Chapter 14

3.2K 153 11
                                    

"Proceed na sa gym! Magsisimula na ang program!"

Tinatamad na sumunod ako sa mga kaklase ko at humikab pa. Nakakatamad. Nakaka antok talaga, sana hindi nalang ako nagpuyat kaka scroll sa fb.

"Antok yern?"ngisi saakin ni Olivia na binunggo pa ako. Tinignan ko siya ng masama at muling humikab. Humawak nalang ako sa braso ni river na siyang nasa tabi ko at sumandal sa balikat niya. Hindi naman siya umimik at tinap lang ang ulo ko. Buti pa to, ang bait bait.

"Dito kayo umupo. Oras na makita ko kayong pakalat kalat, kayo paglilinisin ko rito sa gym" pagbabanta ni ma'am saamin. Tahimik akong umpo at pinikit ang mata para umidlip. Ano ba kasing ginagawa namin dito?

Nasaan kaya si tarah? Hindi ko pa siya nakikita, nung pinuntahan ko nga sa room nila wala pa daw. Hindi naman siya nala late kaya baka absent? May sakit ba siya? May nangyari ba kaya hindi siya pumasok?

Patulog na sana ako nang biglang nagsigawan ang mga estudyante. Pati si olivia na nasa tabi ko pinagpapalo ako.

"Aray, ano ba?" Nakapikit ko paring sabi. Kumunot ang noo ko at umusog nalang palayo sa kanya. Mapanakit talaga ang babaeng to, pasalamat siya inaantok ako

"Gago, gising!"pinalo niya ulit ako at sinigawan pa habang tumatawa. Tinapik ko ang kamay niyang yumuyogyog saakin at mas niyakap nalang si river. Inaantok talaga ako, oras na pinalo pa talaga niya ako sasakalin ko na siya. Kaka gigil ha.

"Mendoza gising! Andyan crush mo!"

"Andyan mahal mo!"

"Gagu andyan na auclair mo!"

Hindi ko sila pinansin dahil wala naman akong crush dzuh. Gawa gawa lang talaga ang mga to. Si auclair pa daw eh mukhang absent naman. Fake news, wala naman akong crush alangang si tarah? Dzuh-

Huh? Wait-

I'm bringin' sexy back (yeah)

Napatayo ako ng tuwid ng biglang pumalantik ang tugtog na iyon. Parang bigla akong nabuhayan at agad na nilingon ang stage. Naka dim ang lights at may apat na lalaki na nakatayo lang doon.

Them other boys don't know how to act (yeah)

Nagsigawan ang lahat ng bigla silang sumayaw. Nangunguna pa talaga ang kaklase kong lalaki doon. Umiling iling nalang ako at sinamaan ang mga kaklase kong nagsabing andyan daw si tarah.

I think it's special, what's behind your back (yeah)

So turn around and I'll pick up the slack (yeah)

Take 'em to the bridge (that's it)

"Tangina niyo" mura ko pero bigla nilang hinawakan ang mukha ko at pilit pinatingin sa stage. Nagpumiglas naman ako pero natuod din ng gumilid ang apat na lalaki kanina na sumasayaw.

Dirty babe (uh-huh)

Pusang gala.... Napalunok ako at diretso ang tingin sa babaeng nasa gitna.

You see these shackles baby, I'm your slave (uh-huh)

I'll let you whip me, if I misbehave (uh-huh)

Kahit naka mask ng itim kilalang kilala ko siya. Akala ko hindi siya marunong sumayaw pero sobrang smooth ng mga galaw niya. Napakagat ako sa labi. Parang nag init ang pakiramdam ko habang tinitignan siyang sumayaw. HIndi naman masyadong sexy ang mga galaw niya pero...

It's just that no one makes me feel this way (uh-huh)

Take 'em to the chorus

Buti nalang at malapit ang inupuan namin sa stage kaya kitang kita ko ang seryoso niyang tingin. Anim silang babae sa harapan pero na sakanya lang ang titig ko. Bigla siyang tumitig saakin na ikinahigit ng aking hininga. Seryoso lang ang titig niya pero bakit ang hot parin?

First LoveWhere stories live. Discover now