Chapter 21

982 43 2
                                    

When he hugged me, It felt like home.

"Namiss kita." aniya.

"B-buhay ka?" Ang daming katanungan ang nasa isip ko pero yun lang ang nasambit ko.

Kumalas na ng yakap si Vince. Ngumiti siya sakin.

"Heto, buhay na buhay."

Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng blue long sleeve na tinupi hanggang siko. His hair is clean cut. Ang linis niyang tingnan.

Nananaginip ba ako? Totoo ba talaga ito? Si Vince ba talaga 'to?

"Alam kong naguguluhan ka, ipapaliwanag ko sayo lahat."

Nangingilid na ang mga luha ko sa aking mga mata. Naluluha ako sa sobrang saya na buhay si Vince.

"Vince." May lumapit na babae at kumapit ito sakanyang braso.

"Sino siya?" tanong ng babae.

"Kaibigan ko, si Axel." pakilala ni Vince.

Tumango ang babae.

"Hi! I'm Crizel, Vince's girlfriend."

May dumaang sakit sa puso ko. Pero, di bale ng may girlfriend na siya basta ang importante ay buhay siya, yun ang mahalaga.

"Vince, let's go, late na tayo." sabi nung Crizel.

Tumango si Vince sa babae.

"Axel, balik ka rito, i-explain ko sayo lahat." aniya. Tumango nalang ako. Tinapik niya ang braso ko at palabas na sila ng resto.

Napahawak ako sa dibdib ko, parang may humaplos sa puso ko. Sobra kong saya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Para parin akong lumulutang.

"You're acting weird, nakangiti kang mag isa dyan." pansin sakin ni Ashley nang makabalik na ako sa table galing cr.

"Masaya lang ako." sabi ko sakanya.

"Tapos na ba lahat kumain?" tanong ni Leila at nagsitanguan naman kami.

"Let's go guys." Tumayo na sila. Tumayo narin ako at sumama na sa kanila papuntang bar.

Preoccupied ako habang nagkakasiyahan na sila dito sa bar. Hindi parin ako makapaniwala. Apat na taon na ang nakalilipas nang akala ko ay patay na siya.

"Sampalin mo nga ako." sabi ko kay Ashley. Baka kase nananaginip lang ako o kaya nag iilusyon, niloloko ko nanaman ang sarili ko. Gumagawa ako ng sariling imahinasyon na kunware ay nakita ko si Vince na buhay.

"What?" taka niyang tanong

"Tara, sumayaw na lang tayo, Weirdo." Hinigit ako ni Ashley patungong dancefloor. Ipinatong niya ang kanyang dalawang braso sa balikat ko. Dikit na dikit na ang aming mga katawan. Sumasayaw siya, ako naman ay parang poste lang.

Ang isip ko ay lumilipad. I can't wait to see him again. Sana bumilis ang takbo ng oras at magkita kami ulit. Sabik na sabik na akong malaman ang kasagutan sa mga katanungan ko.

Kinabukasan ng hapon, nandito na ako sa tapat ng resto kung saan nakita ko si Vince. Galing akong trabaho, hindi pa ako nakakapagpalit. Nakacorporate attire parin ako. Habang nasa trabaho kanina ay hindi ako mapakali. Parang ang bagal ng oras kung kailan gusto mo ng bumilis ito.

Tinanaw ko muna ang resto. Sakanya ba ito? Or.. he's the Manager?

It's a two storey building. Ang ganda ng ambience. The lighting and the color are impressive for customers.

Pumasok na ako. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Maraming customers. Malakas ang tibok ng puso ko habang hinahanap si Vince.

"Good afternoon sir, how may I help you?" May waitress ang lumapit sakin.

"Uhm--" Sasagot na sana ako nang matanaw ko na si Vince na bumaba ng hagdan. Bumilis ang tibok ng puso ko. He looks so neat and dashing in his black tuxedo.

"Siya yung hinahanap ko " sabi ko sa waitress.

"Ahh, si Sir Vince." sabi nito.

Nakangiting lumapit sakin si Vince.

