Chapter 6

1.1K 43 4
                                    

Napansin niya na ang feminine side ko. Parang uminit ang puso ko nang sabihin niya na naging babae ako sa paningin niya ng ilang segundo.

"Haist, kailan kaya siya babalik?" tanong ni Vince habang naglalakad na kami pauwi.

Hindi na sana siya bumalik.

Aaminin ko, na t-threatened ako kay Jenina. Babae siya. Anong laban ko sa nagugustuhan niyang babae? Wala. Ito lagi ang pakiramdam ng mga katulad ko. Wala kaming strength pag ang nakatapat na ay babae sa lalaking gusto mo. Mabuti lamang kung babae ang gusto mo, eh sa lalake ang nagugustuhan ko ngayon.

Gabi nang lumabas ako at umupo sa may malaking bato sa gilid lamang ng gate ng mansyon. Naka earphone ako, nakikinig ng music. Pinapakinggan ko ay mga songs ni Sia.

Napatalon ako sa gulat nang may bumulaga sakin, nabitawan ko tuloy ang cellphone ko. Umalingawngaw ang music na pinapakinggan ko.

Pinatay ko agad ang music.

"Nakakagulat ka naman." Napahawak ako sa dibdib ko na kumakabog ng malakas dahil sa gulat.

Tumatawa lang si Vince na akala mo sobra talagang nakakatawa.

"Yung reaksyon mo kase e, hahahaha!" Hawak niya ang kanyang tiyan habang tumatawa.

Luminga ako sa paligid. Walang tao. Kami lang.

"Nasaan ang mga baklang kasama mo tuwing gabi?" tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko.

"Ewan." kibit balikat niya.

"At anung tuwing gabi, minsan lang kami magkita nun." giit niya.

"Bakit, may kursunada ka doon noh?" panunuya niya sabay siko sakin.

Umasim ang mukha ko.

"Masasarap naman sila, ah este masasarap kasama at nakakatuwa silang kasama." aniya.

Tss, akala niya di ko napansin na nadulas ang dila niya.

"May ml ka ba dyan?" nguso niya sa phone ko.

"Wala." sagot ko.

"Magdownload ka, maganda kaya ang games na yun."

"Ayoko, baka ma-addict ako." Tumango siya.

"Makinig nalang tayo ng music." aniya.

Binigay ko sakanya ang isang pares ng earphone at nilagay namin saming tenga. Inakbayan niya ako. Ang bigat ng braso niya, pero okay lang. Ang bango ng kili-kili niya ah. Ang sarap singhutin.

Naghanap ako ng music na aakma sa mood ko ngayon.

'Lately, I've been, I've been losing sleep
Dreaming about the things that we could be
But baby, I've been, I've been praying hard
Said no more counting dollars
We'll be counting stars
Yeah, we'll be counting stars'

Napalingon ako kay Vince na naghe-headbang at kumakanta na. Memorize ang lyrics ng kanta.

Napatingala ako sa kalangitan. Ang daming mga bituin. May dumaan namang bulalakaw.

"Nakita mo yun?" tanong ni Vince.

Tumango ako.

"Sayang, hindi ako nakapag wish." aniya.

Ako rin.

Pero kung nakahiling ako. Sana siya na. Pero parang ang labo. Hanggang imahinasyon ko nalang yata na maging kami ng lalaking 'to. Parang ang hirap niyang abutin kahit na lagi kaming magkasama.

'Said no more counting dollars
We'll be counting stars
Yeah, we'll be counting stars'

Who would have thought, isang linggo palang kaming makakilala pero may nararamdaman na ako sakanya.

Isang linggo ang nakalipas, nakatatlong beses kaming balik sa malaparaisong tanawin. Inaabangan kase ni Vince ang babaeng natitipuhan niya na si Jenina. Luckily, hindi ito sumipot. Mukhang hindi na babalik.

"Nakakainis naman, hindi na yata siya babalik." kamot ulo niyang sabi.

Malibog ka kase.

I grinned at my own thoughts.

Ako, kahit malibog ka ikaw parin ang gusto kong makasama, kahit oras-oras pa yan.

"Ang mabuti pa, sumisid nalang ako." Tumayo siya at naghubad ng damit at short. Nakaboxers nalang siya. Napalunok nalang ako when I see his bulge. Kahit tulog, malaki parin ah.

"Ikaw, sasama ka ba sakin sumisid?" baling niya sakin. Napaiwas ako ng tingin doon sa boxers niya at tumingala sakanya.

"Ah, sige." sabi ko.

"Sunod ka." Tumakbo siya patungong dagat at lumusong sa tubig.

Naghubad lang ako ng damit at sumunod na sakanya. Humanda ka, sisisirin kita. Charot.

Lumusong lang ako sa tubig. Hindi ako sisisid. Hindi ako marunong. Lumapit sakin si Vince na may dala-dalang malaking shell. Napa-wow ako sa ganda ng uri ng shell.

Binigay niya sakin at bumalik siya sa pagsisid.

Para akong nakatanggap ng bulaklak. Umiinit ang pisngi ko. Hindi nagtagal ay lumapit na siya ulit sakin.

"Sa kahahanap ko ng shell, ang nakita ko pating."

Nanlaki ang mga mata ko. Ginapangan ako ng kaba.

"Joke lang, hahaha!"

Akala ko naman may pating talaga.

Natigil siya sa pagtawa at tumingin ako sa tinitingnan niya. Si Jenina na kumakaway samin.

Mabilis pa sa alas-kwatrong umahon si Vince. Nakalimutan niya yatang nakaboxers lang siya. Sumunod naman ako. Parang bigat ng mga paa ko.

"Long time no see." nakangiting sabi ni Vince.

Inipit ni Jenina ang tumatakas na buhok sakanyang tenga, at umiiwas ng tingin kay Vince. Napansin yata ni Vince ang pag iwas ni Jenina sakanya kaya napatakip ang kanyang kamay sa harapan niya.

"Ngayon lang ako nakapunta rito ulit dahil nag aaral ako." sabi ni Jenina.

Tumango naman kami.

"Wait lang, bibihis lang kami." sabi ni Vince at bumalik kami roon sa pinag iwanan naming damit.

Bumalik kami kay Jenina matapos makabihis na. Nakaupo ito sa ilalim ng nakayukong punong-niyog at nagbubuklat na ng librong dala. Gusto ko sanang sabihin kay Vince na wag istorbohin si Jenina dahil nagbabasa ito ng libro.

Nagulat nalang ako nang kinuha niya sakin ang magandang shell.

"Jenina, sayo na."

"Wow! Ang ganda naman niyan." Kinuha ni Jenina ang shell.

"Thank you." ngiting sabi nito.

Akala ko pa naman binigay niya sakin yun.

Parang nilulukot ang puso ko.

***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now