Chapter 34

912 42 4
                                    

Sa sunod naming sinakayan na rides ay lutang ako. Hindi na ako nag eenjoy. Parang ang bigat ng dibdib ko.

Ano ba yan! Ganyan ba talaga ang epekto ni Vince sa buhay ko. He ruined my night. Pero wala naman siyang kasalanan kung sinira niya ang gabi ko. Malay niya ba na magkikita kami rito kasama ang anak niya.

Panay ang linga ko sa paligid ngunit hindi ko na siya nakita pa. Pero buti naman na hindi ko na siya makita. Sana, ito na ang huli naming pagkikita.

Hindi na ako nag enjoy hanggang sa umuwi na kami. Napapansin pala ng tatlo ang katahimikan ko.

"Okay ka lang?" si Charles na katabi ko dito sa backseat ng sasakyan. Si Michael ang nagdadrive, katabi niya ang asawa. Si Mela naman ang nasa likuran namin.

"Oo, okay lang ako." sabi ko sabay pakita ng fake na mga ngiti.

"Kilala ka na namin, alam kong may problema ka, gusto mo sa bar tayo pumunta?" si Mela.

"Siguro, nastress lang ako doon sa sunod nating sinakayan na rides." sabi ko. Sinungaling ka, Axel.

Nang makauwi na ako sa bahay, pabagsak akong humiga sa kama. Ramdam ko parin ang masakit na tibok ng puso ko.

Naiinis na ako sa sarili ko. Akala ko ba nakamove on na ako. Nasaan na ang pinagsasabi ko noon habang nasa Dubai ako na hindi siya para sakin? Parang bumalik ang nararamdaman ko sakanya dati. Putanginang nararamdaman 'to! Kung pwede nga lang, palitan ko na 'tong puso ko. Hindi madiktahan. Sinabi ko sa sarili ko na tanggapin ang katotohanan na pamilyado na si Vince pero heto, nasasaktan parin ako. Iniisip na di ko na siya mareach.

Wow! Ang gwapo niya ah.

Namalayan ko nalang ang sarili kong inistalk si Vince sa facebook. Gumawa pa ako ng bagong facebook account dahil dineactivate ko na ang dati kong account noon nang magkahiwalay kami.

Nahanap ko naman agad ang facebook account ni Vince. Ang profile picture ay topless siya. Nasa dagat. Iniscroll ko pa ang wall niya na puro shared post lang naman.

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad. Nakakainis lang. Buti pa siya, ang dali-dali niyang palitan ako.



Inabala ko ang sarili ko sa pag manage ng coffeeshop sa sumunod na araw. Mabenta naman ang negosyo. Dinadagsa ng mga estudyante, malapit lang kase sa eskwelahan.

"Axel."

Lumapit si Ashley sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sayo ba 'to? Wow ah, businessman ka na ngayon." aniya.

Ngumiti naman ako sakanya. Hindi parin siya nagbabago. Jolly person parin. Pero ang itsura niya, medyo nagmatured na.


"Pano mo nalamang nandito ako?" tanong ko. Hindi pa kase kami nagkikita mula nang makauwi na ako ng Pilipinas.

"Coincidence na makita kita rito." aniya.

Umupo kami sa bakanteng mesa at tinawag ko ang server para umorder.

"Anong gusto mo?" tanong ko kay Ashley.

"Uhm, yung pinakamahal na kape." aniya.

Napangiti nalang ako.

"Palugi ka." sabi ko nang matapos na akong mag order.

"Ngayon na nga lang tayo nagkita eh." aniya.

"So, what brought you here?" tanong ko.

"Malapit lang dito ang univ. na pinapasukan ko." aniya.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now