Chapter 7

7.6K 191 6
                                    

Natasha's POV:

Naglakadlakad ako sa palasyo matapos naming kumain, ang mga bata ay nawili na sa kakalaro sa loob kasama ang iilan sa mga batang prinsipe at prinsesa. Kada linggo ay tinitipon ang mga batang mahaharlika para na rin bigyang laya na makapaglaro at gawin ang gusto nila. Madami na ngang pinagbago ang palasyo at nitong huli kong pagbisita wala pang kubo dito at swing.

Si Tita Amara at si Tito Luke ay busy sa kani-kanilang ginagawa para panatilihin ang kapayapaan sa buong palasyo. Dahil mag-asawa na sila naging mas makapangyarihan ang Anderson at ang Valeria dahil sa pagdudugtong ng palasyo nilang dalawa. May apat silang anak at ang unang anak naman ay ang crown prince dahil lalaki ang una, sumunod ay lalaki, sunod ulit ay lalaki, at ang huli ay babae naman.

Si Lola Belinda ay naghanap buhay rin at s'ya ang kahalili ni Tita para panatilihin ang kaayusan. Nasubok silang dalawa, naalala ko ng magtraining kami ni Tita Amara para sa basic self defense nakita ko kung gaano siya determinado matuto dahil na rin sa kaligtasan niya. She's the Queen at kailangan niyang mag-ingat dahil mataas ang kanyang katungkulan sa buong Italya.

Narinig ko ang pagsigaw, daing, at paghampas ng mga armas sa training field. Naglakad ako doon para maabutan ang tatlong prinsipe na nageensayo kasama si Collin na diretso ang tingin sa kanila. Humalukipkip ako at pinagmasdan sila, ang batang prinsesa ay nandoon kumakain ng kanyang prutas. She's 6 years old at napapaligiran s'ya ng mga kawal at alipin dahil bawal lumapit ang kung sino man sa mga prinsipe ng kaharian.

"Prince Lucifer make it strong and hard!" Si Collin sa iritadong boses habang nakakunot ang noo.

Prince Lucifer, Prince Ezekiel, Prince Keilton, at si Princess Tamara. Lahat sila ay matataas at kailangang ingatan dahil sila ang nakatakda para pamunuan ang buong Italya. Ngunit iisa lang ang pwedeng hirangin bilang Hari at magiging prinsipe ng kaharian. Hindi sila pwedeng apat ang umupo sa trono hangga't walang sinasabi ang Hari.

"Princess Natasha..." napatingin ako kay Collin na yumukod sa 'kin bilang pagbati.

Napatingin ang lahat sa 'kin kaya napa-ayos ako ng tayo. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Lucifer nang makita ako, ganoon rin si Ezekiel habang kunot ang noo ni Keilton at ni Tamara na nasa gilid na. Ngumisi lang ako at hinawakan ang espada na nasa gilid ko. Pinaraan ko ang daliri ko sa espada at nakita ko ang takot sa mukha nilang lahat.

"Show me what you've got," matigas na Ingles na saad ko kay Lucifer na seryoso ang mata.

Tinanggihan ko ang damit na pang training dahil mas gusto ko ang ganito at ayokong maraming sinusuot sa katawan. Dumiretso ako sa harapan ni Lucifer na nakatitig sa'kin, mas matanda ako sa kanila ng tatlong taon at Ate ang tawag nila sa 'kin. Sila Ezekiel ay naupo na doon sa puno at nakita ko kung gaano ka-elegante ang kilos nila, panay pa ang hagikgik ni Tamara habang kain ng kain.

"It's nice to see you again, ate..." sambit ni Lucifer at nginitian ako ng matamis.

"Kapag sa ibang tao hindi ka nakangiti, sa'kin para kang nagpapa-cute..." natatawang saad ko sa kanya na inirapan lang ako.

Pinaikot ko sa kamay ko ang dalawa espada kaya kitang kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya. I wiped away my emotions at blangko ang tingin ko sa kanya na naghahanda na. Tumango ako at nauna s'yang sumugod sa 'kin nung una ay kalansing lang ng espada naming dalawa, nilagay ko sa likod ko ang isa ko at hinayaan s'yang patamaan ang espada ko.

"Gumagaling ka na..." papuri ko sa kanya na kunot ang noo.

Mabilis kong inigkas ang espada ko na ikinagulat niya, nilagay ko ang isa kong paa sa likod at inigkas ang espada ko. Nagulat pa s'ya at hindi nasasabayan ang galaw ko, tinignan niya ako ganoon rin ako. Para kasing nag-iingat s'yang tamaan ako kaya binilisan ko ang paggalaw para malaman niya na okay lang sa 'kin na bilisan niya. Mabilis na umikot si Lucifer sa 'kin pero ngumisi lang ako para yumuko at paluin ang hita niya.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now