[6.2] Mortal World

Start from the beginning
                                    

"magmadali may naririnig akong mga tinig" sabi ng isang boses.

after ilang minutes wala na kaming narinig na nagsasalita tumayo nako at tumanaw ulit dun sa labas kung saan ko nakita yung mga naguusap kanina.

"NAsan na sila pare?" tanong ni Raphael

"Ewan malay ko" sagot ko

"Tara na nga umalis na tayo!" yaya nya sakin tapos sumama nalang ako sa kanya.

Nagtataka padin akong sumama sa kanya at ng makarating kami sa room sermon ang inabot ko sa teacher namin haaaaays.

"ayan kasi napagalitan ka!" bulong naman sakin ng isa ko pang ka banda na si Justin.

"ano bang bago jan? Lagi namang ganyan yan eh" sabi ng kabanda ko din na babae na si andrea.

"Pssh! manahimik na nga kayo jan" sabi ko saka nagpalong babang humarap sa bintana.

Umuulan parin sa labas at mukhang walang planong tumila yung ulan nakakainis wala pa man din akong dalang payong ay sabagay hindi naman nga pala talaga ako nagdadala ng payong (_ _")

MAya maya biglang natahimik yung teacher namin kaya nagtataka kami sa kanya na nakatingin lang sya sa labas ng bintana.

"Maam?" tawag ng classmate ko.

"y-yes? class dismiss" sabi nya at saka kinuha yung gamit at nagmamadaling lumabas.

Yung mga classmate namin kahit nagtataka tuwang tuwa kasi maaga kami nadismiss ngayon.

"Wow ha? anu kayang nangyari doon parang nakakita ng multo?" sabi ni raphael

"Baka nga nakakita ng multo?" kumento ni Andrea.

"oh baka naman naiihi na?" pilyong sabi ni Justin.

Pinagbabatukan naman sya nila raphael nagbibiruan na naman sila naupo ako doon sa tabi ng bintana at tinignan yung bawat patak ng ulan.

"Si Paul nageemote haha!!" sabi ni andrea.

"Uluuuuuulll" sabi ko tawa naman silang tatlo doon lakas trip talaga.

"HEllo!!!" napatingin ako sa pinto ng room namin.

Hay nako andito na naman tong babaeng to.

"Hello Paul babe" sabi ni Jessica at saka malanding kumapit sa braso ko. samantalang ako nakatingin padin sa labas ng bintana.

Si Jessica sa kabilang klase sya. Ewan ko ba dito sa babaeng to sabi ng ayoko muna mag girlfriend eh nasa banda lang ang lahat ng atensyon ko at wala akong panahon sa mga babae pero hala sige padin sya sa pagsunod sakin minsan nakakairita na sya.

"BALITA!! BALITAAAAAAAA!!!!" sigaw ng classmate namin pagdating sa classroom namin.

"oh ano yun!!?" usisa ni Justin habang nakaupo sa desk ko.

"Hoy justin umalis ka dyan baka bumigay yan!" sabi ko.

t(-.-t)-- justin.

"Ang balita ay~~ Teka hoy bulateng Jessica anung ginagawa mo dito?" sita nun classmate namin kay Jessica tinaasan lang sya ng kilay ni Jessica at saka nagmartsyang umalis sa room namin.

Tinanguan ko naman yung classmate namin na parang sinasabing "Thanks" at tumango din naman sya.

"Ang balita may bago daw tayong classmate!!" sigaw ulit nya at nakataas pa yung hintuturo. dinaig pa mga teacher namin.

"Talaga? Gwapo ba?" usisa naman ng isang classmate namin.

"sad to say BABAE SILA" sagot nya.

"SILA??" sigaw ulit ng classmate namin.

Kaylangan ba sumisigaw?? pwede namang magusap ng natural at hindi sumisigaw dba?

"CHICKS BA aw para san yon?" sabi ni Raph habang hinihimas yung braso nya na kinurot ni andrea.

