Chapter 15

1K 44 7
                                    

"Oh, anong ginagawa mo dito? Maggagabi na ah." takang tanong ni Vince kay Jenina nang dumating bigla ito. Wala siyang dala miski bag.

"Hmm, gusto ko lang makita ang ganda ng sunset dito." hinihingal na sabi niya. Para siyang tumakbo papunta dito.

"Ahh," tumango si Vince.

Nagring naman ang cellphone ni Jenina at kinuha niya ito sakanyang bulsa. Pinatay niya at binalik ulit sa bulsa ng short shorts niya.

Umupo ito sa tabi ni Vince. Bale, pinaggigitnaan namin si Vince.

"Ba't mo pinatay yung tawag? Baka emergency." si Vince.

"Wala yun." sagot ni Jenina.

"Ang ganda talaga panoorin ng sunset dito." pag iiba ni Jenina ng usapan.

"Oo nga eh, hindi nakakasawang pagmasdan." segunda ni Vince.

Nag usap pa sila ng kung ano-ano. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"Ano nga palang number mo? May bago na kasi akong cellphone, hindi ko nadala rito." sabi ni Vince. Hiniram niya pa ang cp ko para doon i-save ang number.

Nang malapit ng lumubog ang araw ay tumayo na kami at nagpagpag.

Hinatid namin si Jenina hanggang sa makasakay na siya ng tricycle.

"Bye Axel, babye Vince." paalam nito. Kumaway lang kami. Tinanaw namin ang pag alis ng tricycle.

"May cellphone ka na?" tanong ko habang naglalakad na kami.

"Oo, bigay ni Madam Ruby." aniya.

"Huh? Talaga?" gulat ko.

"Oo, nung nakaraang araw."

Tumango ako. Kumurba ang labi ko. Alam na this.

Nang gabi na ay akala ko nakikinood lang si Vince nang magpaalam ito na makikitulog na naman dito sa mansyon.

"Doon ka sa guest room." sabi ko.

"Doon nalang ako sa kwarto mo, kunware ka pa, eh gusto mo naman akong makatabi." panunuya niya.

Hinampas ko naman siya ng unan, tumawa lang siya.

"Libre pa hawak." kumindat siya sakin.

Napailing nalang ako at nangingiti.

"Ang libog mo." singhal ko.

"Sayo, hahaha!" tawa niya.

Mga bandang alas-diyes ay umakyat na kami sa kwarto. Sumalampak agad siya sa kama.

"Ang sarap talaga dito matulog." aniya.

Kinuha niya ang phone niya sakanyang bulsa at binuksan. Nakita kong suot niya ang relo na niregalo ko sakanya. Umupo ako sa dulo ng kama.

"Sa tingin mo, may gusto nga ba talaga sakin si Madam Ruby?" tanong niya.

"Oo, halata naman." sagot ko.

"Oh, ikaw?" tanong niya. Kumalabog ang puso ko.

Napahagalpak naman siya ng tawa.

"Crush mo ko noh?" panunuya niya at bumangon na sa pagkakahiga.

"Tsk! Assuming ka masyado." singhal ko.

"Aminin mo na, kase sasakyan naman kita." aniya.

Naghuramentado lalo ang puso ko. Ba't napunta na sa nararamdaman ko ang topic?

Umismid nalang ako.

"Haist! Matulog na nga." Nilapag niya ang kanyang cp sa mini table at humiga na siya ulit.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt