Chapter 4

8.4K 203 16
                                    

Wade's POV:

Binaba ko ang tawag ng masabi sa'kin na nakaalis na si Natasha sa pilipinas, tiim ang panga ko at madilim na nakatingin sa baso na nasa harapan ko. Hindi ko na s'ya pinasundan pa dahil iisipin ko palang na uuwi s'ya sa lalaking 'yun hindi ko kaya. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa ginagawa niya, ayokong malaman na nasa iisang bahay sila nakatira.

Alam ko, nagkamali ako but I tried my best to save our relationship. Matagal kaming nawalay sa isa't-isa kaya sinubukan ko pa ring ayusin ang lahat baka kasi maayos ko pa ang gusot. Pero, hindi niya kinaya at alam kong paulit-ulit ko na s'yang nasasaktan pero nandiyan pa rin s'ya. Kaya hindi ko maiwan si Natasha dahil na rin sa gusto kong maging kami hanggang dulo.

Kasalanan ko, kitang kita ng mga mata ko kung paano niya itago ang nararamdaman niya. Kahit hindi niya sabibin sa'kin alam ko na unti-unti na ang pagbitiw niya sa kamay kong nakakapit ng mahigpit sa kanya. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim para alisin ang nagbabara sa lalamunan ko dahil maski ang mga mata ko ay may luha na.

"Wade, kumain ka muna..." saad ni Shane sa tabi ko.

Nandito ako sa bahay niya dahil ito ang sinabi ni Dad, kailangan ko s'yang samahan. Hindi rin ako makatanggi dahil na rin inaalala ko si Troy. Tinignan ko s'ya at mas lalo lang nag-aalab ang galit ko para sa kanya. She's the reason why Natasha left me, she's the reason why I suffered like this na kulang nalang mabaliw na ako sa kakaisip.

"Bakit may kasama ka na namang ibang babae? Sino na naman 'yun ha, Wade? Hindi mo na ako niresp–"

"Shut up! Wala kang pakielam kung magsama ako ng babae, Shane. You made me like this then, deal with it," iritadong saad ko sa kanya.

"What? Kapag nakita ni Troy ang ginagawa mo? Ano nalang ang sasabihin niya? Na ang daddy niya ay may ibang babae!" Si Shane sa galit na boses.

I looked at her with my piercing eyes, nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at umayos ng upo dahil baka marinig ni Troy na nag-aaway pa kami ni Shane.

"I knew it! Nakita mo si Natasha kaya ka nagkakaganyan?! Bumalik lang si Natasha ganyan ka na umasta?" aniya sa galit na boses.

"Shane, stop it..." kalmadong saad ko at pinikit ang mata at nakasandal sa sofa.

"Why would I huh? Ilang beses kayong nagkita ni Natasha kaya ganito ako aasta! May anak tayo, Wade kaya sana respetuhin mo ang anak natin," mariing saad niya.

Mariin kong pinikit ang mata ko at dumilat, tinignan ko s'ya na kunot ang noo. Namumula ang pisngi niya dahil sa galit niyang sigaw sa'kin, umiling ako at agad na tumayo para puntahan si Troy sa labas. Naabutan kong naglalaro s'ya ng mga maliit na sasakyan, sa totoo lang at the age of 26 gusto ko ng bumuo ng pamilya ko. 'Yung masasabi kong akin, kasama syempre ang taong gusto ko. Natasha is 24 and she's hot and yeah, pretty as always.

"Daddy!" Si Troy sa masiglang boses.

I smiled and reached his little hand to carry him. I heard his giggle on my arm kaya natawa nalang ako sa bungisngis na bata na nasa bisig ko. Nilapag ko s'ya sa gitna ng hita ko at sinuklay ang itim na itim niyang buhok na hanggang balikat niya na.

"Daddy this is my car, I want a real one but mommy said that im young..." nakangusong saad niya.

"Hmm. You mom is right, you're too young for that. When you grew bigger I can buy you a real one but you need to train driving cars," paliwanag ko, titig na titig s'ya sa'kin. 

"Really, Daddy?" kuminang ang mga mata niya.

I nodded my head. Mas lalong lumawak ang ngiti niya kaya napangiti ako. Nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko ang masiglang ngiti niya sa'kin at sa bawat yakap niya. Naglaro-laro lang kami hanggang sa nakatulog na s'ya sa bisig ko, bumuntong hininga ako at kinarga s'ya papasok sa loob.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now