"Parang matutunaw na yata ako sa tingin mo." natatawang sabi ni Vince nang dinala niya ako sa rooftop ng resto. Napansin niya ang titig ko sakanya. Lalo pa siyang gumuwapo. Masaya ako na ito na kinatatayuan niyang buhay.

"Hindi kasi talaga ako makapaniwala." sabi ko.

Humawak kami sa railings at tinanaw ang street light sa baba.

"Baka ikaw yung nakasalubong ko sa pedestrian lane sa L street." sabi ko.

Nagkibit balikat naman siya. "Dumaan nga ako doon nung isang araw, siguro sa pagmamadali ko, hindi kita napansin."

Tumango ako.

"Okay. Paano ka nakaligtas?" panimulang tanong ko. Ito ang pinaka anticipated na tanong na gusto ko ng kasagutan.

Humugot siya ng malalim na paghinga.

"Niligtas ako ni Madam Ruby." sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Si Mr. Marquez? Naalala ko, pumunta siya ng burol kasama si Jenina.

"Nalaman ni Madam Ruby na balak akong patayin ng kaibigan niya na si Leo dahil hindi siya pinili ng nililigawan niya na si Jenina na pamangkin niya, kaya ang pinlano ni Madam Ruby ay itakas ako, gumawa siya ng paraan, humanap ng lalaki na medyo hawig ko para mapagkamalang ako siya. Pinatrabaho niya ito sa hardin ng hapon na 'yun."

I felt goosebumps by his sudden revelation. All this time, it was all set up para mailigtas siya.

"Nagising nalang ako na nakasakay ako sa motor boat na iba na ang suot, dahil yung dating suot ko ay pinasuot doon sa lalaking impostor ko."

"Pinaliwanag sakin ang lahat ni Madam Ruby, galit ako sakanya that time dahil nanggamit siya ng ibang tao, nadamay yung lalaki, dahil sakin kaya namatay ito, na karumal-dumal pala ang ginawa sakanya."

"Nasaan na si Mr. Marquez?" tanong ko.

"Wala na siya mahigit isang taon na ang nakalilipas, namatay siya sa sakit sa puso. Pinamana niya sakin lahat ng kanyang ari-arian, isa itong resto sa pinamana niya sakin." sagot niya.

"Wala siyang anak, tinakwil pala siya ng kanyang pamilya kaya wala siyang papamanahin ng ari-arian, sakin niya pala ito ipinangalan. Pinag aral niya ako sa kolehiyo ng apat na taon para pag aralan ang pagpapatakbo ng negosyo."

"Alam na ba ng pamilya mo na buhay ka?" tanong ko.

"Oo, dalawang taon na ang nakakalipas." sagot niya habang nakatingala sa pang gabing langit.

"Mula nang makulong si Leo Del Carmen, ay nagpakita na ako sa kanila, syempre, hindi sila makapaniwala na buhay ako."

"Paano niyo napakulong yun?" tanong ko.

"Umamin si Madam Ruby sa pulisya na si Leo ang pumatay doon sa biktima." aniya.

"Bakit pinatagal niya pang aminin?" tanong ko. Pwede naman siyang tumestigo pagkatapos ng krimen na nangyari.

"Siguro ay dahil maimpluwensya pa noon ang angkan ng mga Del Carmen kaya inisip niya na baka mapahamak lang ang kanyang buhay, two years ago kasi ay natalo sa pagka-governor ang ama ni Leo kaya naglakas-loob na siyang tumestigo." pahayag niya.

"Gusto ko mang magpakita sainyo noon pero dinala niya ako sa malayong lugar. Pumayag naman ako sa gusto niya, na saka nalang ako magpapakita kapag nakulong na ang hayop na Leo Del Carmen na yun."

"Ikaw, chinat kita at tinext 2 years ago kaso di ka nag rereply miski seen sa chat wala." baling niya sakin.

"Nagbago ako ng facebook account eh, atsaka nagbago din ako ng phone number." sabi ko.

"Haist, hindi ka sana nagbago ng phone number."

Sayang ng dalawang taon na yun na dapat ay nalaman ko ng buhay siya, ang hirap kaya maka move on, magluksa sa pagkamatay niya.

But for now, I'm so happy that he's alive.

***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now