Chapter 12

4.8K 196 5
                                    

Grade 10

"Tangina mo yahz! Ipupokpok ko sayo tong walis tambo!"

Tumatawang tumatakbo ako habang hinahabol ako ng walis ni Olivia. Uwian na at eto kami naglilinis ng classroom dahil kami ang cleaners ngayon.

"Tama na yan, olivia. Yahz itapon mo tong laman ng basurahan" ani ni river

"Luh bakit ako? Dapat boys ang magtatapon nyan ah?" nguso kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay at handa na ulit magsalita kaya kinuha ko na ang basurahan at lumabas. Wala naman kasi kaming kasamang boys. Ako talaga ang pagtatapunin nito dahil puro laro lang ang ginawa ko habang naglilinis sila.

Nakangiwi kong binuhos ang basurahan sa tapunan at iniwan muna saglit doon para maghugas. Pagkatapos maghugas ay maarte kong hinawakan ang basurahan gamit ang index finger at thumb ko tsaka bumalik sa classroom.

"Hindi niyo pa siya totoong kilala"

"Napag usapan na natin to river"

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto dahil parang sobrang seryoso ng usapan nilang dalawa. Ano nanaman kaya ang problema ng dalawang to? Pansin ko lang kasi na parang nagplaplastikan lang sila sa harapan ko. Kapag kasi sila nalang dalawa para silang magka away na maya maya ay parang magsasabunutan na.

"Bahala kayo. Pero oras na malaman niya-"

"Malaman ang ano? Tsaka sinong makaka alam?" tanong ko pagkabukas ng pinto. Iniligay ko sa basurahan sa maliit na bodega sa room namin at hinintay na sagutin nila ang tanong ko. Nagsamaan sila ng tingin bago ako ilingan ni olivia.

"Wala yun. Uwi na tayo"

Pinaningkitan ko sila ng mata pero di na muling nagtanong pa. Bumukas ang pinto at napabaling kaming tatlo doon. Iniluwa noon ang pawis na pawis na si Rain. Hinihingal siya habang nakahawak sa tuhod kaya sinipa ko ang upuan sa pwesto niya. Hawak ang dibdib ay umupo siya doon at sumandal. Pinanood lang namin siyang malapit mamatay dahil sa pagkaubos ng hininga.

"Tubig-" arte niya. Imbes na tubig ang ibigay ay pinukpok ko sa ulo niya ang plastic bottle na walang karga. Napamura siya at sinamaan ako ng tingin. Inirapan niya ako at umayos ng upo tsaka tumikhim.

"Pinapasabi ni maam na- ay gago nakalimutan ko yung pinapasabi ni maam"

Pinukpok ko ulit siya sa ulo at pabirong sinakal siya."Makakalimutin! Mag memory plus gold ka na!"

"Arayyy!" sigaw niya. Hindi siya pinansin ng dalawa at hindi man lang nag abalang pigilan ako kaya mas sinakal ko siya. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil na ako at niyaya ang dalawa na umuwi. Pero bago umuwi ay dumaan muna kami sa cafeteria dahil andun ang iba namin kaklase.

Botohan kasi ng officer sa buong school at kabilang doon ang lima namin kaklase.

"HI GUYS" malakas na bati ni rain na ikinalingon ng lahat saamin. Napatakip ako sa mukha dahil sa kahihiyan. Sinipa ko siya dahil bida bida nanaman kong makakaway sa mga iba na parang kilala niya ang mga ito.

"Ginagawa niyo dito?" nakasimangot na sabi ng limang kaklase ko. Take note! Sabay sabay pa!

"Ewan kay Yahz. Gusto daw kayo makita pero parang hindi naman ata kayo ang gustong makita eh" kibit balikat na sabi ni river. Pinandilatan ko siya ng mata na parang wala lang sakanya at ngumisi pa saakin.

"Ah oo, si Auclair ata gusto makita"

"Huy hindi ah!" tanggi ko agad. Sumilip ako sa likod at nakita ang mariing titig ni tarah saakin. Napakagat ako sa labi at umiwas ng tingin. Nakaka miss siya.

Oo na! Siya na ang pinunta ko dito! Halos isang week na na hindi kami nagkikita. Sobrang busy niya kasi dahil sa election tapos siya pa ang candidate sa pagiging president. Ayaw ko naman siyang istorbohin.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon