Chapter 6

3.9K 193 19
                                    

Ilang linggo matapos ang pangyayaring yun at balik nanaman sa dati. Hindi nanaman niya ako pinapansin, kahit nga ngitian ko siya ay wala.

Wapakels. Dinadaanan niya lang ako at ini snob. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng yun.

"Francisco at Mendoza! Bakit magkatabi nanaman kayo?" napatigil kami sa pagtatawanan ni Olivia nang sigawan kami ng teacher.

Luh andito na pala siya? Hindi ko napansin, parati kasi siyang late.

Nagsikuan kami ni Olivia bago ako tumayo at bumalik sa dati kong upuan. Nakasimangot ako sa tabi ni Ilog.

Actually River talaga name niya pero ayan. Ilog nalang. Masipag kasi ito makinig kaya wala ako kakulitan. Pero pinagpala naman ako kung may quiz. Sa tuwing wala kasi maisagot may pinapasa siyang papel saakin na naglalaman ng sagot. Pero syempre kalahati lang ang ibibigay niyang sagot para hindi daw halata na pinakopya niya ako.

"May problema ba Mendoza?"

Ayan ako nanaman ang napansin. Ewan ko dito kay maam. Parating ako ang pinagdidiskitahan. Kung mag uutos saakin. Kung magpapa recite ako parati tinatawag.

Ganyan ba epekto ng walang jowa? 22 palang kasi tong si maam at walang lovelife. Malapit ko na ngang isipin na may gusto to sakin.

Umiling ako sakanya bilang sagot kaya nag discuss nalang siya.

Dumating ang lunch at nuong section 2 ay dumiretso sa cafeteria. Pare pareho kaming tinatamad kaya dito nalang daw kami kumain.

Na okyupa namin ang isang row na may limang lamesa. Pang waluhan ang upuan at dahil 35 kaming lahat na okyupa namin yun. Yung mga boys ang umorder ng pagkain namin kaya naghintay kami hanggang sa dumating sila hawak hawak ang pagkain namin.

Mahahalata mo talagang tamad na tamad kami dahil tahimik kaming kumakain kaya panay tinginan nila sa pwesto namin.

Alam kong nagtataka sila kung bakit tahimik kami.

Ganito kasi yan. Nalaman nung babae kong kaklase na si Elona na niloloko lang siya nung jowa niya. At kami namang supportive classmate sinugod namin yung lalaki at pagkatapos ay uminom kami. Slight lang naman.

Nagkwentuhan kami at nag open sa isa't isa. Sobrang dami naming nalaman na sekreto ng bawat isa. Nalaman din namin na hindi lang si elona ang naloko, may dalawa pa. Malas lang ng dalawang lalaking yun dahil dito pa nag aaral kaya mamaya humanda sila.

Pagkatapos naming kumain ay natulog kami sa cafeteria. May aircon kasi at tahimik pa. Tahimik dahil kami lang naman ang nag iingay dito.

Nagising nalang ako nang may tumapik sa balikat ko. Uminat muna ako bago ko tinignan ang mga kaklase kong tulog parin.

"Kaya pala wala kayo sa klase ko huh..."

Napa tayo ako ng wala sa oras ng napagtanto kong yung adviser pala namin yung tumapik saakin. Nakasingkit ang mata niya sa mga kaklase kong tulog bago tumingin saakin.

"Ikwento niyo saakin pagbalik kung anong nangyari at bakit kayo ganyan. Kaya pala ang tahimik niyo sa mga klase niyo ha..."

Ngumuso ako bago gisingin mga classmate ko. Gaya ng nangyari saakin ay napatayo agad sila nang masilayan si Ma'am. Nang magising sila ay sabay sabay kaming sumunod kay maam.

Senenyasan ko din sila na gustong malaman ni maam kung anong nagyari kaya sabay sabay silang tumango kay president. Nag okay sign naman yung president namin.

Nang makarating ay ikwenento namin kay ma'am ang nangyari. Pero syempre hindi yun ang sinabi ni president. Sinabi niyang nag review kami dahil malapit na ang exam. Duda pa si Ma'am pero hindi na nagtanong pa.

First LoveWhere stories live. Discover now