Chapter 3

4.4K 221 37
                                    

" Ayusin mo naman yang pag iihaw mo! Pag yan nasunog ikaw ibebenta ko dito!"

"Isang Coffee jelly daw!"

"Hoy yung suka! Ang tagal naman!"

"Putangina Sheina bakit mo pinaghihintay si maam?!"

Halo halong sigaw dito sa room at sa labas.

Nutrition month namin. Lahat ng section ay kailangan mag benta ng nutritious food. At dahil masunurin kami sinunod namin yun.

Ang benebenta namin ay isaw, dugo, paa ng manok at coffee jelli na great taste ang gamit. Napakagaling diba?

"Ading 20 pesos lahat..." sabi ko dun sa babaeng nagpapacute sa harap ko. Napangiwi ako nung bumulong si Olivia para sabihan ako na crush daw ako ng batang to.

EH GRADE 4 PALANG TO? Napaka pait ng tadhana. Inabot niya naman saakin ang bayad at inabot ko naman ito sa accountant namin. Sosyal diba?

"Luh si leigh nangungupit oh!" Kunwareng sumbong ko sanhi upang maglingunan yung mga kaklase kong nag iihaw sa gilid.

"Masama yan leigh!"

"Nagtatrabaho kami ng marangal leigh!"

"Pang meryenda natin yan leigh!"

Sinamaan ako ng tingin ni leigh bago pinakyuhan ang mga kaklase kong nag iihaw. Nagtawanan naman sila bago pinagpatuloy ang pag iihaw.

"How much for this..?" napatigil ako sa pagtawa at natigilan. Si Atarah. Siniko ko si Olivia kaya siya ang sumagot habang ako ay nag aayos kunware ng paninda namin.

"Ate magkano po dito?"

Nilingon ko yung batang may gusto daw sakin. Bakit to bumalik?!

"Ten pesos... " sagot ko

"100 pesos daw tapos may libreng kiss sa cheeks!" nanlaki ang mata ko nung sabay sabay na isinigaw yung ng mga boys na nag iihaw! Agad na nagbigay ng 100 pesos iyong bata na inabot ni leigh.

"Joke lang nila yun" nagpapanic na sabi ko pero hinawakan na nila ako sa balikat

"Eh magkano pag kiss sa lips?" tanong nung grade 11 sa likod. Wag! bata pa ako!

Naghiyawan naman ang mga walang hiyang klasmeyt ko at sinasabing pwede na daw yun pang cottage sa outing namin!

Mga gago amp!

"500 kung smack lang. Tapos isang libo kung laplapan talaga!" namula ang mukha ko sa sinabi nung president namin kaya naiiyak na napatingin ako sa adviser namin na naa-amuse pa sa nangyayari saamin.

"Linya na ang may gusto. Kahit sino sa mga estudyante ko!

Pero isa din pala siya! Ang sama mo ma'am! Naghiyawan ang lahat na tila nagustuhan ang sinabi ni ma'am. Pwede daw gawing pangbaksyon sa ibang bansa ang maiipon namin!

"Bawal bukas ma'am? Kulang pera namin" sabi nung grade 11 na ikinatango din ng iba.

"Ay bawal! Limited time offer!" natutuwang sabi nung adviser namin. Nakanguso lang ako sa gilid habang pinapanood na maglinyahan yung ibang estudyante.

Kiss daw sa cheeks ang nais nila saakin.

"Huy J-joke lang mga anak! B-bawal pala siya ikiss" nagpapanic na sabi ni ma'am kaya napatigil sa paglalabas ng pera yung mga nakalinya.

Tumingin ako kay ma'am para magpasalamat pero tumigil ang paningin ko kay atarah na nasa tabi niya. Namula ang mukha ko at tumibok ng malakas ang puso ko sa klase ng tingin na binabato niya saakin.

First LoveWhere stories live. Discover now