Chapter 69

5.7K 164 5
                                    

Natasha's POV:

Ilang oras ang tinagal namin sa pag-uusap ng Lolo ni Wade. Dahil maski si Tita ay sumali na rin sa pag-uusap namin, nag-usap kami tungkol sa negosyo at iba pang may kinalaman sa iba't-ibang business. Sinabi ko rin na huwag silang mag-alala at ako ang bahala kay Shane, dahil maski si Tita ay ayaw na nang ginagawa ni Shane.

"Magiging maayos rin naman ang lahat, kailangan lang sigurong kausapin si Shane. Hindi na kasi tama ang kanyang ginagawa," si Lolo sa mahinahong boses.

Tumango ako. Napatingin ako sa kusina dahil naririnig ko na ang lasing na boses ni Wade, kanina pa sila nandiyan at nagtatawanan na sila. Napatitig ako sa kanya at napabuntong hininga dahil mukhang aalagaan ko na naman ang lasing na si Wade.

"Kanina pa sila diyan, mukhang nagka-ayos na silang dalawa. Mabuti naman at sa wakas ay hindi na sila mag-aaway pa," mahinahong sambit ni Tita habang ang tingin ay na kay Wade.

"I already talked about that issue, Tita. Ang sabi niya naman hindi naman siya nagalit dahil sa ginawa ni Tyler, wala rin naman akong balak kausapin muna si Tyler dahil hindi pa matanggap," sambit ko.

"Naiintindihan kita," sambit ni Tita at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Napatayo ako dahil mukhang matutumba na si Wade. Napailing ako at kaagad siyang pinuntahan dahil lasing na nga talaga, we need to go home pa naman dahil sa kambal.

"Babe!" Si Wade sa lasing na boses at niyakap ang bewang ko.

"Umuwi na tayo," sambit ko at inayos ang magulo niyang buhok.

"Okie, babe," sambit niya at tumawa na naman.

Tinignan ko ang ininom nila at napailing dahil black label ang ininom nila. Tinulungan ko siyang tumayo at inakay na, si Tyler ay naka-akay na kay Tita. Napailing ako at nagpatulong sa kasambahay dahil ang bigat ni Wade.

"Wade, huwag kang malikot. Baka mamaya bumagsak tayong dalawa," sambit ko at inayos ang pagtayo niya.

"I'm okay babe...hindi ako lasing," mahinang bulong niya at hinalikan ang noo ko.

Pinasok ko siya sa kotse at kaagad na inayos ang seatbelt niya sa passenger seat. Tinignan ko siya at napabuntong hininga dahil naiisip ko ang plano ko para tigilan siya ni Shane.

"Salamat, Manang..." sambit ko sa magalang na boses.

Tumango siya at ngumiti sa 'kin ng malaki. Pumasok ako sa driver seat at tinignan si Wade na nakapikit, hawak ang ulo, at nakasandal sa bintana ng kotse.

To: Shane

Pumunta ka sa unit ni Wade mamayang 8:30pm. Hihintayin kita doon, mag-uusap tayo.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang inosenteng si Wade. Kailangan kong gawin ito para masukat kung gaano niya ako kamahal, na kahit lasing siya ay ako pa rin ang mahal niya. Ilang beses niya nang napatunayan sa 'kin na mahal niya ako, hindi ako kailan man nagduda sa pagmamahal niya.

"Wade, uuwi na tayo ha?" mahinahong sambit ko.

Dumilat siya at ngumiti sa 'kin bago hinawakan ang kamay ko. I let out a deep sighed at pinaadar ang sasakyan papunta sa building ng Martinez. Hindi ko muna susunduin sina Wayne dahil importante ang gabing ito para sa 'kin.

Nakarating kami kaagad sa unit at kaagad akong bumaba. Pumunta ako sa front desk at nagpatulong dahil hindi ko kaya si Wade at baka matumba ako. Binuksan ko ang kotse at kinuha ang pouch ko matapos alalayan si Wade palabas ng kotse. Pagaywang-gaywang na ang lakad niya at nakikipagkulitan pa sa mga staff ng hotel.

"Thank you," mahinang sambit ko at nilagay ang braso ni Wade sa balikat ko.

"Kaya niyo po ba Ma'am?" pagtatanong niya kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now