Chapter 27

3.1K 134 2
                                    

"Anak, this is mico. He's your butler"pagpapakilala ng ama sa lalaking kasama nito. Sinilip ng batang babae ang sinasabi ng ama at kumaway rito.

"Hi, I'm vince" pagpapakilala niya rin at ngumiti upang hindi matakot ang batang lalaki na nagtatago sa likod ni zelo. Gumana naman ito dahil dahan dahang lumabas ang batang lalaki at nag aalangang ngumiti.

"H-Hi" nahihiya nitong sabi. Napangiti si zelo bago nagpaalam sakanilang dalawa upang bigyan sila ng oras para makilala ang isa't isa.

"Don't go near mich, he's bad" nakangusong sabi ng batang babae at tinuro ang isang lalaking tumatawa na nakaturo sa isang batang nakadapa.

"Master-"

"Mico, I told you not to call me that. You're not my slave, you're my friend"nakasimangot na nitong sabi. Napayuko at napatanong nalang si mico dahil sa sinabi nito.

"Then should I call you young lady...?"nag aalangan nitong sabi habang nakayuko.

"Just call me vince"

"But you know that it's not possible"malungkot na sabi ni mico. Napabuntong hininga nalang ang batang babaei at binigay ang isang ipit sa lalaki. Kinuha ito ni mico at iniipit ang mahaba nitong buhok.

"Okay... anything but not 'Master'"

"As you wish, young lady"

...

Natapos ang weekend at monday nanaman. Nakabawi na ako ng ng unting tulog. Wala akong ibang ginawa kundi matulog sa hapon, sa hapon talaga kasi tuwing gabi gising ako. Buti nalang at nakakatulog pa nga ako ng hapon. Swerte din dahil wala munang sinabing gagawin sa research kaya walang meeting nung sabado.

"Guys! Si henry at michael nag aaway!"

Sabay na napatayo kami ni river at agad na sinundan si krista na nangunguna sa harapan namin. Dumating kami sa cafeteria na puno ng estudyanye nakiki sosyo sa nangyayari.

"Excuse me!"sigaw ko. Nagsilingunan ang mga nasa harapan namin. Agad silang gumilid upang bigyan kami ng daan kaya mabilis kaming nagkapunta sa harapan.

"I told you to wait!"

"Wait?! Sa tingin mo ba magagawa pa namin yan?!"

Sigawan nina henry at michael. Hawak nila pareho ang collar ng isa't isa. Matalim ang tinginan kaya pumagitna ako sakanila at pinaglayo sila pareho.

"What the fuck are you two doing?"mariin kong sabi. Napaiwas sila ng tingin saakin halatang ayaw sabihin kung bakit sila nag aaway.

"Torres and Sullivan! Follow me!"hiyaw ng guidance advisor. Sumunod ang dalawa kaya sumunod din ako kahit hindi ako tinawag.

"Mendoza, sinabi ko bang sumunod ka rito?" Mataray nitong tanong nang makarating kami sa guidance office. Hindi ko siya sinagot at nilingon ang mga nasa likuran ko. Halos lahat kaming magkakaklase sumunod rito kaya halos mapuno na ang office. Alam kong hindi niya kami mapapa alis dahil una sa lahat matigas ang ulo namin.

Napa tsk nalangang advisor at hinayaan kaming manatili.

"Ano nanaman ang pinag aawayan niyong dalawa?"

Nanaman? Alam kong mainit ang dugo nila sa isa't isa pero hindi naman umabot sa puntong nagsuntukan sila gaya ngayon. Ibig sabihin may nauna pang pag aaway? Bakit hindi ko 'to alam?

"Hindi ako ang may kasalanan"paunang sabi ni michael at tinignan ng masama si henry.

"Ikaw ang nauna. You said-"hindi nito naituloy ang sinasabi. Napatingin ito saglit saakin at umiling iling nang ibinalik ang tingin kay Michael na nakangisi.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon