Chapter 3

1.4K 48 2
                                    


"May chicks pre, oh." nguso ni Vince sa malayo.

May naglalakad ngang babae patungong dagat. Magsiswimming yata. Hinubad ng babae ang kanyang damit.

"Shit!" si Vince. Bumangon siya sa pagkakahiga. Nakatukod na ang isa niyang siko sa buhangin.

Napadako ang mga mata ko sa bakat sa short ni Vince na hinihimas niya na. Hindi na ako sa babae nakatingin dahil sa ginagawa niya sakanyang sarili.

Umiinit na ang pakiramdam ko sa nakikita. Ipinasok niya lang naman ang kanyang kanang kamay sa loob ng kanyang varsity short habang tinitingnan niya ang paglangoy ng babae.

"Alam mo bang crush ko yan, tapos makikita ko na nakapanty at bra lang, shit!" usal niya habang hinihimas niya ang kanyang pagkalalaki.

"Ang hot niya." sabi nito.

Mas hot ka.

Hindi niya alam na sakanya ako nakatingin at hindi sa babae. Parang sinisigaw na ng utak ko na ilabas niya na ito.

Sa pagtampisaw ng babae sa dagat ay nahalata niya na yata na may nanonood sakanya sa malayo. Umahon ang babae at dali-dali siyang nagsuot ng damit.

"Sayang.." si Vince na inalis na ang kamay sa loob ng short.

Naglakad na ang babae paalis hanggang sa hindi na namin matanaw.

"Parang may kumagat na langgam sa junior ko kaya ko kinamot." natatawang sabi niya.

Napangiti din ako. Akala ko, nag aano na siya dyan, yun pala may kumagat lang na langgam.

"Namumula ka." puna niya sakin.

"Huh?"

Namumula na ba ako?

"Siguro ganyan talaga kapag tisoy ano, namumula kapag babad sa araw." aniya.

Tumayo na kami at nagpagpag, sinuot ko na ang damit ko at nagpasya na kaming umuwi.

"Taga saan ba yung babae?" tanong ko habang naglalakad na kami sa gitna ng malawak na garden.

Nagkibit balikat siya.

"Nakikita ko lang siya minsan doon sa dagat nagsiswimming, atsaka hindi ko alam ang pangalan, natotorpe ako eh." aniya.

"Paano kaya pare magpakilala sakanya?" tanong niya.

Ang easy naman ng tanong niya.

"Syempre, lalapit ka sakanya para magpakilala." natatawang sagot ko.

"Tulungan mo naman ako oh." aniya.

Wew! Sakin pa talaga siya humingi ng tulong.

"Ayun siya." turo niya sa malayo.

Natanaw nga namin yung babae. Nakaupo siya sa ilalim ng puno na nagbabasa ng libro.

"Sige, lapitan natin." sabi ko.

"Teka," Sinuot niya ang kanyang jersey shirt at nag aayos siya ng kanyang buhok.

"Guwapo na ba?" tanong niya sabay kindat.

Kumabog ang dibdib ko.

"Oo naman, ang guwapo mo kaya." sabi ko.

Pasimple ko siyang hinawakan sa kamay at hinigit. Mukhang nahihiya parin dahil ang bagal niyang maglakad.

Ang torpe niya naman.

Nakalabas na kami ng garden at lumapit na kami sa babae.

Napatingin ang babae samin at nahihiyang napaiwas ng tingin.

"Hi!" sabi ko.

Tumingin ako kay Vince na tahimik lang.

"Uhm, pwede ba kaming makipagkaibigan sayo?" tanong ko.

"P-pwede naman." maliit na boses niya.

"Ako si Axel, at heto naman ang kaibigan kong si Vince." pagpapakilala ko.

"Ako naman si Jenina." pakilala niya.

Si Vince ay ngumiti ng pagkatamis-tamis. Oh, ayan, ako pa talaga ang ginawa niyong tulay.

Naglahad si Vince ng kamay at tinanggap naman ito ni Jenina. Inipit nito ang kanyang takas na buhok sa tenga. Napapasinghap ako. Naalala ko, nakalimutang maghugas ng kamay nitong si Vince pagkatapos niyang hawakan ang ano niya.

"Ah, swimming tayo." Nagulat ako sa sinabi ni Vince. Akala ko ba uuwi na kami?

"T-tapos na akong magswimming." sabi ni Jenina. Napansin kong iba na ang suot niya. Nagpalit yata ng damit kung saan.

"Ah, sige, next time nalang. Taga saan ka pala?" tanong ni Vince.

"Taga ibang bayan ako at namamasyal lang ako rito at pamangkin ako ng may ari nitong garden." sagot ni Jenina.

"Ahh.." Tumango kami.

Umupo rin si Vince sa malaking ugat.

Wala pa yatang balak umuwi nito. Mukhang popormahan pa si Jenina. Nagsisisi na ako na pinakilala ko siya, ayan tuloy. Tsk!

"Silong muna tayo dito pare, ang init." aya ni Vince. Tumango ako at tumabi sa kanya. Ilang dangkal ang layo namin kay Jenina.

"Ano yang binabasa mo?" tanong ni Vince.

"A walk to remember by Nicholas Sparks." sagot ni Jenina. Tumango si Vince.

Nag uusap na sila ng kung ano-ano.

Naboboring na ako sa usapan nila. Tumayo ako at nagpagpag.

"Gusto mo ng umuwi?" tanong sakin ni Vince. Lumingon sila sakin.

"Oo." sagot ko.

"Alam mo ba ang daan pauwi?" tanong niya.

Wag niyang sabihin na papauwiin niya akong mag isa. How dare him!

Tumayo si Jenina at kinuha ang kanyang bag.

"Uuwi narin ako."

"Sige, sabay-sabay na tayong umuwi." si Vince at tumayo narin.

Nagsimula na kaming maglakad. Tuloy parin ang kuwentuhan ng dalawa ng kung anu-ano.

Haist! Nagsisisi talaga ako na pinakilala ko sila sa isa't-isa. Parang na-out of place tuloy ako.

Saklap.

***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now