Tinwagan ko ito kanina pero di sumasagot kaya napag-isipan ko nalang na ako nalang mismo ang pumunta sa kanya. Pero kung minamalas ka nga naman kasambahay lang ang naabutan ko dahil maaga raw itong umalis dahil may shoot pa ito.

'Oras na din siguro para mag hanap ako ng pagkakaabalahan ko.'

Dahil wala rin naman din akong pwedeng mapuntahan ay nag pasya nalang ako na umuwi nalang. Malapit na ako sa bahay ng makatanggap ako ng text galing sa kay tristan himala yata nag paramdam. Siguro narealize niya na gusto niya rin ako.

Tristan:
Hey, are u busy?

Anong masamang espirito ang sumapi sa lalaki na ito para mag paramdam sakin. Matapos halos dalawang buwang niya akong di pansinin dalhil sa punyetang pag aamin na yun.

Dahil marupok ako page dating sa kanya nag reply agad ako.

Me:
Not really why?

Tristan:
Labas tayo?

Me:
Now?

Tristan:
Yeah.

Tipid naman niya naman mag reply pero okay lang. Mahal ko naman.

Tinungo ko agad ang lugar na ibinigay niya sakin. Medyo malayo pero keri lang basta para sa kanya. I was expecting na andun na siya pero dahil siya si tristan pinaghintay niya ako ng halos dalawang oras sa restaurant.

"Sorry, I'm late." Pagbungad niya sakin.

Sorry your ass.

"Ayos lang." Ngumiti ako sa kanya pero naging pilit lang ang ngiting iyon.

"Kanina ka pa?" tanong niya.

Yes! Actually dalawang oras lang naman ako nag hintay sayo asshole.

"Hindi, actually kakarating ko lang din naman." Pagsisinungaling ko. "Bakit ka pala ngayon lang?"

Nakita kong dumaan ang lungkot sa mata niya pero di din yun nag tagal at bumalik sa pagiging usual na blankong mukha nito.

"Nagkaproblema lang sa trabaho pero okay na." Ngumiti ito sakin at tinawag na ang waiter para mag order ng kakainin namin.

Habang wala pa ang order namin kwento lang siya ng kwento medyo naninibago ako kasi di naman siya ganun kadaldal pero ngayon ibang iba. Kahit na naguguluhan ay sinabahan ko nalang ang trip niya. Hanggang sa dumating ang order namin todo asikaso pa siya sakin medyo naiilang na ako sa ginagawa niya. Anong meron? Bakit nagka'kaganto siya.

Nabigla ako ng sa kalagitnaan ng aming pagkakain ay hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Tiningnan ko siya na nagtatanong pero ngumiti lang ito sakin. Pinag kibitbalikat ko nalang ang mga pagbabago niya.

Matapos namin kumain ay niyaya pa niya akong mag mall. Pumayag
naman ako tutal pabor na pabor sakin ang pagbabago niya. Mag a'alas siyete na din ng mapagpasyahan naming umuwi.

Hinatid niya pa ako sa bahay kaya naiwan sa mall ang sasakyan ko. Sabi niya naman siya na ang bahala na ipahatid iyon sa bahay kaya hinayaan ko nalang at ibinigay sa'kanya ang susi ng aking sasakyan. We bid our good bye's but bago siya umalis ay may sinabi siya na nag patigil ng mundo ko.

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now