SDTR: Kabanata 39

Start from the beginning
                                    

"H'wag ka nang masyadong mag isip, kumukunot ang noo mo." Panunuya niya sa akin, nanatili akong nakatitig sa mga mata niyang malamlam.

"Hindi namang masamang mag isip, pero sa lagay mong yan alam kong makakasama sayo...dahil baka pumangit ka, ang ganda mo pa naman." Natatawang biro niya
na alam kong may ibig sabihin din.

"Sige na, matulog ka na, para naman makapag yosi ako." Pag iiba niya ng usapan, kusa akong tumango sa kanya bago ako nagpasiyang pumasok na sa loob ng bahay nila Jamille.

Nakita ko pa sa glass door kung paano niya hampasin ng marahan ang dibdib niya bago siya nagsindi ng yosi at hinithit iyon.

Napapitlag ako nang mag ring ang cellphone ko at nakita kong si Mama ang tumatawag, huminga ako ng maayos bago ko sagutin iyon.

"Hindi ka umuwi, hinintay ka namin ng Dad mo." Malungkot na sabi ni Mama, oo nga pala, gusto ni Dad na mag-dinner kami ng sabay sabay pero nawala na yon sa isip ko. Ang dami kong gustong itanong kay Mama, pero may pumipigil sa akin.

"I'm sorry, Ma, sumama bigla ang pakiramdam ko kaya pinauwi ko na si Kuya Mike diyan, don't worry Ma, maayos naman ako dito kela Jam, pakisabi nalang kay Dad na sorry." Walang ganang sagot ko, narinig kong huminga ng malalim si Mama.

"You have to go home, anak. Pag uusapan natin ang birthday celebration mo, sa isang araw na iyon." Ani Mama.

"Ma, h'wag na. Wala ako sa mood para i-celebrate ang birthday ko. Sige na po Ma, magpapahinga na ako. Maaga nalang akong magpapahatid kay Jamille bukas." Paalam ko, narinig kong magsasalita pa si Mama pero hindi ko na hinintay iyon. May kung anong pumipiga sa puso ko at hindi ko alam kung bakit ganito nalang kasakit ang nararamdaman ko kahit na ilang ulit kong nalaman na ginawa lang nila ang lahat ng ito para hindi ako masaktan.

Pero kahit anong manyari, masakit pa rin.

Nakatulugan ko na ang pag iyak, kaya naman nang magising ako kinabukasan ay ramdam ko ang natuyong luha sa pisngi ko. Namamaga ang mata ko mula sa pagkakakita ko sa harap ng salamin, nagsimula na akong maligo at mag ayos saka ako humingi ng pabor kay Jamille na ihatid ako sa La Trinidad.

"There is something bothering you, nararamdaman ko." Simula ni Jam habang nagmamaneho, hindi ako bumaling sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa labas ng kalsada nang sagutin ko siya.

"Tingin mo?" Mapait ang pananalita ko at hindi ko maiwasan iyon.

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Jam pero pilit kong binabalewala iyon. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko, pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko lolokohin lang ako at dadayain.

Tahimik lang kaming nakarating sa La Trinidad, ni hindi ko na nagawang makapag paalam kay Jam, basta nalang akong bumaba ng kotse niya at dumiretso sa bahay. Laking pasasalamat ko dahil alam kong tulog pa sila Mama ganitong oras, dahil hindi ko pa alam kung makakaya ko silang harapin.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at halos mapaupo ako nang marinig ko ang boses ng batang lalaki at ang boses ni Ethan.

"I MISS YOU SO MUCH, MAMA CLAIRE!"

"I miss you, baby."

Nakita ko doon ang teddy bear na bigay ni Ethan na siyang nadaganan ko. Kinuha ko iyon at paulit ulit kong pinindot ang tiyanhanggang sa niyakap ko nalang ito at hinayaang bumuhos ang luha ko.

Hindi ko na rin alam kung ano ba talagang iniiyak ko. Kung yung sakit ba na nararamdaman ng puso ko ngayon, o yung katotohanang hindi ko lubusang matanggap dahil sa panloloko sa akin ng mga mahal ko sa buhay.

Narinig ko na ang pagkilos nila Mama at Dad mula sa labas pero nagpasiya akong h'wag munang ipaalam sa kanila na nandito na ako sa bahay. Tinext ko nalang si Mama na hindi nalang muna ako uuwi, pinatay ko rin ang cellphone ko para kahit sino sa kanila ay hindi ako ma-contact.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now