"Where's the clothes for the babies?" Malamig na tanong nito.

"This way sir."

Sumunod naman kami dalawa sa kanya ramdam kong medyo pawis na ang kamay kong hanggang ngayon ay hawak niya pa rin.

"Tristan." Tawag ko dito.

Lumingon siya sakin at tumingin na nagtatanong. Binaba ko ang tingin ko sa kamay namin magkahawak pa din. Pero parang di niya nakuha ang nais kong iparating kaya kumunot ang noo niya at tumngin din sa kamay naming dalawa.


"What's the matter?"

"Namamawis na kasi yung kamay ko baka gusto mong bitawan na?" I pouted at him.

"Ano naman ngayon kung mapawis na dati dati naman tayong ganto ikaw mga ang halos ayaw bumitaw sakin."

Halos mag mukha akong kamatis sa sobrang pula ko sa mga pinagsasabi nya. Shit nakakahiya naman yung bibig niya sobrang bolgar.

"Dati yun!" Sigaw ko sa kanya at inagaw ang kamay ko.

"Ang sweet nyo naman pong mag asawa." Humakagikhik na saad nung sales lady.

"Di kami mag asawa!" This time ako naman ang nag taray sa kanya.

"Sorry ma'am."

Nauna narin ako sa kanya dahil di ko kayang tumingin pa sa kanya sa sobrang kahihiyan. Narinig ko pa ang mahinang pag tawa niya sa likuran ko napairap nalang ako sa katarantaduhan niya. Tsk

"Sorry miss buntis kasi si misis kaya madaling mag bago ang mood."

Narinig ko pag paumanhin nya. Miss my ass!

Halos mabili niya lahat ng mga pangbatang gamit na nakita niya sa loob ng store kahit na sinasabi ko sa kanya na di pa naman ang gender nila baby di parin siya nagpapagil sa pamimili palagay ko nga kahit wag na akong mabili para sa mga anak ko sapat na yung pinapili niyang mga gamit baka nga sobra pa.

Para din raw sigurado pambabae at panglalaki ang binili niyang mga gamit wala narin akong nagawa at pinayagan nalang siya. Alangan naman mag reklamo pa akong ih nasa  counter na kami para mag bayad and take note wala akong kahit piso na binayaran sagot niya ang lahat.

"Thank you" pasasalamat ko sa kanya.

"Your always welcome....kung pwede nga rin ay bilihin ko ang kambal na nasa tiyan mo para ako ang maging tatay niyan gagawin ko..." Seryosong sabi niya.

Natulala naman ako sa kanya. Hinintay kong sabihin niyang nag bibiro lang sya pero wala na itong ibang sinabi pa. Pagkatapos ay iginaya na ako papalabas sa store na pinasukan namin.

"Aagawin ko kayo yanna sa kanya."

Saktong napadaan kami sa arcade kaya medyo maingay kaya di masyadong narinig ang huling sinabi niya. Yung welcome lang narinig ko kaya nginitian ko nalang siya at di na inusisa pa ang huli niyang sinabi kung ano man iyon bahala na baka di naman importante.

May mga nadadaanan kami na di masyadong kilala si tristan kaya siguro nakakapagbitaw ng magagandang salita tungkol samin.

"Ang cute ng mag asawa."

"Look hon ang sweet nilang mag asawa mukhang mahal na mahal ang isat isa." isa sa mga nakasalubong namin na mukhang mag asawa din.

"Swerte ni boy magkakaanak na sila siguradong magandang lahi ang anak nila once na lumabas na yung baby halata naman ang gwapo at ganda ng mommy and daddy ih."

Matutuwa na sana ako kaso di naman kami tunay na nagmamahalan at syaka ako lang ang nagmamahal saming dalawa.

Nang marating namin ang parking lot ay andun na ang mga pinamiling gamit ni tristan para sa baby yung iba ay di pa naman madadala ngayon dahil kailangan pang  ideliver nag utos siya ng mga staff na naandun kanina para madala na lahat ng paper bags.

"Hatid na kita?"

"Sige inaantok na din kasi ako." Sabi ko. Kanina pa kasi kami palibot libot sa loob ng mall kaya pagod ako.

"Sige."

Binuksan niya na ang makina ng sasakyan at minaobra na palabas sa parking lot ng mall. Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa sa loob ng sasakyan di ko alam kung anong iniisip niya kung bakit ganito naman siya umasta.

Sinadal ko ang ulo ko sa gilid ng bintana at tinanaw ang mga gusaling nadadaanan namin. Naramdaman ko rin pasulyap sulyap siya sakin. Sa sobrang tahimik ay tuluyan na akong dinalaw ng antok pero bago ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang mga katagang binitawan niya.

"I'm sorry for being a jerk please baby give me a another chance I will prove to you that its gonna worth it."

Should I give him a chance? But what if saktan niya ulit ako?



Itutuloy.........



He Betrayed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon