Chapter 52

5.9K 170 0
                                    

Wade's POV:

Maaga akong nagising at napangiti dahil tulog na tulog ang tatlo sa kama. Dahan dahan kong inalis ang braso ni Natasha sa bewang ko at hinaplos ang buhok niya. Ngumiti na naman ako at hinalikan ang mga noo ng mga anak ko at nang magsawa ako ay kaagad na akong bumangon para makapagluto na ako at makapagpaalam kay Chief para sa biglaang leave ko.

Maingat akong lumabas sa kwarto at kaagad na pumunta sa ibaba. Hindi ko maiwasang mamangha sa disenyo sa buong bahay, pallet brown at white ang kabuaan at ang mga painting ay nandito. Napangiti ako nang makita ang picture ng dalawang anak ko at ni Natasha at kada mapapatangin ako sa mga mukha ni Natasha parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko.

"Uh, You're Elle right?" pagtatanong ko sa kasambahay na naghahanda na ng pagkain.

She gulped. "Opo, uhm...ganito po kapag umaga. Kailangan pong maghanda ng pagkain dahil mabilis pong magutom ang mga bata at pagkain kaagad ang hinahanap sa umaga. Si Ma'am Natasha po minsan ang nagluluto pero madalas po ay ako." nilapag niya ang ham, bacon, pancake at kung anu-ano pa.

"Ako na," sambit ko sa kanya at pinaghanda ng gatas si Natasha at ang mga bata. "Salamat sa pag-aalaga sa magi-ina ko," sinserong sambit ko sa kanya.

Suminghap siya. "Masaya naman po akong inaalagaan sila Ma'am. Ako po ang naging katulong ni Ma'am sa pagpapalaki sa kanila sa Italy hanggang dito," mahinang sambit ni Elle.

Ngumiti ako at kaagad na narinig ang yabag ng mga anak ko. Napatingin ako doon at natawa ng yumakap kaagad si Wayne sa leeg ko nang buhatin ko siya. Hinawakan ko ang kamay ni Warren na inaantok pa at kaunti nalang ay matutumba pa.

"Bawal po si Warren sa ma-aalat at si Wayne naman po ay bawal sa masyadong mamantika," imporma ni Elle kaya tumango ako.

Inalalayan kong umupo si Wayne na nakadukdok na naman sa lamesa at inaantok pa. Napailing ako at kaagad silang inayos hinanda ko na rin ang pagkain nila. Nang matapos ay pinuntahan ko muna si Natasha at mahimbing pa rin ang tulog. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalik-halikan ang sentindo niya.

"Hmm..." She moaned and wrinkled her nose.

"Baby, wake up," I whispered on her ear. "Come on, hindi ka kumain kagabi. Makakasama sa baby natin kapag nagpapalipas ka," dagdag ko.

She open her eyes and smiled at me kaya natulala ako. Kinagat ko ang labi ko at inalalayan siyang makaupo at tanging sando at cycling lang ang suot niya. She really knew on how to turn me on by wearing that fucking black cycling shorts.

"Let's go," I kissed her lips and she kissed me back.

Inalalayan ko siya pababa at nakita namin sila Wayne at Warren na napaayos ng upo. Inalalayan ko si Natasha at pinagsilbihan siya at pansin ko ang titig na titig na sina Warren at sabay ring nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako at nilagyan rin sila ng pagkain kaagad naman nagliwanag ang mga mata nila.

"Pupunta tayo sa Laguna. May event na kailangan nating puntahan at sa Linggo may meeting tayong lahat at alam kong alam mo naman tungkol saan 'yun," sambit ni Natasha.

"Yes, actually tinawagan ako ni Mommy tungkol doon at sasabihin ko na rin sa kanya ang tungkol sa mga anak natin," sambit ko at tinignan ang dalawang tahimik na kumakain.

She chuckled. "Nahihiya lang sila sa'yo kaya ganyan 'yang dalawa. Hindi naman sila tahimik siguro gulat pa rin dahil ngayon lang nila nakilala ang Daddy nila," sambit niya nang mapansin na hindi kumikibo ang dalawa.

Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. "Do you want to swim and play basketball at the same time? I can teach you," nakangising sambit ko sa kanila.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now