Chapter 24

968 43 5
                                    

Madilim pa nang bumiyahe na kami paluwas ng Maynila. Tulala lang akong nakatanaw sa nadadaanan namin. Inaantok pa ako. Samantalang si Vince ay sumasabay sa kanta sa stereo para hindi antukin. Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako.

Nagising ako sa tawag sakin ni Vince.

"Axel, nandito na tayo sa Maynila. Ituro mo sakin kung saan ang bahay mo." aniya. Umaga na pala.

Tinuro ko naman ang direksyon. Kabig siya ng kabig hanggang sa makapasok kami sa isang subdivision.

"Dito pala bahay mo." aniya habang pinapasadahan ang bahay. Modern house ang bahay ng pamilya ko, dalawa ang palapag nito. Sa loob ng maraming taon ay natiis kong mag isa lang na nakatira dito.

"Pasok ka, mag b-breakfast tayo." sabi ko. Tumango siya at pumasok na kami ng bahay.

Pinaupo ko muna siya sa sofa sa living room at binuksan ko ang tv para libangan niya habang naghihintay. Nagsaing na ako, at pagkatapos ay nagprito ng ham, hotdog at itlog.

Makaraan ang ilang minuto ay luto na ang sinaing. Niyaya ko na si Vince na kumain sa dining area.

"Wow! Mukhang mapaparami ang kain ko nito." aniya habang hinahagod ang tiyan.

Magkaharap kaming kumain. Pigil naman ang tawa ko habang pinagmamasdan siyang kumakain, masiba parin ang lalaking 'to.

Makaraan ang ilang minuto ng pagkain namin, dumighay na siya. "Nabusog ako."

"Anong oras ang trabaho mo?" tanong ko.

Sinipat niya ang kanyang relo. "Late na ako, 6 ang pasok ko, di bale ako naman ang may ari ng resto, kaya no worries." aniya.

Naghugas na ako ng pinagkainan. Siya naman ay nanonood lang sakin.

"Hindi ka pa aalis?" tanong ko habang naghuhugas.

"Hindi pa. Sabay na tayo, hatid na kita sa trabaho mo, para malaman ko kung saan ka nagtatrabaho." sagot niya.

After I fixed myself sa kwarto ko ay umalis na kami. Hinatid niya ako sa kompanyang pinagtatrabahuan ko.

"Salamat." sabi ko.

Tumango siya. "Salamat din. Kitakits tayo ulit."

Pinanood ko ang pag alis niya hanggang sa hindi ko na matanaw ang kotse niya. Humugot ako ng malalim na hininga. Kahit kailan talaga, hirap mo parin abutin.

Gabi nang nagkakayaan ang mga kaibigan ko na mag hangout sa night club. Same parin na club ang pinuntahan namin. Pang biyernes santo naman ang mukha ni Mela, kwento nito ay nahuli niya ang boyfriend niyang may kahalikang babae sa apartment nito.

"Walanghiya siya! Ibinigay ko sakanya lahat-lahat." naiiyak na sabi niya. Hinagod naman ang kanyang likod ni Michael.

I feel sad for him.

"Tama na baks, marami pa namang lalake dyan eh." si Charles.

"Oo, lalake lang yan." segunda naman ni Michael.

Tahimik lang akong nakinig.

"Ang yabang niya, jutay naman siya."

Natawa nalang kami.

"Trooo, alam mo bang nung nagswimming tayo sa swimming pool, wala manlang bakat nung nakabrief nalang siya." si Charles.

"Oo nga." si Michael.

"Ikaw Axel, ano naman ang words of encouragement mo dito kay brokenhearted angel?" si Charles.

"Ano, uhm, lalake lang yan." sabi ko nalang.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now