Chapter 57

5.3K 163 3
                                    

Wade's POV:

Buong araw ay nakabantay ako kay Shane dahil sa tuwing gigising siya ay nagwawala kapag hindi ako nakikita. I was so guilty dahil hindi ko nasamahan si Natasha sa mall para bumili. Ang sabi niya ay naiintindihan niya naman daw pero hindi ako mapakali dahil alam ko kapag tahimik siya. It's either may iniisip siya o kung anu-ano na ang pumapasok sa maganda niyang utak.

Hindi ko alam kung anong gagawin kay Shane dahil palagi niyang sinasabi na wag akong umalis. At ganoon rin sina Tita Shekinah sa akin dahil nag-aalala rin siya sa anak niya. Kanina pa ako dito at hindi pa nagtetext sa akin si Natasha kaya medyo nag-alala ako dahil baka galit siya sa akin. Kung anu-ano na naman ang naiisip ko at hindi na ako mapakali.

Tinignan ko si Shane na tulog na tulog kaya dahan dahan akong umalis sa kwarto. Huminga ako ng malalim at sinirado ang pintuan at dumiretso sa sasakayan ko para puntahan kung nasaan si Natasha.

"Come on, answer the phone," bulong ko habang palinga linga sa paligid.

Pumunta ako sa shop dahil alam kong nandoon siya kapag weekends or hindi kaya kapag natapos siyang magshopping. Pinarada ko ang kotse ko at kaagad bumaba para makita si Natasha. Madaming costumers at aligaga ang mga waitress sa pagaasikaso ng iilang orders.

"Pumunta ba dito si Natasha?" pagtatanong ko kay Tessa.

Kumunot ang noo niya. "Opo, Sir kanina pumunta siya tapos may tumawag sa kanya at nagmamadali na siyang umalis. Bakit Sir?" aniya.

"Ilang minuto siya umalis?" pagtatanong ko.

"Mga 15 minutes," aniya at naguguluhan akong tinignan.

Tumango ako at nagorder ng inumin para ikalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung nasaan siya dahil nitong mga nakaraang araw ay panay ang kanyang pag-alis at uuwing nakatutok sa laptop. Hindi ko na talaga siya maintindihan at malalaman ko nalang na inaasiko niya ang kaso ni Emmanuel.

Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan na hintayin nalang siya sa condo. Pumasok ako sa sasakyan matapos magpaalam kay Tessa na kaagad tumango sa akin at magalang na yumukod. Pinaandar ko ang kotse ko papunta sa condo kung nasaan nakatira si Natasha at baka bukas ay puntahan na namin sina Wayne. Hindi na rin ako makapaghintay na makasama ang kambal.

"Good afternoon, Sir," pagbati ng iilan sa mga empleyado doon.

Sumakay ako sa elevator at tahimik na nag-isip. Lumakad ako at pumasok sa unit namin ni Natasha pero nadismaya na wala siya sa unit. Umupo ako sa sofa at napatitig sa kisame dahil may kutob akong may tinatago sa akin si Natasha. Pumunta ako sa itaas at baka nandoon ang laptop ni Natasha. Wala naman sigurong password ang laptop niya at baka may mahanap ako doon.

Sinuklay ko ang buhok ko at umupo sa kama hawak ang laptop ni Natasha. Binuksan ko 'yun at mukha niya kaagad ang bumungad sa screen. Napangiti ako at nagbrowse sa laptop niya dahil napakadaming apps ang nandito at may mga weird na files.

Napakunot ang noo ko nang mapunta ako sa files niya at napakadaming nakalagay doon. Pinindot ko ang isa at napasinghap nang makita ang iilang mga pictures ng mga tao, patay at ang iba ay mga nakagapos. Napapalunok na pinindot ko ang video at pinanood kung ano man 'yun.

"Sinong nagutos sa'yo?" pagtatanong ng lalaki sa unahan.

Mga kapwa sila naka-itim at tanging mata lang ang nakikita nila. Nakita ko kung papaano nangisay ang lalaki dahil may mga nakakabit sa kanya na wires. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nakikita ko, ilang beses siyang pinagtulungan. Pinigil ko ang hininga ko nang makita ang katawan ni Natasha.

"Who the fuck is your boss?" kahit makamaskara siya at purong itim alam ko ang bawat kanto ng katawan niya.

"W-wala akong sasabihin! W-wala akong alam!" Ang lalaki na pilit kumakawala sa pagkakasabunot ni Natasha.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now