"kelan daw sila papasok?" ako na nagtanong pero hindi ako sumisigaw ah. ewan ko ba dito sa mga to.

"Bukas ata o sa isang araw?" sagot nya.

Nagsitanguan naman lahat at bumalik na sa kanya kanya nilang ginagawa at ako naman nakatingin parin sa labas ng bintana.

Hindi ko namalayan na dumating na pala yung teacher namin kaya bumalik nako sa upuan ko.

*****************

"Okay Class Dismiss Ingat sa paguwi ah!" sabi ni huling teacher namin para sa araw nato.

"WOAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!" Sigaw ng ibang classmate ko gaya kanina nagunat lang din ako atsaka tumayo sabay sabay na kaming naglakad papunta sa music room kung saan kami nag practice twice a week lang ang practice kapag may mga contest minsan halos araw araw kami nag practice.

"Tara na huy!" tawag sakin ni Raphael ng nasa tapat na kami ng music room.

"Sige mauna na kayo may kukunin lang ako sa locker ko" sabi ko sa kanila tumingin naman sila sakin ng kakaiba.

"Bulok nayan style mo naman Paul ha!! tatakasan mo na naman kami!!" sigaw naman ni andrea.

pssh! sabi ko nga hindi ako makakatakas eh. kaya no choice nako kundi ang sumama sa kanila (_ _") at pumasok na sa loob kaso nun bago pa kami makapasok ay may narinig kaming tunog ng piano at nanggagaling sa loob ng music room.

"ssshh saglit pakinggan muna natin" pigil ko sa kanila akmang papasok na kasi sila.

sinandal ko lang yung ulo ko sa pinto ng music room habang nakikinig sa nagpiano. Ang galing ang galing nya.

-Casandra's Pov-

Naririto na kami sa mundo ng mga mortal hindi na bago sa akin ang mga mortal dahil minsan na kaming nagpunta rito ngunit iba na ang aming sitwasyon ngayon.

Pumasok kami sa isang silid sa lugar kung saan kami napadpad at nakita namin ang ibat ibang uri ng instrumento gamit sa musika sa aming mundo may mga ganitong instrumento ginagamit ito kadalasan sa mga salo salo kung saan ipinag babawal na gumamit ng mahika ang mga witch at wizzard.

"Halika at tayo'y tumugtog mukhang wala namang mortal" wika ng aking nakakababatang kapatid.

"ano kaba naman Madeline paano kung may makarinig sa atin?" nagaalalang tugon ni Alison.

"Eh ate hindi bat mag-aaral naman na tayo sa paaralang ito?" balewalang sagot nito atsaka naupo sa tapat ng isang piano.

"Oh sino sa inyo dalawa ang nais na sabayan ang aking pagtugtog?" Hindi ako tumugon dito sa halip itinuon ko ang aking sarili sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga mortal na masayang naguusap papalabas ng kanilang paaralan.

"Hay o sya sya. tutugtog na lamang ako."

Tinugtog nito ang paborito nitong pyesa naupo naman si alison sa kanyang tabi at pinakinggan lamang nito ang aming kapatid habang tumutugtog.

(Play the Vid kunwari si madeline haha XD)

Tumingin akong muli sa labas ng bintana at nakikita ko kung gaano kasayang naghuhuntahan ang mga mortal habang umuulan.

Eto ang unang pagkakataon na masilayan ko ang mundong ito habang umuulan.

Tulad din pala sa aming mundo ang ulan sa mundong ito.

Ngunit para sa akin iba ang dulot ng ulan na ito.

Lumingon ako kay Alison na mahinang sinasabayan ang pyesang tinutugtog ni madeline. Nakapikit pa si madeline habang tinutugtog ang pyesang ito.Damang dama nito ang kanyang pagtugtog.

Ng matapos silang tumugtog sabay sa pagtila ng ulan ay tumulong muli ang aking luha ngunit agad ko itong pinunasan.

-----------

The Three Naughty Witches Where stories live. Discover now