Epilogue

6.3K 218 13
                                    

"Ezreal bantayan mo si Aamirah"bilin ko sa panganay namin. She's already 7 years old at ang pinapabantay ko naman ay ang pangalawang anak ko na 5 years old. 

"Wife, what do you want to eat?" Malambing kong tanong kay tarah na naka upo sa sofa habang nanonood. Sinamaan niya ako ng tingin at binato ng unan. Walang hirap ko naman itong sinalo at tumabi sakanya hawak ang plato na may laman na ubas.

Hinalikan ko ang tiyan niyang malaki na at ngumiti sakanya. She rolled her eyes at me and eat the grapes that I brought.

7 years na kaming mag asawa at may dalawa na kaming anak. Sina Ezreal at Aamirah. 3 months na siyang buntis sa pangatlo naming anak.

"Bal? Mabaho pa ba ako? I already changed my perfume"

"Don't come near me! Ang baho mo parin and I don't want to see your face. You're so annoying"

Nakangusong lumayo ako sakanya at binuhat nalang ang pangalawa kong anak. Hinalikan ko sa pisngi si ezreal at si Aamirah. Naglakad ako papunta sa kusina at sumunod naman ang panganay namin saakin.

"Stay here alright? I'll cook our dinner"sabi ko sa anak ko pagkalapag ko sakanya sa upuan. Binuhat ko din si Ezreal at itinabi sakanya. Nilapag ko ang ilang mga prutas sa harapan nila bago tumalikod para magluto.

Pagkatapos magluto ay hinanda ko na ang lamesa. Tinulungan ako ni Ezreal habang pinanood lang kami ni Aamirah.

"Czarina, let's eat"yaya ko sa asawa ko. Hindi niya ako pinansin pero tumayo ito at naunang maglakad papuntang kusina. Nangingiting umupo ako sa tabi niya pagkatapos maghugas ng kamay. 

Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Sinusubuan ko si Aamirah habang pinupunasan ni Tarah ang labi ni Ezreal na may kanin.

After we ate ay hinayaan ko muna ang dalawa kong anak kasama si tarah para maghugas ng pinggan. Nang matapos ay pinatulog ko silang dalawa sa kanilang kwarto.

"Goodnight" I whispered to the both of them and kissed their forehead. I turn of the light at pumasok sa kwarto namin ni tarah. She's already lying on the bed kaya naman pumasok na ako sa banyo para mag half bath at mag toothbrush.

Tumabi ako sakanya at niyakap siya pero tinanggal niya lang ang pagkakayakap ko at tinulak ako palayo. Napabuntong hininga nalang ako at tumitig sa ceiling.

I need to be patient. Nag buntis naman siya, dalawang beses pa nga eh pero hindi naman ganito ang trato niya saakin dati. Mas prefer pa nga niyang malapit kami sa isa't isa. 

Nang masiguro kong tulog na siya ay niyakap ko siya mula sa likuran. Sumubsob ako sa leeg niya at natulog.

....

Kinabukasan ay nagtungo ako sa hospital para icheck ang ibang patients ko at pumirma ng mga papeles na kailangan ng pirmahan.

"Pwede mo ng pauwiin si Mr. Castro"ani ko kay Dra.Gonzales na nasa tabi ko. 

"Doc sabay tayo mag lunch?" yaya nito. I checked my cellphone first but I didn't saw any message from tarah kaya sumabay ako sakanya. Tumatango lang ako sa mga kwento niya at nagrereply ng tipid. 

Nang kumakain ay binibigyan niya ako ng ulam niya kaya para hindi mukhang bastos ay binibigyan ko din siya pabalik. Puro siya kwento kahit na hindi ako masyadong sumasagot,

Kumaway ako sakanya nang paalis na para umuwi. Dapat kami nila tarah ang kasabay ko sa lunch pero hindi siya nag reply sa text ko.  

Bago umuwi ay nag grocery muna ako na umabot ng dalawang oras dahil nag tingin tingin din ako ng mga laruan at libro para sa dalawa kong anak.

"I'm home!" sigaw ko pagkapasok dala ang ibang pinamili ko, hindi ko muna binuhat lahat dahil madami iyon at dala ko pa ang bag ko kaya inuna ko muna ang pinamili ko para sa dalawa. Tinanggal ko ang sapatos ko pero pagka apak ko palang sa sala ay nabitawan ko na ang mga dala ko dahil sa pagbato saakinn ni tarah ng mga damit.

"I hate you! Talagang ngayon ka pa nambabae! I can't believe you can do that! 8 years of marriage! How dare you!"sigaw niya saakin sabay bato saakin ng mga damit na sa tingin ko ay akin.

 What the fuck is happening? Pinapalayas ba niya ako? What did I do?

"Bal w-wait-"

"Magsama kayo ng babae mo! I hate you!"sigaw niya muli at tinulak pa ako. Niyakap ko siya nang makita ko na umiiyk ito. Napabuntong hininga ako at hindi bumitiw sa yakap kahit na tinutulak niya ako palayo.

"What happened bal?"mahinahon kong tanong. Pinalo niya ako sa braso at umiyak sa dibdib ko.

"Hmm? What happened? Did I do something? Why are you mad?"

Hindi siya sumagot at nagpabuhat lang saakin na sinunod ko naman. Umiyak siya sa yakap ako habang buhat ko siya.

Hindi ko nakita ang dalawa kong anak kaya sa tingin na kila Dad sila.

Inihiga ko siya sa kama dahil nakatulog na ito habang bbuhat ko. Tumabi nalang din ako at yumakap sakanya para matulog.

.....

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko kaya bumangon ako para tignan siya sa baba. Nadatnan ko siya sa kusina na nagluluto kaya lumpit ako sakanya at yumakap.

Ano nanaman kaya ang nangyari at kung makasabi siyang lumayas ako ay parang ayaw niya na akong makita. 

Nasaktan ako sa sinabi niya kanina, dahil parang tinatapon niya lang yung 8 years naming relasyon but I need to understand. She's pregnant, pabago bago ang mood ng mga buntis.

"Bal...are you still mad?"nag aalangan kong sabi. 

"Nagsasawa ka na ba saakin, Azrel?" malungkot niyang sabi. Napakunot noo ako at pinaharap siya saakin. Umiiyak nanaman siya kaya pinunasan ko ang mga luha niya. I kissed her forehead and stared at her worriedly.

"Why would you think that?"I asked. Suminghot ito na bahagya kong ikina ngiti dahil sa ka cutan niya.

"Parati kitang tinutulak palayo because I feel annoyed. I know that I look losyang right now because I'm pregnant"

"Baby, I will always stay with you. Didn't we promise that we'll be together? And who told you that you look losyang? You're so beautiful and hot..."

Napakagat labi ako sa huli kong sinabi dahil napatingin nanaman ako sa katawan niya. Kahit na tatlo na ang anak namin ay parang hindi nagbago ang itsura niya. In fact parang mas lalo pa siyang naging hot at maganda tignan.

"If I look hot then why are you with that Gonzales?" nakasimangot niyang sabi.

"Are you jealous?"namamangha kong sabi. Kasal na kami at may anak na, sa tingin ba niya kaya kong mag cheat?

"Yes..."amin niya.

"I love you. Hindi kita magagawang ipagpapalit. Tsaka kasal na tayo at magkakaroon na ng pangatlong anak, you think kaya ko pa mag cheat? Ikaw lang ang mahal ko, okay?" I assured her.

"I'm sorry..."mahina niyang sabi.

"It's okay bal. Let's go on a date?"yaya ko. She smiled at me and nod her head as a response.

"Let's go for a drive and eat dinner in that restaurant where we can see the city lights"dagdag ko. 

"But first we'll go to bed and make love. I miss you" sweet na sabi ni tarah. Napangisi ako at binuhat siya.

"I agree. Let's make love first"

First LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