Chapter 1

2.4K 78 10
                                    

Warning Spg. Read at your own risk.

Sa ikalawang palapag ang kwarto ko. Malawak ito, mas malaki pa sa naging kwarto ko sa Maynila. Queen size ang bed, may bookshelf, at ang lawak ng banyo, may jacuzzi.

Sinimulan ko ng linisin ang kwarto ko dahil sobrang maalikabok. Nagring naman ang cellphone ko.

"Hello."

Chappy ang boses na naririnig ko kaya binuksan ko ang sliding door ng terrace para makasagap ng signal.

"Nandyan ka na ba sa mansyon mo?" unti-unti ng luminaw ang boses ni Charlie. Isa siya sa mga kaibigan ko.

"Oo." tugon ko.

"Kinukulit ako ni Arianna kung nasaan ka raw." aniya, tukoy niya sa ex girlfriend ko.

"Wag mong sasabihin kung saan ang address ko ah." sabi ko.

"Oo naman. Ano, marami ba dyan magaganda o mga guwapo?" tanong niya.

"Hmm, ewan. Hindi pa naman ako lumalabas." sabi ko.

"O sya sige, tawagan nalang kita o ikaw ang tumawag, at chikahan tayo kung may nabingwit ka ng hombre o gelay dyan." aniya. Napailing nalang ako at napangisi.

"Sige, bye." At binaba ko na ang tawag.

Isa lamang si Charlie sa mga naging friend kong bisexual.  They're fun to be with. Nakakamissed din ang mga malalanding yun.

Lumabas na ako ng mansyon nang makaramdam na ng gutom. Tanghaling tapat na pala. Hindi pa nga ako nag aalmusal.

Maghahanap nalang ako ng karinderya. Habang naglalakad ako ay pinagmamasdan ko ang paligid. Hiwa-hiwalay ang mga kabahayan, may kubo at semi concrete na bahay. Tanaw naman sa malayo ang napakalawak na karagatan.

Hindi nagtagal sa paglalakad ay may nadaanan na akong karinderya at doon na kumain.

Napahalukipkip nalang ako nang makabalik na sa mansyon. Ang daming lilinisin. Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na sa pagpunas ng sahig.

Natanaw ko dito sa terrace ang caretaker at kasama nito ang anak niya sa labas ng gate.

Kumurba ang bibig ko. Infairness naman sa anak nito.

Bumaba na ako at pinagbuksan sila ng gate.

"Tutulungan ka namin maglinis."

"Nakakahiya naman po sainyo."

"Tulad ng sinabi ko kanina, bukal sa loob ko ang pag alaga sa mansyon niyo."

"Hindi pa nga pala ako nagpapakilala, ako si Nikolas at ito naman ang panganay kong anak na si Vince." pakilala nito

"Vince nga pala pare," Nilahad niya ang kanyang kamay.

"Axel," Tinanggap ko ang kanyang kanang kamay.

Magaspang ang palad. Lalaking-lalaki.

Mas matangkad pa siya sakin ng konti.

Kinuha na nila ang mga panglinis sa isang bodega sa bakuran at nagsimula ng maglinis sa loob. Ako, sa kwarto parin naglilinis, si Mang Nikolas naman sa sala sa baba, at si Vince naman sa mga dingding.

Hininto ko muna ang paglinis dahil bibili ako ng Miryenda nila. Naabutan ko si Vince na abala sa pagkuskos sa hagdan. Nakahubad na ito ng damit pang itaas. Nakajersey short na suot. Pawisan na siya. Dumako ang paningin ko sa abs niya. Napatingala siya sakin, napaiwas naman agad ako ng tingin doon.

"Bibili lang ako ng miryenda." sabi ko. Tumango naman ito.

"Mag ingat ka sa pagbaba, baka madulas ka." paalala niya.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now