Sa tingin ko sasabog na yung utak ko sa dami ng nalaman ko pero nagtataka ako hindi parin bumabalik si ate cassandra. ang haba naman ata ng pinagusapan nila ng papel nayun >3<

Pero teka nga!!

"Huy pano yung mga nasa school?" usisa ko sa kanila. aba!! syempre malaking kaguluhan yon! lahat sila bulagta doon no. ang sasama ng ugali ng mga yun dapat kinulam nayun eh hoho joke wag bad yun white witch kami hindi black xDD kaya dapat wag bad diba readers? xDD

"Sa aming palagay ay gising na ang mga iyon at sa mga oras na ito ay maaring wala silang naalala sa mga nangyari palabasin na lamang natin na nakatulog din tayo ng sandaling iyon pero nauna tayong magising sa kanila" pag dedetalye ni ate alison.

"Pero kapag nagtanong ang mga ito kung bakit hindi natin sila nagawang gisingin sabihin natin na ginising natin sila ngunit kahit anung gawin natin ay hindi sila magigisng" pagdudugtong pa ni madeline. matatalino talaga tong mga toh lahat ng gawin nila kaya nilang lusutan sana ako din gaya nila *O*

Maya mya dumating si ate Cassandra na lamukot at naka kunot yung noo ang kyut nya ngayon ko lang sya nakitang ganon yung itchura.

"Ate bakit?" tanong ko sa kanya.

"nakakainis yong binatilyong nagdaan sakay ng hindi ko malaman na uri ng sasakyan." nakakunot na sagot nya sa tanong ko. umupo pa sya sa sofa at tinaas yung dalawang binti sa ibabaw ng lamesa haha at home na at home.

"Kung ganoon lahat ng uri ng kalalakihan sa mundong ito mas nanaisin ko pang magkulong na lamang dito" pagdadabog padin nya natawa kaming tatlo sa inasal nya ngayon ko lang sya nakitang ganyan well siguro sila ate alison and madeline nakita na nila sa araw araw ba naman nilang kasama si ate cassandra eh.

"Naalala mo ganyan din ang kanyang reaksyon ng matalo sya noon ni master vlad sa una nilang dwelo" bulong ni madeline kay ate alison.

What? si ate cassandra nataloooooo? di nga?? weeeeh? anyare!! bat wala ako noooon huhu T__T anyways wala naman nakong magagawa sa bagay nayun eh wala eh andito ako sa mundong to eh hindi tuloy ako nakachismiss. T_T xD

Niyaya ko na lamang silang kumain ng ice cream grabe! tuwang tuwa sila alison at madeline pero si ate cassandra casual lang yung itchura ng mukha nya ang galing nya kaya nyang itago yung pagiging ignorante nya sa isang bagay pero etong dalawang to sumasakit ulo ko kakapaliwanag xDD pero ok lang. bukas practicin ko naman sila magsalita ng hindi malalim dumudgo na ilong ko kapag nagsasalita sila eh ang laliiiiiiim grabe!! ubos dugo!! meeeeeeen XD

--- Paul's Pov

Nakauwi nako sa bahay nang hindi padin naalala kung anung nangyari sa school kanina napraning nako kakaisip pero wala binalak ko pa ngang iuntog yung ulo ko para maalala ko kung bakit lahat kami doon sa room tulog na at yung maingay na si jullie at yung tatlong bago ay wala na. baka sila may alam tatanungin ko sila bukas.

"Kuya andito nako!!" tawag ko kagad sa kuya ko pero mukhang wala sya susme nasan ba mga tao sa bahay namin si mama wala si papa wala din ano ako ngayon? nganga ako ngayon dito? pano ko kakain haaaays kainisss!!

"grabe nakakatawa- o andito kana pala paul." sabi ni kuya habang papalapit sa ref at kumuha ng tubig.

"anong nakakatawa?" sabi ko sa kanya at naupo pa sa dining area makiki chismiss ako eh bakit ba.

"Yung babaeng nasa kabilang bahay ewan ko pinsan ata ni jullie daldal yun eh" tumango tango lang ako atsaka tumayo na magbibihis nalang ako bahala na si kuya dyan pakialam ko sa mga kapit bahay namin. nagbihis lang ako atsaka nanuod na ng tv pero di ako makapag concentrate sa ingay ng kapit bahay namin kaya pinatay ko nalang yung tv susme ano bang pinapatugtog ng mga yon? KPOP na namaaaaan! tyak si jullie yon taong kpop yon eh.

sisigaw na sana ko para sawayin si jullie pero nakita ko si kuya nasa tapat na ng gate nila jullie at nagdoorbell na kaya tinignan ko lang sya dun at naupo dito sa terace namin nakailang doorbell na sya pero walang lumalabas nako malabong marinig ni jullie yon naknakan ng lakas ng tugtog eh. maya maya may lumabas na babae napansin ko na hindi sya si jullie straight kasi ang buhok ni jullie pero etong babaeng lumabas.





Teka!!!



Classmate namin to ah!!!

Teka bat ang ganda nya sa suot nya.

Anu nga ba ulit pangalan nito? cashie? cash? cassie? ah CASSANDRAAAAAA!! oo tama Cassandra.

shit bakit kumikinang sya sa paningin ko mabubulag naba ko? tinignan ko si kuya naka smirk tapos yung classmate namin sabukot yung mukha shet ang cute naman nya wag syang gumanon kasi lalo syang gumaganda tapos bagay pa sa kanya yung suot nyang damit mas gusto ko pa yun kesa kapag nakauniform sya. maya maya humagalpak na ng tawa si kuya tapos yung classmate namin lalong kumunot yung noo naka pout pa aba!! wag kang gumanyaaaaan please lang!!

teka bat ba ganto tong puso ko nkakasura to ah argh! makapasok na nga lang!! at makainom ng tubig.



maya maya pumasok na si kuya na tuwang tuwa psh nakakainis bat ba tuwang tuwa to porke nakausap lang yung classmate namin psssh.

-----------

Picture ni Cassandra paglabas nya.

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon