Chapter 11

1K 36 2
                                    

Maghapon kaming nabilad sa araw. Buti nalang talaga ay paminsan-minsan naman na natatakpan ng ulap ang araw.

Ganito pala ang trabaho bilang hardinero. Kalaban mo ang init ng araw.

"Namumula ka na."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Vince. Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil sa pagod.

Binigyan na kami ng paunang sweldo ni Mr. Marquez nang matapos ang trabaho.

"Ayaw mo ba talaga Vince na magmodelo?" tanong ni Mr. Marquez.

Nahihiyang napakamot ng batok si Vince at umiling na na nangingiti.

"Sayang ka." aniya sabay pasada na naman ng tingin sa katawan ni Vince. Nakahubad parin kasi ito ng damit at balandrang-balandra ang abs.

"Oh, ikaw gusto magmodelo?" baling sakin ni Mr. Marquez.

"Yan talaga ang bagay magmodel." natatawang sabi ni Vince.

Umiling naman agad ako na nangingiti.

"O sya sige, kita nalang tayo bukas." sabi ni Mr. Marquez sabay tapik sa braso ni Vince. Pinisil pa nito ang braso at malagkit na nanaman tumingin sa katawan.

"Pagbigyan mo na kase tol, baka doblehin pa ang ibigay sayong pera." pang aasar ni Lino, na nakasama namin sa trabaho. Umalis na si Mr. Marquez at tinatanaw namin ang papalayong sasakyan.

"Ayoko nga, baka pigain ako nun sa panggigigil, kawawa naman ng alaga ko." natatawang sabi ni Vince.

Umalis narin ang mga nakasama namin sa trabaho. Pumunta muna kami ni Vince sa dagat upang magtampisaw. Kulay kahel na ang langit habang nagbababad kami sa tubig. It's very relaxing, nakakawala ng pagod.

"Gusto ka ba ni... Mr. Marquez?" tanong ko.

"Hindi ba obvious?" aniya.

"Halos buong maghapon ay napapansin kong malagkit na nakatingin sa katawan ko." nangingiting umiling siya.

Parehong-pareho kami ng nararamdaman sakanya. Ang sakin lang ay palihim at hindi pinapakita ang pagkakagusto sakanya.

Sa sumunod na araw, present si Jenina. Kaya naman todo ang pagpapacute ni Vince habang nagbubungkal ng lupa. Parang iba ang galaw niya ngayon, nagpapaka-hot.

"Hoy Jenina, wag ka dito magreview, doon ka sa dalampasigan." rinig kong sabi ni Mr. Marquez.

Sinunod naman nito ang utos ng kanyang tito. Napapansin na siguro nito na panay ang tinginan ni Vince at Jenina.

"Nililigawan mo ba ang pamangkin ko?" tanong ni Mr. Marquez habang nagmimiryenda na kami. Wala dito sa resthouse si Jenina, nandun parin ito sa dalampasigan.

"Yes po." walang pag alinlangang sagot ni Vince.

Napasinghal naman si Mr. Marquez. "Dalawa pala ang nanliligaw sakanya."

"Talaga po?" takang tanong ni Vince.

"Oo, sa tingin ko, wala kang chance sa babaeng yan, ang yaman ng lalaking nanliligaw sakanya, pinapaasa ka lang niyan for sure." sabi ni Mr. Marquez na halata sa boses ang pait.

Tumango nalang si Vince. Kita ko sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Pero.. mas gwapo ka doon. Pero kahit na, ang mga magulang ni Jenina, gusto mayaman ang mapangasawa ng anak nila." dagdag ni Mr. Marquez.

"Wala ka pala doon tol." pang aasar ni Lino.

Siniko naman siya Vince at nagtawanan ang tatlong lalaking kasama namin sa trabaho.



Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now