Chapter 30

3.5K 151 36
                                    

Nanghihinang pumasok ako sa loob ng classroom namin. Second subject na ang naabutan ko dahil late akong nakapasok. When I woke up nasa bahay na ako. Wala si Cloud roon o kung sino man. Actually kakagising ko lang kanina. Imbes na maging masaya dahil nakabawi ako ng tulog ay nanghihina ako. Ano bang ginawa nila saakin?

Fuck.

"Oh Miss Mendoza buti dumating ka din. May I ask kung bakit absent ang mga kaibigan mo? Lahat ng mga kaklase mo nung gr 10 ay absent ikaw lang ang narito"

Huh? Absent? 35 kaming lahat at ako lang ang pumasok? Then that means 34 ang wala sa Gr 12?

"Pati din ang mga kaklase ni tarah and section 4. Do you know something?"

Pati ang mga kaklase ni tarah? What?

"No ma'am. Wala po akong alam"

"Okay, maupo ka na"

Umupo ako sa upuan ko at iginala ang tingin. Wala sina river. I need to check kung totoo ba ang sinasabi ni Ma'am kung absent ba sila.

Nang mag lunch ay pumunta ako sa ABM. Wala doon sila Olivia. Halos nalibot ko na ang classrooms ng bawat strand pero wala akong nakitang ni isa.

What the fuck is going on?

Cloud. Si cloud baka alam niya o di kaya'y si calista.

Magi skip muna ako ng klase ko ngayon but how? Nakabantay yung guard sa gate. Damn it!

"Here. Ako na ang bahala sa guard"

Nilingon ko yung transferee na humalik sa pisngi ko dati. She's handing me her keys. I didn't waste any seconds and quickly get it. Tinuro niya ang kotse niya at agad akong pumasok doon. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis itong niliko. Nakita ko na kinakausap niya ang guard kaya nag drive ako ng mabilis. Nakalusot naman ako dito na ikinahinga ko ng malalim.

....

Mag gagabi na pero wala akong isang sagot na natanggap. Hindi ko mahanap sina Cloud. Pati din sila Olivia ay hindi ko alam kung nasaan.

What should I do?

Unknown Number

>Tarah's home.

That what it says so I quickly drive into their home. Maybe tarah knows where they are. Baka alam niya kung sino talaga ako. Baka alam niya kung sino sila Cloud.

I tried asking my mother pero bago pa ako makapagtanong ay nagmamadali na itong umalis dahil may emergency daw.

Medyo nagtatampo ako kay tarah dahil hindi siya nagpapakita saakin. I'm a little mad at her kasi hindi kami nagkita ng two weeks but I miss her so much.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nagtaka ako kung bakit parang okasyon na nagaganap sa loob? Andaming sasakyan. Andami ding pumapasok na naka formal attire.... bakit hindi ko alam na may ganito pala dito? Kaya siguro hindi siya nakatawag saakin na naka uwi na siya dahil busy siya.

Pinadasahan ko ang suot kong t-shirt at napangiwi. This won't do.

Binuksan ko ang pinto ng back seat para kunin sa bag ang nakatagong blazer na nilagay ko talaga dito dahil akala ko magpre present kami ng topic namin kanina sa reserch Sinuot ko ito at tinuck in ang suot na white V-neck. Buti nalang talaga civilian kami every friday.

Inayos ko din ang buhok ko bago dumiretso sa bahay nila. Wala naman siyang nabanggit na ganito saakin... Napapansin ko din ang pag iwas ni tita saakin nung nakaraan.

May nangyari ba? May ayaw ba silang sabihin saakin?

Sinundan ko lang ang mga tao na nasa harapan ko hanggang sa napunta kami sa malawak nilang garden. Hindi ako dumiretso sa mga lamesa sa halip ay pumunta sa isang bench kung saan kami umuupo parati ni tarah.

First LoveWhere stories live. Discover now