Chapter 8

3.9K 196 17
                                    

Panibagong araw at panibagong katarantaduhan.

"Narinig niyo ba yung nangyari kay benjamin?"

"Oo siz malala daw nangyari..."

"Hindi daw niya sinasabi ko sino ang may gawa nun eh"

"Sa tingin ko gang ang may gawa nun. Bugbog buong katawan eh."

Chismisan ng mga tao sa gilid habang dumadaan ako sa hallway. Nagkunware akong curious kaya nagtanong ako.

"Hey... tanungin ko lang kung sino yung pinag uusapan niyo?" pagkukunware ko na ikinatigil naman ng tatlong babae. Namula ang isa habang ang isa ay umiwas ng tingin.

"Yung grade 10 po ate..." matinong sagot nung babaeng nakasalamin.

Napa oh naman ako bago nagpaalam sakanila. Halos isang buwan na nung binugbog nila yun bakit ngayon lang tong balitang to?

Dumiretso ako sa classroom bitbit ang bag na nakasabit sa isang balikat ko. Pagkapasok ay nakita kong binubugbog nila yung gago kong classmate.

Ang dahilan kung bakit kailangan namin linisan ang gilid ng school kung saan madaming tuyong dahon at mga kalat ang nandun.

"Promise di ko alam na may ganun!" sigaw niya at huminga ng malalim nang tumigil ang mga classmate ko.

"Taympers muna..." hingal niya pero hindi siya pinakinggan at binuhat pa siya sa paa at braso. Napailing ako bago dumiretso sa tabi ni river.

"Yosh" bati ko at umapir sakanya. Nilapag ko ang bag ko bago nang inis ng mga kaklase. Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Pumasok ang adviser namin at chineck ang attendance. Natapos na ang exam namin kaya panibagong lesson nanaman.

Nag discuss lang siya, ganun din ang ginawa ng mga sumunod na teacher. Bored na bored kami at nanatiling nakaupo kahit lunch. Paano ba naman? Binalita ni sir na wala na palang magaganap na laro. Kaya ayan, ang mga boys ay nakadukdok lang sa gilid na parang nawalan ng saysay ang buhay nila.

Basketball is life nga naman.

.....

Ilang linggo na din simula nung laro at nung pagpa guidance namin at eto ako naghahanap ng upuan dahil ang mga gago hindi ako nireservan ng upuan.

Intrams at excited ako. Si olivia kasi ang pambato namin para sa Miss Intrams! Habang si Noah naman sa Mister Intrams. Last day gaganapin ang Mr at Ms intrams at ngayon ang unang araw.

Opening kumbaga. Ang nakakaboring na part ng intrams. Pero ayos lang maya maya ay dadating ang mga taga ibang school dito!

Excited na akong makita ang mga kaibigan ko sa iba't ibang school!

Dahil ayokong makatulog habang nakikinig sa nagsasalita sa harap ay naka headphones ako habang naghahanap ng upuan. Nakita kong kumaway saakin sina nicole at tinuro ang upuan kaya nagtungo ako doon.

"Paupo ah..." paalam ko at ngumiti. Nilingon ko naman ang babaeng katabi ko na poker face parin. Parang wala siyang paki sa paligid niya kaya umupo nalang ako. Mas nilakasan ko ang volume nang tumugtog ang kantang 'We are young'

Patapos na ang music nang may humablot ng isang pair kaya nilingon ko si tarah na nakataas ang kilay. Ngumiti ako sakanya at ako na mismo ang nagsuot sakanya nun.

Biglang tumugtog ang 'More than words' kasabay nun ay ang pagtama ng mata naming dalawa.

Parang tumigil ang buong paligid at siya lang ang nakikita ko. Tumibok ng malakas ang puso ko at parang may naglalarong mga paru paro sa tiyan ko. Nilipad ng kaunti ang buhok niya na pilit niya namang sinisikop. Sobrang ganda niya habang ginigilid ang buhok sa may tenga niya.

First Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن