Chapter 4

4.2K 204 33
                                    

"Class sinong may gustong tumula sa buwan ng wika?" pagkapasok na pagkapasok palang ng filipino teacher namin ay yan na agad ang bungad niya.

Dahil late naming cenelebrate ang nutrition month ay naabutan ito ng buwan ng wika na gaganapin next week.

"Ma'am may sample akong tula!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Mga pabida talaga mga to. Pati tuloy ako nahahawa sa mga kalokohan nila.

Nilingon ko ang ayos naman at as usual. Ang mga nasa unahan namin ay mga mababait na estudyante at matatalino. Sa middle ay ang mga medyo mabait pero may sabit at sa likod ay ang mga estudyanteng maiingay, puro kalokohan, tawanan at bangayan ang ginagawa.

Ako? Nasa pagitan ako ng middle at huli. Ito kasing mga walanghiyang to hila ng hila, kung saan saan ako napapadpad ng upuan kaya ayan. Pinirmi ako ni maam sa pagitan nila.

Ani niya ay bakit daw ako pag aagawan kung pwede namang saluhan. -_-

Napatigil ako sa pag iimagine nang tumikhim ang dalawang kaklase ko. Si Jameson at Henry. Dala dala pa ni Henry ang santan na kinuha pa niya sa labas. Lumuhod siya sa harapan ni Jameson na kasa kasama niya sa kalokohan. Umaarte naman ito na parang iniipit ang mahaba kuno niyang buhok.

"Oh mahal kong nilalangit

Nilalangaw pati puwit.

Kung sa ganda mo ako'y samba

Sa utot mo ako'y t-tumba.

Kung sa langit ika'y tala

S-sa lupa ikaw ay tekla.

Buhok mong paalon-alon

K-kuto mong patalon-talon-"

Hindi niya na natapos ang pagtutula niya dahil napiyok siya at tumawa. Napuno ng tawanan ang room pati yung mga dumadaan sa gilid ng room namin ay napapalingon.

Natigil lang ang kami sa pagtatawanan nang may kumatok sa room. Paubo ubo pa ang iba habang ang iba'y tumatawa parin kasali na ako.

"Buhok mong paalon-alon. K-kuto mong patalon-talon?" Piyok na sabi ng mga kaklase ko sa likod na ikinatawa pa namin.

Nilingon ko ang kausap ni maam at automatic na napatigil ako sa pagtawa. Umayos ako ng upo at agad na umiwas ng tingin nang magtama ang aming mga mata.

Napaisip tuloy ako... Galit pa ba siya saakin sa nangyari dati? Dahil sa naisip ay agad akong nalungkot. Naaalala ko nanaman ang pangyayaring yun. Para akong nahihirapang huminga habang iniisip yun. Kung paano siya tumingin, para siyang nandidiri at nagsisisi sa naging magkaibigan na kami.

Napatigil ako sa pagiisip nang may bumatok saakin. Nilingon ko ang bumatok saakin at ang mga walanghiyang mga to. Nagtuturuan pa.

"Matino ang isip ko pero ako'y sabog na~" kanta nila kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"I know you're sad... Kain tayo ice cream sa uwian?"

Napangiti ako sa bulong ni olivia. Alam niyang hanggang ngayon hindi ko parin malimot iyon.

"Maam sina olivia naglalandian oh!"

Gago

.....

"Anak ibigay mo nga ito kay Tita Amelia mo" pag uutos ni mama habang hawak ang isang box. Inabot niya ito saakin na tinanggap ko naman.

Nagpahatid ako sa driver namin dahil kahit alam kong mag drive ay bawal dahil sa tatlong rason.

Una, minor pa ako. Kung hindi niyo nalalaman 13 years old palang ako at mag bibirthday sa susunod pang taon which is March pa. Kaya ako ang bunso sa section namin dahil halos lahat sila ay 14 at 15 na. Meron ngang 16 na saamin. Madaming matatanda sa room namin, ewan ko ba kung bakit.

Pangalawa, wala akong driver licence.

Pangatlo, natatakot daw si mama sa kahihinatnan ng sasakyan na idridrive ko. Sa sasakyan talaga siya worried at hindi saakin.

Pagdating sa bahay nila tita amelia which is mama ni atarah ay agad akong bumaba.

"Wag niyo na po akong antayin" sabi ko dun sa driver at tumango naman siya.

Tumigil ako at pinagmasdan ang Mansion nila. Pinaghalong modern at medieval ang bahay nila. Malawak na driveway at may fountain pa sa gitna. May mga pabilog din sa bush at may pahaba. May makikita ka pang rebulto sa gitna.

Sa gilid ay makikita mo ang nakasarang garahe nila. Sa pagkakaalam ko may pool sa likod ng bahay nila eh.

Pumasok ako sa bahay nila at nagtungo sa kusina. Alam ko kasing nandito si tita at nagluluto nanaman.

Mula sa pinaglalakaran ay makikita mo ang labas dahil sa malalaking bintana.

"Tita?" pagtawag ko at maya maya pa ay nakita kong papalabas si tita. Niyakap ko siya bago ko pinakita ang box na hawak.

Kulay brown na buhok, makinis na balat, mapupulang labi at expressive na mata. Si tito naman ay seryoso at nakakatakot ang mata pero maloko at mabait. Walang duda na anak nga nila si tarah. Ang ganda ng lahi eh. Parang gusto ko tuloy malahi--

JOKE. JOKE LANG.

"Pinapamigay po ni mama..." sabi ko sabay abot nung box. Para namang nag twinkle ang mata niya at agad na tinanggap iyon. Napangiti ako dahil para siyang batang binigyan ng candy.

"Hindi na din po ako magtatagal-"

"Pinaalam na kita sa mama mo. Dito ka nalang kumain hehe..." Kung di ko lang kilala tong si tita mapagkakamalan kong dalaga pa ito.

Hehe daw eh kaya ayan nakaupo ako dito sa hapagkainan kasama si tita at ang masungit na babaeng nakaupo sa tapat ko.

Madaming nakahain na pagkain sa harapan ko pero ang mga paningin ko ay ang ulam na paborito ko.

Adobo!

Napanguso ako habang tinitignan yun dahil nasa tapat ito ni tarah. Malayo ito saakin kaya ayan nakanguso ko tong tinignan dahil baka bigla siyang lumapit saakin at maawa.

Disappointed na kumain nalang ako at papasubo na sana nang may naglapag ng adobo sa harapan ko.

Parang nagkaroon ng imaginary heart ang mata ko at napatingin kay tarah na siyang pasimpleng naglagay nito sa harapan ko.

"Eat" tipid na sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Yiee.."

Napaubo ako ng biglang pinindot ni tita ang tagiliran ko kung saan ako may kiliti. Buti hindi ako nabilaukan.

"Mom, stop it"

"Masarap ba iha?" hindi pinansin ni tita ang sinabi ng anak at para pa siyang kinikilig na nag tanong. Tumango tango nalang ako.

Sino ba nagluto nito? Medyo matabang siya pero okay na din...

"Masarap po" simpleng sabi ko at nginuya ang medyo hindi pa lutong patatas.

Nakakahiya naman kung iluwa ko to at sabihing hindi masarap. Nakiki kain na nga lang ako tas magrereklamo pa?

"M-masarap?" mahinang tanong naman ng babaeng namumula sa harapan ko.

Paulit ulit?

"Hmm" sagot ko nalang dahil may nginunguya pa ako.

Kung ira rate siya 1 to 10... sabihin nating 4/10. Lahat naman ng pagkain na hinahanda ay masarap? Bakit parang iba to? May bago ba silang kasambahay? Mukhang hindi siya gaanong marunong magluto.

"May bago po kayong kasambahay tita?" tanong ko na ikinataka nila.

Eh?

"Bagong kasambahay?" ulit ni tita na tinanguan ko.

Nag isip muna siya bago umiling. Kalaunan ay parang may na realize siya dahil bigla siyang tumawa.

May mali ba sa tanong ko?

"Luto yan ni Czarina"

At tuluyan na nga akong nabilaukan.

First LoveWhere stories live. Discover now