Chapter 40

5.9K 141 6
                                    

Wade's POV:

Nang makabalik ng Laguna ay hindi ako tinantanan ng tanong nila Mommy. Wala akong sinagot dahil ayokong malaman nila na may kung ano sa'min ni Natasha, dahil alam kong tututol si Daddy lalo pa't may responsibilidad ako kay Shane at Troy. Tama nga sila dahil laman kami ng articles at news headline dahil sa biglang pagkawala naming dalawa. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil hindi nila ako tinigilan sa pagtatanong.

Simula nang maabutan ko si Kuya at si Shane na magkausap para akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Wala akong ideya. Palagi nang nakadikit sa 'kin si Shane at kung minsan pa ay sumama s'ya sa 'kin sa trabaho ko. Naiinis ako dahil palaging dikit si Shane na akala mo kapag kumurap s'ya ay mawawala ako sa tabi niya.

"O, may bago tayong kaso. Nakita ko nga pala si Natasha doon sa mismong spot kung nasaan 'yung kotse ng fianceè niya," sambit ni Brent na kakapasok lang.

Nagulat ako. "T-talaga?" tanong ko pa sa kanya.

"Oo? Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Hindi mo sinabi na ex-girlfriend mo pala 'yun. Sa dami ng babae mo hindi ko alam kung sino ang sineryoso mo sa kanila," dagdag niya sa natatawang boses.

"Fuck you!" natatawang singhal ko sa kanya. "Tss ayokong sabihin dahil babalikan ko 'yun. Mamaya agawin mo pa sa 'kin. Ano bang kaso 'to?" tanong ko sa kanya.

Natawa s'ya. "Tungkol 'yan sa kaso ng fianceè ni Natasha. Kami ang may hawak niyan kaso nga diba nagleave si Cannon dahil sa buntis ang asawa kaya naman sabi ni Chief ikaw daw ang papalit," paliwanag niya.

Napangiwi ako. "Bakit ako? Tss. Bigay mo sa iba 'yan dagdag problema ko pa," nakangiwing sambit ko sa kanya.

"Baliw ka ba? Requested 'to ni Chief at ikaw daw ang magiging leader ng kaso na 'to. Napakabitter mo namang ex, nakakakilabot ka..." nakangiwi ring sambit niya.

Hinablot ko ang papel at ngumisi naman s'ya ng nakakaloko. Binasa ko ang papel at napakunot ang noo ko dahil seryosong kaso nga 'to at kailangang madaliin. Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at nakuha na ng husto ang atensyon ko dahil dito. So, anak pala s'ya ng isang milyonaryo? Anak rin naman ako ng milyonaryo ha? Bakit sa kanya pa nagpakasal si Natasha? Baduy.

"O, ano, payag ka na ba? Request rin 'yan ni Natasha since may tiwala daw s'ya sa'tin. Binigay pa nga sa 'kin number niya para incase na may progress ako na ang tatawag sa kanya," sambit niya.

"Ako ang magt-text sa kanya ng progress ng kaso," seryosong sbit ko sa kanya.

"Sus, possessive..." parinig niya pa. "Lambot ng kamay pare, iba talaga kapag anak bilyonaryo ka..." dagdag niya sa nang-aasar na boses.

"Umalis ka na nga bago mandilim ang paningin ko sa'yo," iritadong sambit ko sa kanya.

Tawa tawa s'yang umalis at iniwan ako sa opisina ko. Nagtipa ako sa laptop ko dahil isang bundok na papel na naman ang nasa lamesa ko at kailangan ko pang matapos hanggang bukas. May nagpadala na naman ng lunch ko galing sa mga lady officer na nasa team ko dahil iba daw sa kanila ay gusto ako. Napapailing nalang ako dahil sa isang babae nalang ako ngayon.

"Wade?" napatingin ako sa pinto ng pumasok si Shane.

"Why are you here? I'm busy right now," kalmadong sambit ko at nagtipa sa laptop na nasa harapan ko.

"I bring you lunch. Sabay na sana tayo kumain, kakatapos ko lang sa work ko at lunch time namin kaya pinuntahan na kita dito," nakangiting sambit niya at sinilip ang ginagawa ko.

"Busy ako," simpleng sambit ko. "Hindi mo naman kailangang bumyahe para lang diyan. Sayang sa gasolina," dagdag ko sa kalmadong boses.

She chuckled. "You seems so worried about me. Gusto lang kita makasabay at magpasalamat na rin sa pag-aalaga sa 'kin," sambit niya at umupo sa harapan ko.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Where stories live. Discover now