Chapter 27

989 38 6
                                    

"Dito ako matutulog." aniya.

Mukhang gustong-gusto niya ng matulog dito ah. Parang walang bahay.

"Kumain ka na?" tanong ko nang makapasok na kami ng bahay.

"Hindi pa." aniya.

Mukhang iritado parin siya. Pang biyernes santo ang mukha niya.

"Magluluto ako." sabi ko nalang.

Nagluto ako ng pork adobo. Nanonood lang siya sakin habang nagluluto.

"Bakit nga gusto mo dito matulog?" tanong ko.

Nagkibit-balikat naman siya. Kanina pa siya tahimik habang pinagmamasdan akong magluto.

Napailing nalang ako. Pigil ang mga ngiti. Parang ang sarap asarin ang lalaking 'to.

"Mukhang close na close kayo ng lalaking yun ah." Sa wakas at nagsalita na siya.

"Aminin mo, kayo na ba?" tanong niya.

Napangiti naman ako ng matamis.

"Ngiting yan, alam ko kinikilig ka." sabi niya.

"Nagseselos ka ba?" pang aasar na tanong ko.

"Tinatanong kita kung kayo na." irap niya.

"Nagseselos ka noh.." pang aasar ko at sinusundot ko pa ang tagiliran niya.

"Oo, nagseselos ako, ano, happy?" tanong niya.

My heart skipped a beat.

Hindi ako nakapagsalita.

"Tsk! Dyan ka na nga, alis na 'ko." bigla siyang nagwalk out.

"Hoy, akala ko ba--" Ayun, lumabas na nga ang loko.

Ramdam ko ang malakas na kalabog ng puso ko. Para na akong lumulutang sa ere. Nagbalik sa mga alaala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Iniisip na malabo na maging kami dahil straight siya. Tapos ngayon aaminin niyang nagseselos siya. What the!

Para na akong teenager kung kiligin. Hindi ko na namalayang natapos na akong kumain. Lutang ako. Ganito ba kapag inlove? Nakangiti akong mag isa habang naghuhugas ng pinagkainan.

Nakahiga na ako sa kama. Nakangiti na naman akong mag isa.

'Wag ka ng magselos baby boy, sayo lang ako.'

Nang sinend ko na ang text message ko kay Vince ay sobrang bilis na ng pintig ng puso ko. Nag uumapaw ang kilig sa buong sistema ko.

Vince:

So, tayo na?

Nanlaki ang mga mata ko. Napatakip ako ng palad sa bibig.

Teka, diba sabi niya nagbibiro lang siya na break na sila ni Crizel. Napawi ang mga ngiti ko sa naisip. Baka pinagloloko lang naman ako ng lalaking to.

'Anong tayo na?" reply ko.

Vince:

Can you be my boyfriend?

Napabangon na ako sa kama. Dinama ko ang malakas na pintig ng puso ko.

Nangangatal ang mga kamay ko habang nagrereply na.

'Sige ba.'

Pigil ang paghinga ko nang sinend ko na ang text message ko.

Vince:

Ayos. Good night, see you tomorrow.'

Napangiti ako ng napakatamis. Parang may humahaplos sa puso ko. Humiga ako at niyakap ang unan. Ghad! Parang ngayon lang ako kinilig ng ganito. Kami na ba talaga? Baka nananaginip lang ako? Hanggang sa nakatulog ako na may mga ngiti sa labi.

Inspirado yata ako habang nagtatrabaho kinabukasan. Napapansin na ng mga officemate ko ang maaliwalas at masigla kong mukha.

"Sine tayo mamaya, libre ko." si Ashley, pinipilit akong manood daw kami ng movie ng kathniel.

"Hindi nga ako pwede." sabi ko. Napatingin ako sa nakabalandra niyang cleavage. Nakayuko kasi siya at ako naman ay nakaupo sa swivel chair sa harap ng computer.

"Nakakainis ka!" asik niya at padabog siyang umalis.

Napangiti nalang ako at napailing.

Hapon nang dismissal ko na. Agad ko namang natanaw ang boyfriend ko na naghihintay sakin sa labas ng building. Nakasandal siya sakanyang kotse. He's wearing a blue button-down shirt, pants and a pair of white sneakers.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Pinipigilan ko ang sariling mapangiti.

"Syempre, susunduin ka."  sagot niya.

"I have my own car." turo ko sa parking.

Napakamot nalang siya sakanyang batok. "Sige, sabay na tayo pauwi sa bahay mo."

"Okay." ngiting sabi ko. Bago makasakay sa kotse ko ay napansin ko ang mga mata ng empleyado na nakamasid sakin.

Nakarating na kami ng bahay. Tahimik lang siyang nakasunod sakin papasok.

"Diba sabi mo, nagbibiro ka lang na break na kayo ng girlfriend mo." sabi ko nang nasa living area na kami.

"Totoo yun, break na kami ng araw na yun." sabi niya.

Tumango ako. I felt relieved. Akala ko, kabit ang role ko.

"Kayo nung ka-momol mo, break na ba kayo?" tanong niya.

"Huh? Wala ngang kami." giit ko.

"Wag ka ng lalapit dun dahil may boyfriend ka na." aniya.

Territorial naman nito.

"So, it's official, tayo na?" tanong ko.

Natahimik siya. Umupo siya sa couch.

"Bakit ayaw mo ba?" tanong niya.

"Gusto ko." walang pag alinlangang sabi ko.

"Matagal mo na ba akong gusto?" tanong niya.

Oo, matagal na. Mahal na nga kita eh.

Tumango nalang ako at umupo sa tabi niya.

"Ikaw, kailan ka nagkagusto sakin?" tanong ko pabalik.

"Gusto na kita noon, akala ko mawawala na ang nararamdaman ko sayo ngayong may girlfriend ako, pero nandyan parin pala ang pakiramdam na.. haist, nababakla na ako." Tumayo siya at kinuha ang remote. Binuksan agad ang tv.

"Saan ang basketball?" tanong niya.

Kinuha ko sakanya ang remote at pinindot ang channel na basketball ang palabas. Tahimik naman siyang nanood.

"Magluluto na ako. Anong gusto mong ulam?" tanong ko.

"Ikaw." aniya habang tutok siya sa tv.

"A-anong ako?" tanong ko. Uminit ang pisngi ko.

"Ikaw bahala." aniya.

"Gusto ko ng itlog, I'm craving of eggs." sabi ko, pinipigilang matawa.

"Ang bastos mo." sabi niya.

"Luh! Ikaw lang naman dyan ang madumi ang iniisip." depensa ko.

"Mamaya ka sakin." aniya habang tutok lang sa tv.

***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon