[4] Unang pag-ibig

Start from the beginning
                                    

Naulit pa aming pagkikita ng ilang beses ng mga panahong iyon ay nagkwekwento ito ng masasayang pangyayari at bagay patungkol sa dati nitong mundo masayang itong nagkwe-kwento na tila ba isa din akong mortal at hindi isang witch na kanyang kinamumuhian. ngunit sa twing darating ang mga kawal ng palasyo at sinusundo ito napapalitan ang masayahin nitong mukha ng isang malungkot at walang emosyong mga mata.

"Casandra naririto ka na namang muli" tawag pansin sa akin ng matandang lalaking taga pamahala ng libingan.

"Anung rason at nadalaw kang muli sa puntod ni Vlad?" tanong nya sa akin at saka ito tumabi at naglagay ng itim na rosas sa puntod ni vlad.

"sya nga pala kamakailan lang ay tumungo rito ang inyong Ama" nagulat ako sa kanyang winika. Hindi kaylanman ninais ng aking ama na makita ang puntod ni vlad

Sapagkat tutol ito sa pagmamahalan namin ni Vlad. Naalala ko ng sampalin nya ako dahil lamang sa pinagtapat kong nais kong pakasalan si Vlad, ngunit nagalit ito ay sinabing kahit mamatay sya ay hinding hindi ito papayag na makasal lamang ako sa isang dating mortal. ang tingin nya kay vlad ay isang mortal na kahit kaylan ay hindi nararapat sa aming mundo.

"Iha alam kong ikaw ay may mabigat na dinaramdam, kung anu man ang bagay na iyon. alam kong kaya mo itong mapag-tagumpayan. Ngayon ka paba susuko kung kaylan abot kamay mo na ang kalayaan?" wika nito sa akin. bago ko pa masagot ang kanyang katanungan nawala ito sa aking tabi na parang bula.

"Tignan mo naririto na naman ang babaeng yan" wika ng isang mangkukulam na sa aking tingin ay kaedaran ko lamang.

"Patuloy padin itong dumadalaw sa punto ng taksil na si Vlad, Kaawa-awa naman" Hindi ko nagustuhan ang kanyang winika kung kaya tumayo ako tumungo sa kanilang harapan.

"oh bakit binibini? tunay bang patuloy ka pading umaasa na babalik ang taksil na iyan at ipag-papatuloy ang inyong naudlot na pagmamahalan? Kaawa-awa ka naman kung ganoon" walang habas na pananalita nito sa akin.

Nasasaktan ako sa kanyang sinasabi. Hindi dahil sa katotohanang hindi na ito babalik kung hindi nasasaktan ako sa katotohanang umaasa parin ako na buhay ito at ako ay babalikan nyang muli.

"hihihi!! halika na umalis na tayo dito. hindi ko nais makakita ng drama sa mga oras na ito" sa pagkakataong hindi ko napigilan ang aking emosyon.

Nagtuloy-tuloy na ang mga luhang matagal ko ng kinikimkim sa aking kalooban. Tama nga sila kaylanman ay hindi na ako nito babalikan, bakit nga ba ako patuloy na umaasa na babalik sya sa akin.

Naglakad na lamang ako pabalik sa puntod ni vlad at umupo sa harap nito nakatingin lamang ako sa puntod nito at dinadama ang malamig na hangin habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha.

"vlad mahal ko. patawad kung hindi man kita kayang pakawalan sadyang hindi ko lang maatim na unti unti kang mawala sa akin kahit na ala-ala mo na lamang aking pinanghahawakan."

*rain drops*

Napatingin ako sa kalangitan habang unti unting lumalakas ang pagpatak ng ulan. Sa mga oras na ito ay hindi ko na tuluyang napigilan ang aking mga luha at tulyan na akong humagulgol ng iyak sa harap ng puntod ni vlad.

"bakit mahal ko? bakit tayo umabot sa ganito?" punong puno ng hinanakit na wika ko habang nakahawak ako sa puntod ni vlad.

"Ang sa-sabi mo noon sa akin s-sa oras na ma-maging malaya tayo *sniff* ma-malaya sa mundong ito, magiging m-malaya narin tayong mahalin ang isat-isa" halos walang buhay na sambit ko sa harap ng kanyang puntod.

"ngayon pagmasdan moko mahal ko, masaya kaba!! masaya kaba na nagiisa ako ngayon at unti unting namamatay dulot ng iyong pagkawala!!"

"nakakatawa! Dati rati sa twing sumisigaw ako ngumi-ngiti ka lamang sa akin at yayakapin mo aki para mawala lahat ng galit at poot na nararamdaman ko. ngayon? ngayon ngayon nasaan ka. bakit mo ko iniwan, bakit mag-isa na lamang ako ngayon. bakit wala kana"

"ang sakit sakit mahal ko kung alam ko lamang na hahantong sa ganito ang lahat hindi na sana ako sumang-ayon na maghimagsik kayo sa palasyo upang makamtam ang kalayaang nais natin"

patuloy padin ako sa pagluha kahit na alam kong hindi ito sasagot sa akin kaylanman. ngunit anung magagawa ko hindi ko na kaylanman ito makakasama.

"Ngayon mag-isa kong nilalaban ang sakit na magisa na lamang ako na iniwan mo na ako, kaylanman vlad kahit kaylan hindi kita magagawang bitawan ikaw nalang ang natitirang mahalaga sa akin kahit na kinuha ka nila sa akin mananatuli ka padin sa aking puso at isipan. hintayin mo lamang ako mahal ko darating ang panahon na magkakasama na tayong muli."

unti unting humihina ang patak ng ulan,.

"at kapag dumating ang araw na iyon marahil pwede na tayo pwede na ang ating pagmamahalan at wala ng sinuman ang hahadlang.



Ngunit kahit kaylanman.





Hindi ko mapapatawad ang mga mortal na syang naging dahilan ng iyong kamatayan.



At kahit kaylanman ay hinding hindi ko mapapatawad ang palasyo lalong lalo na ang prinsesa iyon.



Pagbabayarin ni Ingrid ang lahat."



tuluyan ng tumigil ang ulan ngunit ang kalangitan ay madilim padin.

sumulyap akong muli sa puntod ng aking mahal at tuluyan ng umalis.

Nang makarating ako sa aming tahanan ay nagdiretso lamang ako sa aking silid at nahiga pakiramdam ko pagod na pagod ang aking katawan pagod na pagod din ang aking mga mata na tila ba hindi na nito kayang magmulat pa.

kung kaya ipinikit ko ang aking mga mata at tuluyan ng nagpahinga.

-----------

The Three Naughty Witches Where stories live. Discover now