Chapter 26

975 38 3
                                    


"Joke lang." sabi niya sabay tawa.

Napailing nalang ako, ngumiti ng mapait.

Isa talaga siyang pa-fall. Napaniwala niya ako. Tuwang-tuwa sana ang puso ko.

"Pwede ba akong makitulog?" tanong niya.

"Wala ka bang bahay?" tanong ko naman.

"Inaantok na kase ako." sagot niya. Pumungay ang kanyang mga mata.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

"Oo na." sagot niya.

"Sige, may guest room naman dito." sabi ko.

"Tabi nalang tayo sa kwarto mo." sabi niya.

Ayan, pa-fall talaga siya.

Magsasalita na sana ako nang may nagdoorbell. Kumunot ang noo ko.

"Baka syota mo yan." sabi ni Vince.

Tumayo ako at lumabas ng bahay. Nagulat ako nang matanaw ang mga kaibigan ko na sina Michael, Charles at Mela.

"Anong ginagawa niyo dito?" bungad kong tanong.

"Nomo tayez." sabay lahad nila ng alak.

"Dito pa talaga?" tanong ko.

Pinagbuksan ko na sila ng gate at nauna na silang pumasok ng bahay. Natahimik naman sila nang makapasok na.

"Ay, ba't hindi mo sinabi na may otoko kang kasama rito?" tanong ni Charles. Tiningnan ko si Vince na nakatingin lang samin.

"Edi, sakanya pala yung kotse sa labas." si Michael.

Ngumiti nalang ako. "Vince, sila nga pala ang mga kaibigan ko, si Charles, Mela at Michael." pakilala ko.

Kumaway naman ang tatlo. Ngumiti naman si Vince, yung ngiting pa-cute.

"Ang pretty niya pala talaga, sis." mahinang sabi sakin ni Mela.

"Iinom kayo?" baling sakin ni Vince.

Tumango ako. Mag iinom rin ako para sa puso kong sawi sa pag ibig, char.

"Kung gusto mo ng matulog, akyat ka nalang sa kwarto ko."

Sabay-sabay bumaling sakin ang tatlo. Makahulugan ang kanilang mga tingin sakin.

"Dito siya mag o-orlog?" tanong sakin ni Michael. Tumango nalang ako.

"Saan? Ituro mo sakin." sabi ni Vince.

"Baka gusto niya munang mag-join satin." sabi ni Charles.

Umiling nalang ako sa kanila.

"Ay, si bakla, selfish." si Mela.

"Gusto niyang masolo, kaya hayaan mo na." mahinang sabi ni Charles kay Mela.

Ngumiti nalang ako.

Pinasunod ko na si Vince. Umakyat kami ng hagdan. Sa unang pinto ang kwarto ko. Pinapasok ko na siya. Luminga-linga naman siya sa paligid. My room is simple. Blue and white ang kulay ng dingding. Queen size ang bed. May sariling banyo at may balcony.

Humihikab na siya at umupo sa kama.

"Wag kang magpakalasing ah." sabi niya.

Wew. Kung makaasta siya, parang boyfriend ko.

"Baka kasi harrassin mo ako." natatawang sabi niya.

"Feeling.." irap na sabi ko.

Lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sakin ang mga baklang kiti-kiti na parang binudburan ng asin pagkababa ko ng hagdan.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now