Chapter 22

4.8K 178 11
                                    

"Bal! Wag! Tama na, sobrang sakit na ng tiyan ko" hinihingal na sabi ko at sumubsob sa leeg ni tarah. She's been tickling me for 5 minutes! Sobrang sakit na ng tiyan ko, nakakapanghina.

"Alright. I'm sorry" malambing niyang sabi. Umupo siya sa lap ko sabay hinaplos haplos ang buhok ko. Inayos niya ang pagkakabaon ng ulo ko sa leeg niya para maging komportable ang posisyon namin.

"Bal, alam mo ba, kahapon sinabi saakin ni krista na nagugustuhan niya daw yung isang kaklase mong babae" pagchichismis ko at iniangat ang ulo para tignan siya. Nakakunot noo siya na parang nag iisip. Ang cute niyang tignan kaya hindi ko maiwasan halikan siya sa cheeks. Nawala ang pagkakunot noo niya tsaka ngumiti saakin. Kinilig siya eh.

"Really? I didn't know that she's into girls" Nakangiti niyang sabi. Pinisil pa niya ang ilong ko, pinalo ko naman ito dahil madaling mamula ang ilong ko. Mamaya iinisin niya nanaman ako at tatawaging rudolf.

Masama ugali niya

"Hindi ko din alam eh. Pero si Aira daw nagugustuhan niya"

"Aira? Such a coincidence, Aira likes her too" gulat niyang sabi na ikinagulat ko din pero maya maya'y napangisi ako.

"Stop smirking and wag mo sabihing sinabi ko" taglish niyang sabi at hinalikan ang pinisil niyang ilong ko.

"Okay. Wag mo ding sabihing sinabi ko ah?" Sabi ko. Iinaas ko ang kamay ko para makipag apir na simbolo ng pakikipag promise. Inapiran niya naman ito at yumakap saakin na ikinangiti ko.

It's been almost 11 months nung naging kami pero hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa pagiging sweet niya. Nagugulat parin ako sa pagiging sweet niya. Siya pa nga ang nag isip ng endearment namin which is 'bal' na kung babaliktarin ay 'lab'. Bal daw dapat tawagan namin para hindi common at para unique. Ayaw niya din daw ng baby kasi yun daw tawag saakin ni calista. Selosa talaga.

Natapos na din kami sa grade 10. Grade 12 na kami pareho pero magkaiba kami ng strand na kinukuha. Siya ABM dahil gusto niya raw imanage ang kompanya nila habang ako ay STEM dahil gusto ko mag doctor, kahit na magka iba ang strand namin ay parati naman kaming magkasama.

"I love you" malambing niyang sabi na ikinamula ko. Napanguso ako para pigilan ang kilig dahil bigla akong nanggigil sakanya. Nakakakilig parin talaga!

"I love myself too" nakanguso kong sabi. Napatawa ako ng malakas nang tinignan niya ako ng masama. Umalis siya sa pagkaka upo sa lap ko at inirapan ako. Sungit.

"Cuddle yourself then" masungit niyang sabi. Dumiretso ito sa kama ko, pinanood ko siyang humiga sa isang side ng kama at lagyan ng unan ang gitna. Natatawang naglakad ako palapit sakanya at isiniksik ang sarili sakanya pero tinulak niya ako na ikinalaglag ko sa kama. Harsh talaga niya! Pasalamat siya love ko siya.

"Ouch" ngiwi kong sabi sabay hinawakan ang likod na masakit. Nagbend ako kaya narinig ko ang pag crack ng buto ko na mas ikina ngiwi ko. Sabi ko nga pangit na inisin siya pag matutulog na. Buti nalang hindi niya ako pinapatulog sa couch. Wew.

Nakahawak sa likod na tumayo ako at tinanggal ang mga unan na inayos niya kanina. Ramdam ko pa ang sama ng tingin niya na ikinangiti ko nalang. Humiga ako at yumakap sakanya, sinubukan pa niya akong itulak kaya mas hinigpitan ko ang yakap.

"Sorry na"pacute kong sabi at ngumuso pa para mas cute. Inirapan niya lang ako at itinulak papalayo ang mukha ko.

"Sorry mo mukha mo"

"Sorry naaaa" paawang sabi ko. Hindi niya ako pinansin at pumikit lang.

"Sorry na po"

"Bal? Sorry na please"

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon