Chapter 10

1.1K 40 1
                                    

Nakangiting si Vince ang agad kong nakita pagkagising kinaumagahan.

"Morning." aniya.

Bumangon na ako. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.

Naaalala niya pa kaya?

"Patay! Ayun si Papa." Nakatanaw siya sa bintana at nagmadaling lumabas. Sumungaw bigla ang ulo niya sa pintuan.

"Salamat sa pagpapatulog mo sakin dito ah."

Tumango nalang ako, at nagmadali na siyang umalis. Rinig ko ang yapak niyang nagmamadali sa hagdanan.

Hindi ako makatulog kagabi. Parang gustong-gusto ko ang mga halik niya, nakakaadik.

Maulit pa kaya 'yon?

Siguro kapag lasing siya.

Parang hindi niya naalala na hinalikan niya ako.

Bumaba na ako at rinig ko ang bangayan ng mag ama sa labas.

"Dyan ka na ba titira? Hindi ka na nahiya?!" rinig kong bulyaw ni Mang Nikolas kay Vince.

"Pa naman, ngayon lang e."

Unti-unti ko ng hindi naririnig ang kanilang mga boses dahil lumalayo na sila.

Napailing nalang ako at napapangiti. Pwede naman na dito na matulog si Vince.

Mukhang hindi na nga naalala ni Vince ang halik niya sakin kagabi. Naglalakad na kami papuntang garden bandang hapon. Baka raw magpatrabaho na ang may ari ng hardin.

"Wala ka ba talagang maalala na ginawa mo nung lasing ka?" pamimilit ko.

"Wala e, bakit ano bang nagawa ko?"

Napangiti ako.

"Nagsarili ba ako?"

Napatawa na ako. Kunot na kunot ang noo niya kakaalala.

"O ikaw ang.." tinuro niya ako, napawi ang tawa ko. Ano ng iniisip niya?

"Nagsalsal ng junior ko?" aniya.

Napahagalpak naman ako ng tawa.

"Hindi ah." natatawang giit ko.

"Haist!" Napakamot nalang siya sa ulo.

Nakarating na kami sa garden at bumungad samin ang mga naglagasang mga bulaklak at ang iba ay lanta na.

"Mukhang marami-raming tatrabahuin ah." aniya.

"May load ka ba? Pwedeng makitawag? Tatawagan ko lang si Mr. Marquez " tanong niya.

Tumango ako at nilahad sakanya ang cellphone ko.

Saulado niya ang number at tinawagan niya na. Nakinig naman ako sa usapan nila na pumapayag si Vince na isa siya sa maghahardinero.

"Sige po, maghahanap po ako ng iba." Binaba niya na ang tawag at ibinalik na sakin ang cellphone.

"Maghanap daw ako ng katulong ko sa hardin." aniya.

"Pwede ba ako?" tanong ko.

"Huh?" Mukhang nagulat siya.

"Total, wala naman akong ibang ginagawa, libangan narin." sabi ko.

"O sige, dalawa na tayo, maghanap pa tayo ng tatlo pa." aniya.

Pumunta kami sa tabing dagat. Parang wala manlang nasira rito. Parang hindi dinaanan ng bagyo.

"Sabi mo, ipapasyal mo si Jenina doon?" turo ko doon sa isa pang tagong paraiso.

"Gusto ko kaming dalawa lang," aniya.

"Para naman, alam mo na." Kumindat siya sakin.

Napailing nalang ako at napangiti ng mapait.

Maaga pa lamang ay nandito na kami sa rest house ng hardin at hinintay namin si Mr. Marquez, ang syang may ari ng dalawang hektaryang hardin. Lima kaming naririto, ang tatlong lalaking kasama namin na mas matanda samin ng konti ay mga nakatira malapit sa bahay ni Vince.

Dumating narin sa wakas si Mr. Marquez. At nang bumaba ito sa SUV, Nagulat ako. Bakla pala siya. I think mga nasa mid 40's na ang kanyang edad. Nakasuot siya ng hawaiian polo at shorts. May kasama siyang babae na pinapaypayan siya.

"Hello mga hijo." magiliw nitong sabi sabay tanggal ng sunglass. Inisa-isa niya kaming tiningnan. Napalunok ako. Napatigil ang kanyang mga mata sakin.

"May bago, taga saan ka pogi?" tanong niya.

Binalingan naman ako ni Vince. "Taga saan ka raw?"

"Ah, kapitbahay po ako ni.. Vince." sagot ko.

Tumango naman ito.

"Okay, ngayon na kayo magsisimula ng trabaho?" tanong nito.

"Yes po." sagot ni Vince.

"Okay."

Pinaliwanag niya na samin ang mga dapat gawin habang nagsusuot na kami ng gloves.

"Ano pre, kaya?" Umakbay sakin si Vince, patungo na kami sa hardin. May mga dala na kaming tools.

Tumango nalang ako.

Ginusto mo 'to Axel, kaya panindigan mo.

Nagsimula na kami sa trabaho. Ang ginawa namin ay ang pagbunot ng mga halaman na natuyo na at binunot ang mga damo.

Natanaw ko naman si Mr. Marquez na nakaupo na sa mono block habang nagmamasid samin. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil nakasunglass ito. Yung babaeng katulong niya yata ay abala naman sa pagpaypay sakanya.

Mataas na ang araw. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang braso.

Pakshit!

Nakakapagod pala ang paghahardinero.

Hinanap ko si Vince at nakita siyang nakahubad na ng damit. I couldn't take off my eyes from his broad shoulders and firm muscles down to his chiseled chest. My jaw dropped as I looked at his v-line, pababa sa..

Parang luluwa na yata ang mga mata ko dahil bakat sakanyang jersey short ang kanyang ipinagmamalaki.

Narinig ko bigla ang palakpak.

"Snack muna kayo mga hijo." tawag ni Mr. Marquez.

Lumapit na kami sa kubo at may mga nakahain na roong pizza at softdrinks.

"Pawis na pawis ka, halika, punasan kita ng towel." sabi ni Mr. Marquez kay Vince.

"Wag na po." Napakamot sa batok si Vince.

"Wag ka ng mahiya baby boy." Lumapit si Mr. Marquez kay Vince at pinunasan ng tuwalya ang pawis nito.

Rinig ko ang hagikhikan ng mga lalaking kasama namin. Napapataas ang kilay ko. I smell something. Parang may gusto ito kay Vince at parang alam na ng mga katrabaho namin ang galawan nito, ang mga mata nila ay nanunukso kay Vince.

Patuloy sa pagpunas ng towel si Mr. Marquez pababa hanggang sa abs ni Vince. Nakaramdam ako ng pait sa sistema. Mukhang nadagdagan ang kaagaw ko kay Vince ah. Ngayon ko lang naisip na tito pala ito ni Jenina.

"Ang laki mo na." namamanghang sabi ni Mr. Marquez habang pinupunasan na ang banda sa may puson ni Vince.

***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now