Chapter 7

1K 43 4
                                    

Hindi ako nagpahalata na nabadtrip ako. Panay lang ang lihim na pag irap ko sa tuwing nagtatawanan sila. Halata ko naman kay Jenina na kinikilig siya sa mga banat ni Vince.

"Magsiswimming ulit ako." sabi ko sa kanila habang nagtatawanan sila.

Tumayo ako at pumunta ng dagat para maghanap nalang ng katulad na shell na binigay kay Jenina.

Meron naman akong nakuhang magandang shell kaso hindi kagaya nung binigay ni Vince kay Jenina.

Haist! Nakakabadtrip talaga.

Natanaw ko naman silang nakatayo na. Umakyat si Vince sa isang nakayukong punong niyog para kumuha ng buko.

Lumapit ako sa kanila.

"Mag ingat ka, baka mahulog ka." mahinhin na boses ni Jenina.

"Edi, saluhin mo ako." sabi ni Vince.

Pwede bang umuwi nalang ako?

Kaso, baka pag umuwi na ako, may mangyari sa kanila.

Tatlong buko ang hinulog ni Vince. Wow! Akala ko kase dalawa lang na buko ang kukuhanin niya e.

Bumaba na si Vince. Wala niyang kahirap-hirap tanggalin ang bunot gamit ang matulis na bato at biniyak.

Yan ang gusto ko sa lalaki, mabubuhay kahit sa tagilid na lupa.

Ininom ko na ang sabaw ng buko na binigay sakin. Ang tamis.

"Ganito."

Tumaas ang kilay ko nang tinuturuan ni Vince si Jenina kung paano uminom.

Jusko! Pati ba naman ang pag inom sa buko, hindi marunong ang babaeng 'to. Hindi 'to mabubuhay sa tagilid na lupa.

"Ang sharap." sabi ni Jenina nang nilagok na nito ang shabaw, este sabaw.

"Pwedeng mahingi ang number mo?" tanong ni Vince.

"Sure." ngiti ni Jenina.

At ang kumag na si Vince, hiniram pa ang cellphone ko para doon i-save ang number ni Jenina.

"Picture tayo." sabi ni Vince.

"Axel, pwedeng makigamit ng camera sa phone mo?" tanong ni Vince sakin. Tumango nalang ako at ako ang ginawa nilang photographer.

This is torture na talaga.

"1, 2, 3,"

Nakangiti sila. Nakaakbay si Vince kay Jenina.

"Done." sabi ko, at tiningnan nila ang mga shots ko.

"Ang ganda." manghang sabi nilang dalawa.

Nagkayayaan silang magswimming na. Naghubad lang ng damit si Vince. Si Jenina ay nanatiling nakadamit.

Ako, nandito nakaupo sa buhanginan at pinapanood ang pagtampisaw nila sa dagat.

Naglaro nalang ako ng offline games sa phone ko. Masyado kasi akong naiirita na panoorin ang dalawa. Rinig ko ang tili ni Jenina, at paglingon ko sa dalawa ay buhat-buhat ni Vince si Jenina. Siguradong may naramdaman si Jenina na nakatusok sakanyang likuran. Dikit na kase ang katawan ni Vince sa likuran niya.

Napailing nalang ako.

Bitterness is all over my system.

Wala naman silang ginagawang masama sakin, ako lang kasi itong bitter na bitter, atsaka hindi ko tuloy ngayon maappreciate ang nature.

"Hanapan na kaya kita ng chicks pre." sabi ni Vince nang matapos na silang lumangoy. Nagbibihis na si Jenina sa likod ng puno sa malayo.

"Sige." sabi ko nalang. Para naman mawala na itong nararamdaman ko sayo at mailipat na sa babae.

"Ayos, may kilala akong sexy'ng babae na tagarito lang, tiyak, titigas kaagad ang tite mo pagnakita mo ang laki ng boobs niya."

Masyado naman 'tong bulgar. Napailing nalang ako, napapangiti.

Tapos na magpalit ng damit si Jenina. Nakasuot na siya ng spaghetti strap and maong short, na kulang nalang ay ipakita niya ang kanyang pwet sa sobrang ikli nito.

Ito namang si Vince, parang luluwa na ang mga mata sa nakikita.

Kung tusukin ko kaya ang mata ng lalaking 'to.

"Yan ba ang suot mo pag aalis ka na?" tanong ni Vince.

"Hindi. Magpapalit ulit ako pag uuwi na."

Umupo siya sa tabi ni Vince.

"Parang malungkot ka, Axel." pansin sakin ni Jenina.

Buti, napansin mo na malungkot ako.

"Wala kasing lovelife, kaya malungkot siya." natatawang sagot ni Vince.

Kumunot ang noo ko. Porket ba walang lovelife, e malungkot na?

"May bagyo palang paparating," pag iiba ng usapan ni Jenina.

"Talaga?" takang tanong ni Vince.

"Oo, sabi sa balita, baka sa huwebes ang dating nito at posibleng sa probinsyang ito unang maglalandfall ang bagyo." sabi ni Jenina.

"Oh no, sana mahina lang ang bagyo." malungkot na sabi ni Vince.

"Lagi bang nadadaanan ng bagyo ang probinsyang 'to?" singit ko.

"Hindi naman." si Vince na makikita sa mga mata niya ang lungkot.

Serious topic went on at pagkatapos ay umuwi na kami.

"Makikitext ako sayo ah." sabi sakin ni Vince habang tinatanaw namin ang tricycle kung saan sumakay si Jenina.

Tumango nalang ako.

Saklap talaga. Sakin pa makikitext.

Nagulat nalang ako nang siniko ako bigla ni Vince.

"Ayun oh, siya yung sinabi ko sayong chicks na ipapakilala ko sayo."

May motor na paparating at nakaangkas dito ang isang babaeng kaedad lang namin.

"Putsa, kita mo yung boobs, umaalog." sabi pa ni Vince. Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Oo nga noh. Dahil sa lubak-lubak ang daanan. Pero umiwas agad ako ng tingin. Baka isipin pa nung babae, e ang manyakis ko.

Hanggang sa nalampasan na kami nung babaeng nagmomotor at makalayo na.

"Diba pre, ang sexy niya, classmate ko yun nung elementary." aniya.

"Ano, tinigasan ka ba?" Nagulat nalang ako nang lumipad ang kamay niya sa ano ko.

What the fuck!

"Luh! Ba't tulog? Di manlang nagising." ngisi niya.

Ang manyak niya talaga.

Napatawa na siya ng malakas.

Dahil dyan, gumanti rin ako. Pabiro ko ring hinawakan ang ano niya, at laking gulat ko nang gising na gising ito.




***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now