Chapter 1

7.6K 217 52
                                    

Grade 5

"Hoy ibalik mo yang pencil case ko!" Sigaw ng kaklase ko habang hawak ko ang pencil case niya at nginingitian siya.

"Bleh" dila ko at tumakbo muli. Siya naman ay parang papaiyak na kaya tumigil muna ako saglit.

Kawawa naman siya...

"Ibalik mo kasi ihh! Isusumbong kita kay teacher!" Padyak padyak niyang sabi. Iwinagayway ko ang pencil case niyang kinaiinggitan ko dahil special ito.

May lalagyan ng ballpen at lapis naman sa kabila! Tapos may pantasar pa sa gilid! Special pencil case!

"Samahan pa kita!" Asar ko at siinuri ang pencil case niyang barbie ang design.

Tumakbo ulit ako pero may nakabanggaan ako. Amp! Laki laki ng daan pero may mababangga pa ako?! Hawak hawak ang balakang na tumayo ako at nag strerch pa dahilan para magsitunugan ang buto ko.

"Binali mo balakang ko!" Reklamo ko sa batang nakapamulsa sa harapan ko at bored na tinitignan ako.

Bastos ng ugali nito ah!

"Eh bakit nakakatayo ka pa?" Seryoso niyang saad na ikinalunok ko!

Si atarah pala to! Ang dakilang president sa room namin!

Naramdaman kong may bumatok saakin at sapilitang kinuha ang pencil case na hawak ko.

"Bobo... anak yan ng may ari ng school sige ka palayasin ka dito" pananakot niya na gumana naman saakin.

"Alam ko tanga..." bulong ko pabalik.

Siniko ko siya tapos humawak ng mahigpit sa laylayan ng damit niya para sa suporta.

"H-hindi pala nabali hehehe sige b-byee..." agad kong sabi at aalis na sana pero piningot niya ako sabay hila papunta sa upuan ko.

Hindi ako nag reklamo kahit masakit dahil baka mas pingutin pa niya ako.

"Ouch..." rinig kong sabi ni maarteng olivia. Inirapan niya ako bago bumalik sa kaibigan niya pabebe girls na nag na nail polish.

"Stay here" saad niya at inupo ako sa katabing upuan niya. Umupo naman siya sa kabila habang hawak parin ang kamay ko na kasalukuyan niyang tinatali sa arm rest.

Kaya ayoko siyang katabi eh hindi ko siya madaldal tapos kung maka tingin parang papatayin ako! Bata palang niya pero demonyo na ugali!

At oo kahit na demonyo siya kaibigan ang turing ko sakanya. At ako lang ang kaibigan niya dito dahil ako lang daw sapat na kasi pag may dumagdag pang iba ay sasakit na ng tuluyan ang ulo niya.

Nakasimangot na nag antay ako sa teacher namin na late nanaman.

"Don't pout, it's not cute" ngiwi niya kaya mas suminangot ako. Nag drawing nalang ako ng box, pagkatapos ay nilagyan ko ng S yung gitna.

Pinasa ko naman ito sakanya kaya nilagyan niya ng O iyong pangalawa sa gilid.

Patuloy lang kaming naglaro ng SOS hanggang sa na fill out na ang box.

"Panalo ako" saad ko na ikina tingin niya saakin.

"Nope. I WON" emphasize pa niyang sabi na hindi ko pinansin.

Finlames ko nalang ang pangalan namin at nakangising pinakita sa kanya ang resulta.

ENEMIES. Enemies ang resulta.

"Enemy na kita ngayon ulol..."

"Vice president pero ang ingay ingay at pasimuno pa ng gulo" pagpaparinig niya kaya tinuro ko yung discipline officer na nagbibida sa gilid.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon