Chapter 21

6K 166 2
                                    

Natasha's POV:

Sakay nang eroplano ay kaagad akong pumunta patungo sa Palawan kung nasaan si Emman dahil gusto niya daw akong makita kaya naman, pumunta ako dahil gusto ko rin s'yang makita. Plano ko rin na patirahin ang dalawa kong anak sa villa ko sa Siargao kasama si Emmanuel. Gusto ko na malibang kahit papaano ang mga anak ko, natatakot man ako pero alam kong ligtas ang mga anak ko.

Emmanuel and I got decided na magpakasal kapag maayos na ang lahat. Ilang years na kaming magkakilala ni Emman, at sa ilang taon na 'yun mas nakilala ko s'ya. We didn't fucked, but we always making out. Hanggang halik lang naman s'ya sa 'kin at hanggang hawak lang s'ya sa parte ng katawan ko. Pero we never had a hot night, ayoko at alam niya 'yun.

Mabilis na lumapag ang eroplano  sa pad, kaagad akong bumaba at sinuot ang shades ko. Bumati ang iilang mga tauhan ko, diretso ang lakad ko papunta sa bangka na nakahanda na. Malamig ang simoy ng hangin, nakakarelax ang asul at magkahalong berdeng dagat. Dati ay gusto kong tumira dito, dahil laking ibang bansa ako gusto kong mas magkaroon ng experience dito sa pinas.

Napangisi ako nang makita ang naka-abang na si Emmanuel sa dulo, nakahalukipkip. Napataas ang kilay ko nang nakasuot lang s'ya ng sandong itim at isang board shorts. Inalalayan niya agad akong makababa, tinignan niya ako. Ngumuso ako at tinignan rin s'ya dahil bagong gupit ang buhok niya.

"I miss you.." mahinang sambit niya at tinagilid ang ulo para sa isang halik.

I sighed. Hinawakan ko ang leeg niya at sinagot ang halik niya, pumikit ako at naramdaman ang kamay niya sa pang-upo ko. Pinisil at diniinan niya ang kamay niya sa pang-upo ko, ngumiti s'ya sa'kin at hinalikan ang noo ko.

"Kailan ka pa naka-uwi?" tanong ko at inayos ang buhok ko.

"Hmm. Kahapon after nang last shoot ko. Gusto ko sanang pumunta sa Laguna kaso sabi mo ay hintayin kita dito..." kibit balikat na sambit niya.

Naglakad ako habang hawak niya ang kamay at siko ko para alalayan ako. Nakarating kami sa lobby ng hotel, ngumiti ako nang makita ang tagapangalaga ng buong isla. Si Manang Cynthia na malaki ang ngiti sa 'kin.

"Ay jusko! Ngayon ka na lamang nagpunta dito. Mas lalo ka atang gumanda..." nakangiting bati niya at hinagod ang buhok ko.

"Wala pa ring tatalo sa ganda mo, Manang Cynthia," nakangising sambit ko kaya natawa naman s'ya at pabirong hinampas ang braso ko.

Iginaya niya kami sa loob para makakain kami at nakita kong madaming tao sa loob. Kanya kanya rin ang bati nila sa 'kin dahil isa ako sa mga anak ng isang Cathalina. Ngumisi ako kay Emmanuel at kaagad na umupo, pinahanda naman ni Manang Cynthia ang makakain ko dahil alam niyang paborito ko ang pagkain dito.

"How's your trip, honey?" tanong ni Emmanuel habang hawak ang kamay ko na may singsing.

Ngumiti ako. "Okay lang, galing ako sa trabaho. Dumiretso na ako dito dahil alam kong hindi ka mapapakali," sambit ko sa kanya.

"Yeah, you're right. But I really enjoy here aside from the calm sea, I enjoy snorkling. Lalo na ang surfing..." nakangiting sambit niya.

Natakam kaagad ako nang makita ang lobster, nginitian ko si Manang Cynthia dahil alam na alam niya ang paborito ko. Kaagad rin niyang inilapag ang pritong bangus at ang iilang mga seafoods, napapikit ako dahil sa nakakasarap na amoy. Hindi talaga ako magsasawang pumunta dito, sana kasama ko lang ang mga anak ko.

"Let's eat? I know you're tired..." malambing na sambit niya.

Tinignan ko lang s'ya na ekspertong nilalagyan ang plato ko ng tamang pagkain. Sa ibang bansa, palagi kaming magkasama at palagi naming ginagawa ang surfing. Hilig niya 'yun at sa kanya lang akong natuto magsurf, kadalasan talaga ay s'ya rin ang partner ko sa bar at kung saan saan pa.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon