"Ano nga po ulit yun?"

"Ang sabi ko bakit ganyan ang ayos mo kala ko ba may lakad kayo ng kaibigan mo."

"As usual di naman tuloy kasi di siya pinayagan." I pouted at him.

Tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko.

Magulo na nga ginulo pa tsk!

"Ano ba kuya!" naiiritang sigaw ko sa kanya.

Natatawang tinalikuran ako nito at tumungo na sa mga kaibigan niya. Napailing nalang ako at astang tatalikod na rin ng mahagip ng mga mata ko ang kulay abong matang kanina pa sakin nakatitig.

Di pa siya nasasawa?

Di niya ba alam na staring is rude. Tsk! Di ko nalang ito pinansin pa at nagtungo na sa kusina para maka pag breakfast.

Habang kumakain ako ay tumunog ang pinto sa kusina senyales na may pumasok liningon ko ito para malaman kung sino ang pumasok.

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita kung sino ito.

"Kukuha lang sana ako ng tubig." saad nito.

"K-uha ka nalang sa ref." wth! bakit ako nauutal pag kausap siya.

I saw him smirked before he passed a head to where the refrigerator was.

Tsk!

Napatitig ako sa likod nito na bakat na bakat ang muscle dahil sa hipit na damit nito. Tambay ba siya sa gym? Ilan kaya abs niya siguro di bababa sa  apat yun.

I grin because of that thought.

Napatingin ito sakin at tinaasan ako ng kilay. Napayuko naman ako dahil sa kakahiyan.

Ano ba naman yan ashianna ang halay mo kasing mag isip.

"May nakakatawa ba?" masungit na tanong nito akin.

"Wala!" mabilis na sagot ko at dali daling niligpit ang kinainan ko para mailagay sa lababo pero di ako nito hinayaang makalagpas sa kanya.

"Excuse me!" mataray na saad ko.

"Di ka pa tapos kumain bakit niligpit mo na?"

"Paki mo ba!" Pagtataray ko at sinubukan ulit siyang lagpasan pero di talaga ako nito hinayaang makadaan. "Ano ba dadaan ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Ow! Baby galit kana?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ako at napatigil sa pag tangkang lumagpas sa kanya dahil sa sinabi niya.

Baby?

"Pinag lalaruan mo ba ako?" tinaasan ko ito ng kilay napakamot ito sa batok niya at ngumisi "kasi kung oo, pwes ako hindi ako nakikipaglaro sayo tumabi ka at dadaan ako!" pikon na sigaw ko sa kanya.

Tumabi naman ito kaya hinalpasan ko agad siya.

Ang kapal ng mukha susumbong ko siya kay kuya nakakainis siya di ako natutuwa sa kanya lalo na sa tuwing lumalapit siya kasi biglang bumibilis ang tibok ng puso ko ewan ko kung dahil ba ito sa kaba.

Siguro nga dahil sa kaba pero bakit ako kakabahan sa kanya...

Tsk... Ashianna wag mong problemahin siya.

Nang mailapag ko na ito sa lababo ay huminga ako ng malalim bago tinalikuran ang hugasin. Napatalon ako bigla dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Sa pag kakaalam ko nasa tapat siya ng ref kanina ng lagpasan ko siya. Sa sobrang lalim ba ng pag iisip ko tungkol sa kanya kaya di ko namalayan na papalapit siya.

"A-nong k-ailangan mo?" nagkandautal utal na tanong ko sa kanya dahil sa kaba.

Mas lalo pa itong lumapit sakin shit pag ako talaga hinalikan nito kahit na mukhang malambot ang labi niya, kahit na gaano kaganda ng mga mata niya di ako mag dadalawang isip na sipain ang alaga niya.

"You look pale baby." malambing na saad nito sakin. "Natatakot ka bang halitan kita?"

Nanindig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa lambing ng boses niya.

"A-no ba lumayo ka nga sakin susumbong kita kay kuya." nagbabantay saad ko sa kanya.

"Ilang taon kana ba para kang bata para mag sumbong pa sa kuya mo."

"I'm still my kuya's baby kahit na 20 years old na ako kaya please lang lumayo kana sakin."

"So 20 kana..." nakangiting saad nito at hinaplos ang aking pisnge na mas lalong ikinagulat ko napatalon pa ako sa aking pwesto na ikinatawa niya "Not bad." nakangising saad niya bago ako iwan sa kusina na nakatulala dahil sa ginawa niya.

Yun ang huling tagpo naming dalawa sa araw na iyon.

Nag daan ang ilang araw ay lagi na siyang tumatambay sa bahay namin kahit na di kasama ang iba nilang kaibigan ng kapatid ko. Kaya sa tuwing nasa bahay siya ay lagi kong iniiwasan na mag tagpo kaming dalawa dahil sa nararamdaman ko parin ang kaba sa tuwing alam kong lalapit siya sakin. Lagi ko rin itong na huhuling nakatitig sakin.

Kaya halos araw araw kong itinatatak sa utak ko na dapat ko siyang iwasan dahil sa mukhang wala itong maidudulot na maganda sakin.




Itutuloy.......

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now