni Daddy. Alam kong hinahanap nila ako dahil nakarating sa akin na alam na ni Wade kung ano nga ba talaga ako. Gusto kong sakalin si Kuya dahil sa ginawa niya dahil hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya ang katauhan ko. Nasa akin na ang mga papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa pamilya ni Emmanuel.

Dapat ko nalang gawin ay mailagay ito sa opisina ni Daddy. Alam kong nakarating na sila dito at hinahanap nila ako, hindi ko na kaya pang magpanggap kaya naman nagsimula na akong magplano kung saan sila ang bihag ko.

May yumapos sa baywang ko kaya para akong natigilan. "Honey," nakangising bulong ni Emmanuel at hinawi ang buhok ko.

"H-hey," mahinang bulong ko at pinagpatuloy ang pagayos ng mga baril.

"I love you, kayo ng baby natin." Ngumiwi ako sa kanya pero tumawa lang ako at pinahalatang kinikilig ako sa sinabi niya.

"Handa na ba ang lahat? Gusto kong maging maayos ang gabing ito," pag-iiba ko ng usapan kaya umupo siya sa kama ko.

He smirked. "Yes, naka-ayos na ang lahat. May tiwala ako sa'yo at alam kong aayusin mo ang gagawin mo," nakangiting dagdag niya.

Tumayo ako at sinuot ang high heel boots ko, sinukbit ko ang duffel bag ko at mabilis kaming lumabas ng kwarto. Naabutan ko sina Tita na nakaupo sa sofa at nakaharap ang laptop para panoorin ang gagawin ko. Ngumiti ako sa kanila.

"Handa na ako," imporma ko kaya tumango sila sa akin.

Lumabas kami sa bahay at kaagad sumakay sa kotse. Tahimik ako habang iniisip ang gagawin ko kay Daddy. Nang makarating kami sa kumpanya ni Daddy at tumingin ako sa kanya, yumukod siya at hinalikan ang labi ko kaya pinikit ko ang mata ko at sinagot ang halik niya.

Damn, Wade patawarin ko ako kung ginawa ko 'to.

Ngumiti siya ganoon rin ako at kaagad lumabas. Maghihintay siya dito sa labas kaya nakahinga ako ng maluwag. Lumakad ako suot ang salamin at ang sumbrero ko, dala ko pa ang duffel bag ko. Yumuko ako at sumakay sa elevator para makapunta sa 40th kung nasaan si Daddy.

"Good evening, nandiyan ba sa loob si Engineer Tristan," malumanay na sambit ko at sinuot ang malaki kong salamin.

"Do you have an appointment to him, Ma'am?" pormal na sambit niya.

I cleared my throat. "I have to talked about our business. This is my card." Kinagat ko ang labi ko nang tignan niya ako pababa sa papel ko.

"Okay I call him," sambit niya at pinindot ang intercom. "Sir, nandito po si Ma'am Sasha to talk about some business po," dagdag niya sa magalang na boses.

"Let her," malamig na boses ni Daddy.

Huminga ako ng malalim at kaagad pumasok sa loob at nanlaki ang mata ko nang makita si Daddy, Wade, at si Kuya. Napatingin sila sa akin at ganoon rin ako sa kanila, ramdam na ramdam ko ang matalim na titig ni Kuya sa akin kaya bahagya kong iniwas ang paningin ko.

Sorry, Dad. "Don't...fucking move," malamig ang boses ko habang nakatutok ang baril ko sa kanila at gamit ang isang paa ko ay sinarado ko ang pintuan.

Napatayo si Wade at nilapitan ako kaya naman dinalawa ko ang baril na hawak ko. Umatras siya ng kaunti at nakita ko ang kalmadong si Daddy na nagawa pang sumandal sa upuan. Tinignan ako ni Kuya at tinaasan ng kilay at humalukipkip sa harapan ko.

[Ano pang hinihintay mo Sasha? Patayin mo na ang tarantandong 'yan!] galit na usal sa earpiece na suot ko.

Ngumisi ako ng malamig kaya napatayo si Kuya at nakita ko ang baril na nasa bulsa niya. Pinutok ko sa bandang braso ni Daddy ang baril kaya nagulat si Wade maski si Kuya.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now