Chapter 19

1K 36 4
                                    

Sa dami kong iniisip, hindi ko na namalayang nasa Maynila na pala ako. Nakauwi na sa bahay at pabagsak na umupo sa sofa. I am fucking exhausted.

Subukan ko man aliwin ang sarili sa pagsama sa mga kaibigan sa bar, nauuwi parin sa lungkot. Kinuwento ko sa kanila ang dahilan ng kalungkutan ko. Inom ako ng inom para maibsan ang lungkot ko pero ito, nagdadalamhati parin sa pagkawala ni Vince.

Inistalk ko ang facebook account ni Leo Del Carmen. Nakatira pala siya sa isang subdivision sa Makati. Meron siyang auto business, ang pagbenta ng mga magagarang kotse. May picture siyang nakasakay sa sports car. Isa pala siyang car racer. May nakita akong larawan na sumali siya sa isang car racing event.

Tumiim ang bagang ko.

Ito lang naman taong 'to ang pumatay kay Vince.

Nandito na ako ngayon sa auto business niya. Sinalubong ako ng isang agent at nagsimula na siyang mag sales talk sakin. Ang daming magagandang kotse. Pero iba ang hinahanap ko, ang may ari. Hanggang sa nakita ko na siyang lumabas sa building.

Nagtama ang mga mata namin. Nabasa ko sa ekspresyon niya na nagulat siya sakin.

Nilapitan ko naman siya.

"You look familiar." untag ko.

"Ay, oo nga, nakita na kita na kasama mo si Jenina sa San Mateo, manliligaw ka pala niya." sabi ko.

Sinenyasan niya ang kanyang agent na siya ng bahala na sakin.

"Yeah, I'm her suitor." mataman niyang sagot.

"Pero hindi ikaw ang sinagot niya, kung hindi ang kaibigan ko na si Vince." kaswal na sabi ko.

"It's fine."

Fine? Dahil pinatay mo siya.

"But, I've heard na patay na ang kaibigan mo, kawawa naman." aniya.

Tumiim ang bagang ko. Kita ko sa mga mata niya ang tuwa.

"So, may pag asa ka na kay Jenina dahil patay na ang karibal mo." sabi ko.

Umigting naman ang panga niya.

"Walang awa siyang pinatay ng kung sinong demonyo." mariin kong sabi.

Kita ko ang pagdilim ng kanyang mga mata.

"Nandito ka ba para sabihin sakin yan?" mariin niyang tanong.

"Hmm, hindi naman, bigla ko lang naalala ang kalunos-lunos na pagpatay sa kaibigan ko, halatang may inggit ang pumatay sakanya." sabi ko.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" madiin niyang tanong.

Ngumisi naman ako ng mapakla. "Wala naman akong sinasabi."

Mapaglaro naman siyang ngumisi.

"It's sounds like you're accusing me." taas kilay niyang tanong.

Nilabanan ko ang kanyang masamang tingin sakin.

"Why do you seem affected?." kaswal kong sabi.

"Ayaw ko kasing pinagbibintangan ako." agad niyang sagot.

Ngumisi lang ako at tinaliman din siya ng tingin, hindi nagpatinag.

"Guard!" sigaw niya.

Nginuso ako nito na palabasin ako.

Hinawakan ako ng gwardya sa braso. Matalim ko siyang tiningnan bago lumabas.

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.

Balang araw, makakamit mo rin ang hustisya. Hindi dito nagtatapos.





***





Take Me To Paradise (BxB) (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن