Chapter 32

831 39 3
                                    

Sadyang may mga taong mananatili sa buhay mo at meron namang sasaktan ka. Like Vince. Maybe we meant to fall inlove with each other but not meant to be forever.

But the pain he gave has a purpose. Hindi sana ako nandito kung hindi niya ako sinaktan. Edi sana, nandun parin ako sa Pilipinas kung hindi kami naghiwalay.

'There's a time for right love' sabi sakin ng kaibigan kong si Charlie bago ako lumipad patungo dito. Maybe, this is not the right time. Darating nalang yan, hindi ako nagmamadali. Kaya nga nandito ako sa Dubai, dahil pinili ko ang career kaysa sa pag ibig na wala naman palang kabuluhan. My love for Vince was mixed of lust. Baka katawan niya lang naman talaga ang habol ko wala ng iba.

Tanaw mula rito sa kompanyang pinagtatrabahuan ko ang isa sa sikat na gusali sa buong mundo, ang Burj khalifa. Akala ko sa picture ko lang 'to makikita pero ngayon, abot tanaw ko na ito. Ang naturang gusali ay parang nagpapakita na progresado na ang bansang ito.

Sa mahigit tatlong taon ko na rito sa Dubai ay nasanay na ako sa environment, ang mga taong nakakasalamuha ko at ang kanilang kultura. May mga naging kaibigan naman ako, karamihan ay kapwa ko OFW na nagtatrabaho sa company'ng pinagtatrabahuan ko.

Sa nagdaang taon ay sinubsob ko lang ang sarili ko sa trabaho. Never akong nagkalovelife. May mga nagparamdam, mapababae man o lalaki pero pinaramdam ko sa kanila na hindi ako interesado.


"Nakalimutan kong bumili ng chocolates." si Brenna habang naglalagay ng mga pasalubong sa balikbayan box.

Brenna is one of my friend here. May dalawa siyang anak sa Pilipinas. 7 years old na lalake at 4 years old na babae. Ang ama nito ay tinakasan ang responsibilidad kaya siya ang mag isang nagtataguyod sakanyang mga anak. Ang nag aasikaso sa mga anak niya ay ang mga magulang niya sa Quezon province.

"Ako na ang bibili." sabi ko. Tumayo ako.

"Wait, ito ang pera." Dumudukot siya sakanyang wallet.

"Wag na." sabi ko at lumabas na ng kanyang kwarto. Tumungo ako sa mall.

Masaya siguro sa pakiramdam na nagpapadala ka roon sa pamilya mo ng balikbayan box. Ako kasi, wala naman akong mapapadalhan doon dahil ulila na ako. Yung mga pinsan ko ay may mga kanya-kanya ng trabaho.

Hindi lang tsokolate ang binili ko kundi kagamitan narin tulad ng sapatos at laruan. Alam ko ang size ng sapatos dahil lagi ko itong naririnig na sinasabi ng anak ni Brenna kapag tinatawagan ito.

"Tsokolate lang naman ang kulang, bakit may sapatos at laruan na?" Nagulat si Brenna sa mga dala ko.

"Ano ka ba, wala naman akong pagkakagastusan ng pera ko, kaya sige na, ilagay mo na yan dyan." sabi ko.

Ngumiti siya sakin at sumuko na na ilagay sa balikbayan box ang binili ko.

"Salamat." ngiting sabi niya sakin. Pero agad ding lumungkot ang mukha dahil hindi niya na naman makakasama ang pamilya niya sa pagsapit ng Pasko.




Excited ako nang sumunod na buwan dahil ikakasal na si Michael. Gaganapin ang kasal sa Netherlands. Isa ang bansang ito na legal ang same sex marriage.


Akalain mo yun, siya pa ang mauunang ikakasal saming tatlong magkakaibigan. Meron na din namang mga boyfriend sila Mela at Charlie. Isasama daw nila ang mga ito.

Nagleave ako sa trabaho ng 2 weeks. Sobra akong nasasabik na pumunta ng Netherlands dahil magkikita-kita ulit kami ng mga kaibigan after a long years.



Makalipas ang napakahabang biyahe sa eroplano ay narating ko na ang Amsterdam. Mapapamangha ka nalang sa ganda ng lugar.

"Baklaaaa!" tili ni Mela at Charlie.

Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap nang pumasok na ako ng lobby. Dito ang napag usapan naming hotel na i-stayan for weeks.

"Wow! Tindig mo palang, asinsadong-asinsado na." si Charlie habang sinisipat ang kabuuan ko.

Ngumiti ako sakanila.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking kasama ni Charlie.

"Boyfriend ko nga pala, si Bryan." pakilala nito.

Ngumiti naman ako sa lalaki. Straight guy. Minsan nakakatakot ang ganito.

"Nasaan naman ang boyfriend mo?" tanong ko naman kay Mela.

"Nasa work, hindi pinayagan na mag leave." aniya.

"Nasaan naman ang soon to be married?" tanong ko.

"Lumabas muna yung dalawa, ay, ayan na pala." si Mela sabay turo sa bukana ng hotel.

Nakita ko nga si Michael na kasama ang kanyang fiancee. Gwapo ito, maputi at matangkad.

Bakas sa mukha ni Michael ang saya nang lumapit na sakin at nagyakapan kami ng mahigpit.

Pinakilala niya naman ako sa kanyang mapapangasawa.

"This is Axel, my bestfriend, Axel, this is my fiancee, Gino."

Tinanggap ko naman ang kamay nitong nakalahad sakin. Ngumiti kami pareho.

Manly ang kanyang kilos at nung nagsalita na ay malumanay.

"Nice to meet you." ngiting sabi nito.

"Nice meeting you too." tipid na ngiting sabi ko.

Namasyal naman kami buong araw sa Amsterdam. Isa sa pinakamamangha ko ay ang ganda ng mga bahay. Pumunta pa kami sa isang Museum. Kumain kami sa isang restaurant nang makaramdam ng gutom. Nagbiking pa kami. Ang linis ng lugar, parang wala kang makikitang basurang nakakalat sa paligid at ang linis pa ng tubig sa canal, kaya naman nag boat trip kami dito. They value nature. Everywhere you look is picturesque. Kaya panay ang groupie namin at selfie sa lugar.

Dumating na ang araw ng kasal. Sa garden ito gaganapin. It's a civil wedding. Michael and Gino looked gorgeous in their white suit. Ako naman ay nakasuot ng coat and tie same as Charlie, pero si Mela ay nakasuot ng cocktail dress tulad ng sa mga babaeng abay. Narito ang ilan sa pamilya ng ikakasal. Wala nga lang raw ang papa nitong si Gino dahil hindi payag sa relasyon nila.

Emosyonal ang dalawa habang nagpapalitan ng kanilang vow. Tears of joy si Michael. Sino namang hindi sasaya kapag ikakasal ka na sa taong mahal mo. Pati ako ay napapaluluha sa saya. Masaya ako sa kaibigan ko. Finally, he met his the one.

Bigla ko namang naisip na ako kaya, kailan ko makikilala ang The one ko. Yung taong mamahalin ako ng walang pag aalinlangan.


We spent 2 weeks here in Amsterdam. Nilubos ko ang pamamasyal kasama ang mga kaibigan ko, dahil alam ko pagkatapos nito ay balik na naman ako sa trabaho. At dumating na nga ang araw na magpapaalam na kami sa isa't-isa.

"Kailan ang uwi mo sa Pinas?" tanong ni Charlie.

"Next year." sabi ko.

Sa pagbalik ko sa Pilipinas ay magtatayo ako ng sariling negosyo.



***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon