Chapter 8

1.1K 39 3
                                    

May bagyo nga na paparating sa sumunod na mga araw. Dinig ko ang ingay ng mga nagpupokpok gamit ang martilyo, mga naghahanda na sa paparating na bagyo. May mga nakikita akong nag aani na ng mga gulay at nag aayos ng bubong sa kanilang bahay at dinadaganan nila ng mabibigat na bagay para hindi lumipad ang bubong, tulad ng sako na may lamang buhangin.

Pumunta ako kila Vince. Nakita ko si Vince na dinadaganan niya ng ilang sako ng buhangin ang kanilang bubong. Tinutulungan naman siya ng kanyang kapatid na lalake, at ang kanyang ama naman ay abala sa paglalagay ng trapal sa kanilang bintana.

"Pwede naman po kayo mag evacuate sa mansyon." sabi ko kay Mang Nikolas.

"Ayos lang ba sayo hijo?" nahihiya niyang tanong.

"Okay lang naman po sakin." ngiti ko.

"Yehey! Titira tayo sa mansyon." magiliw na sabi ng bunsong anak niya.

Sinaway naman siya ni Mang Nikolas. Ngumiti nalang ako at nagtama ang mga mata namin ni Vince na bumaba na ng bubong. Nakahubad ng damit na pawis na pawis.

"Bumabaha po ba dito?" baling ko kay Mang Nikolas.

"Hindi naman, kaso may mga natutumbang mga punong kahoy kapag malakas talaga ang bagyo." sagot nito.

Tumango ako.

"Takot ka lang eh, kaya gusto mong may kasama." natatawang sabi ni Vince.

"Hindi ah, concern lang ako sa pamilya mo." sabi ko. Which is true naman. Mag isa lang naman ako sa mansyon, at sa tingin ko, mas safe doon.

"Pwede bang samahan mo akong mamalengke sa bayan?" tanong ko sakanya.

"Oo naman boss." Nagsaludo pa siya sakin.

Sumakay kaming tricycle ni Vince papuntang bayan. Nagwithdraw ako ng pera sa automated machine, buti talaga at meron nito sa bayan na 'to dahil kung wala ay pupunta pa kami ng ibang bayan.

Bumili na kami sa grocery store ng mga pangangailangan. Bumili din kami ng kandila, gasera at flashlight. Medyo marami-raming tao dahil nagpapanic buying na. Vince insisted na siya na ang magbubuhat ng mga nabili namin. Pumunta kami sa palengke para bumili ng karne, gulay at mga kasangkapan nito.

May mga ilan namang bumabati kay Vince. And I saw some teenage girls giggled to Vince.

"Ikaw pala yan classmate." bati ni Vince sa dumaang babae na kaedaran lang namin.

"Sino yang kasama mo?" rinig kong tanong nito.

"Kaibigan ko, si Axel." sagot ni Vince.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagpili ng gulay na talong.

"Ito malaki." Kinuha ni Vince ang isang talong na malaki nga at nilagay sa kiluhan.

"Pwedeng kwarenta nalang ang kilo Ms. Beautiful?" tawad ni Vince.

"Wag ka ng tumawad." ngisi ko.

"Sige, basta ikaw." sabi ng tindera na parang kinilig. Inipit pa nito sa tenga ang takas na buhok.

"Salamat Ms. Beautiful." Kumindat sakanya si Vince. Kita ko ang pamumula ng babae. Talandi.

Mukhang hindi lang si Vince in the service ng mga bading, mukhang crush pa ng bayan.

Matapos makabili ay niyaya ko na si Vince sa isang resto at kumain ng meryenda.

"Sa karinderya nalang tayo, ang mahal ng pagkain dito." aniya.

"Ayos lang, hindi naman ikaw ang magbabayad." nakangising sabi ko.

"Sige, bahala ka, nagugutom pa naman ako."

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now