Chapter 38

5.5K 151 3
                                    

Wade's POV:

Maaga akong gumising dahil kailangan kong tawagan si Kent para sa helicopter. Naging maayos naman ang pag-uusap namin ni Natasha tungkol sa pagbalik namin sa Laguna. Masinsinan at seryoso ang usapan naming dalawa at nagkakasundo naman kami pwera lang sa paglapit niya kay Emmanuel. Napag-usapan rin namin ang tungkol sa kung anong tinawag ni Kent sa kanya kaya kailangan naming makauwi kaagad. Malaking problema 'yun kaya naman aligaga si Natasha.

Tinignan ko si Natasha na mahimbing ang tulog. Napapailing ako at kaagad na binihisan ng damit si Natasha dahil nakailang rounds kami kagabi. Kinagat ko ang labi ko at bumangon na dahil baka dumating si Kent, kaagad akong nagluto para sa'ming dalawa dahil alam kong pagkain ang hahanapin niya sa paggising niya.

Habang nagluluto ay narinig ko na ang chopper, bumuntong hininga ako dahil napaka-aga naman ng Martinez na 'yun. Nagpunas ako ng kamay at narinig ko ang boses ni Jetro sumama pala ang isang 'yun at baka sinama pa ang buong Martinez dito.

"Hoy! Wade!" Si Jetro sa malakas na boses kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Lower you voice! Baka magising si Natasha," I hissed at him na natawa lang sa 'kin at tinaas ang dalawang kamay.

"Tss. Gisingin mo na dahil maaga pa kami," sambit ng seryosong si Kent. "Alam mo na ba?" tanong pa niya.

"Napag-usapan na namin ang tungkol doon. Naiintindihan ko naman," kalmadong sambit ko habang hinahanda ang plato.

"Good. Pinagbigyan lang kita pero kapag naulit pa ang dati, ako mismo ang maglalayo sa kanya," seryosong sambit niya.

Lumunok ako at tumango nalang sa kanya. Napatingin kami sa kwarto nang lumabas si Natasha na pungas pungas pa. Palihim akong napamura because I can see her nipples! Niyakap ko kaagad s'ya na nagulat sa 'kin. Pinanlakihan ko s'ya ng mata at pinisil ang dibdib niya kaya napatingin s'ya doon.

"Baby, you're showing them your nipples..." marahang bulong ko sa kanya.

"Oh, fuck." paos ang boses niya at kaagad na pumasok sa loob ng kwarto.

Napahinga ako ng malalim at tinignan sila Kent. Mabuti nalang at nag-uusap sila doon at hinahalungkat na ang ref namin na wala nang halos laman. Lumabas si Natasha suot ang hoodie ko kaya ngumiti ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at iginiya s'ya paupo sa tabi ko. Ganoon rin sila Kent dahil nagugutom daw sila, napailing ako dahil kahit kailan ay napakakuripot ng mga magpipinsang Martinez.

"Your so early Kuya..." puna ni Natasha at tamad na sumandal sa upuan.

Tumaas ang kilay ni Kent. "Inagahan ko talaga dahil gusto ka nang makita nila Mommy. Alam mo naman si Mom, kapag sinabi niya kailangan sundin mo," bored na sambit ni Kent.

Tahimik lang ako dahil silang dalawa lang naman ang nag-uusap at tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa. Mukhang seryoso ang magkapatid kaya hindi na kami sumabat pa, knowing them ayaw nila na naiistorbo sila kapag nag-uusap sila. Mas nakikita ko lang ang pagkakahawig nilang dalawa kapag kunot ang noo nilang pareho.

"We already investigating it and so far, wala pa naman. Kailangan lang ang presensya mo dahil ang mga magulang ni Emmanuel ay pursigidong hanapin ka. They're blaming you," seryosong sambit ni Kent.

"Bakit?" hindi ko maiwasang magtanong. "How can they blame Natasha for doing nothing?" kumunot ang noo ko sa kanya.

Nagkibit balikat s'ya. "I don't know hindi naman ako ang mga magulang ng fianceè niya," nakangising sambit niya halatang inaasar na naman ako.

Tinaliman ko s'ya ng tingin at nginisian lang ako. Naramdaman ko ng kamay ni Natasha sa hita ko kaya napatingin ako sa kanya na nakataas ang kilay. Ngumuso ako at rinig ko naman ang pagubo ni Jetro sa gilid ko.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Onde as histórias ganham vida. Descobre agora