Chapter 25

994 46 4
                                    

Preoccupied ako pagkabalik sa loob ng nightclub. Sinalubong ako ni Apollo.

"Something wrong?" tanong niya.

Umiling ako.

Bumalik na kami sa bar stool. Pinagpatuloy niya ang pag inom, samantalang ako ay parang hindi na ginanahan.

Natanaw ko naman si Mela na sumasayaw sa dancefloor na may kasayawang lalaki. Napailing nalang ako, na natatawa sa posisyon nila. Nag t-twerk si Mela, nasa likuran niya ang lalaki. Kahit yata palibutan siya ng mga lalaki ngayon, alam kong di parin ito makakamove on sa ex niya.

Hindi naman nagtagal ay umuwi na kami gamit ang sasakyan kong napaayos ko na. As expected, wasted si Mela. Humahagulhol siya. Sinisigaw ang pangalan ng ex boyfriend niya.

"Mahal ko yun eh," ikbi niya nang inaalalayan namin siya papasok sakanyang apartment.

"Tahan na, palitan mo nalang siya ng gwapo, ang pangit kaya nun." sabi ni Charlie.

"Ihh, ang gwapo niya at ang laki pa ng tite." umiiyak na sabi ni Mela. Napailing nalang ako, pigil ang tawa namin.


Kinabukasan, nang matapos sa trabaho ng hapon ay naisipan kong pumunta sa resto ni Vince. Nakasuot pa ako ng corporate attire. Sky blue long sleeve partnered with slacks and black leather shoes.

Ewan ko ba, kung bakit ako nandito. Wala naman kami para magpaliwanag ako kung bakit may kasama akong lalaki sa night club.

Umupo ako at luminga-linga sa buong resto. May lumapit sakin na waiter at nag order naman ako ng pasta.

Habang naghihintay ay kinuha ko na ang phone ko sa bulsa at tinext si Vince na nandito ako sa resto niya.

Hindi nagtagal ay nakita ko na siya papalapit sa direksyon ko. He's wearing a blue polo partnered with jeans and a pair of white sneakers. Gwapo.

Tumaas ang kilay niya sakin. Ngumiti naman ako. Umupo siya sa harap ko.

"May kailangan ka?" tanong niya agad.

"Wala naman. Gusto ko lang magpaliwanag sa nakita mo kagabi."

Kinumpas niya naman ang kanyang kamay na parang maliit lang na bagay.

"Ano ka ba, ayos lang, nainis lang ako sa sarili ko dahil inabala pa kita."

"Magkaibigan lang kami nun." I explained.

Kumurba ang bibig niya at tumatango, pero parang hindi naniniwala.

Dumating na ang inorder ko. Nilapag ng waiter ang order ko sa table.

"Enjoy your food, sir." sabi nito bago umalis.

Tiningnan ko si Vince, nahuli kong inirapan niya ako.

"Baka naman nagseselos ka?" pagbibiro kong tanong.

Kumunot ang kanyang noo. "Ako, magseselos?" Tinuro niya ang kanyang sarili.

Napangiti nalang ako.

"Selos daw? Tsk!" singhal niya, na natatawa. Anong nakakatawa? Pero yung tawa niya parang pilit lang.

"Just kidding." ngiti kong sabi.

"Actually, fuck buddy kami." sabi ko habang pinapaikot na ang tinidor sa pasta.

Naglaho ang kanyang mga ngiti. Seryoso na ang kanyang tingin sakin.

"Anong fuck buddy?" tanong niya.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung sa kilig o sa pinapakita niyang reaksyon, ang seryoso na niya kase.

"A-ano, hmm, momol ganun." nauutal kong sabi.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now