Chapter 9

1K 37 1
                                    

Nagising akong umaga na at naramdamang may nakadagan sa katawan ko. Binti pala ni Vince. Ginawa niya akong bolsters. Paglingon ko sa lalake ay mahimbing parin ang tulog nito. Dahan-dahan kong inalis ang binti niya na nakadagan sa katawan ko. Naalimpungatan naman siya. Nagulat ako nang pumasok ang kanang kamay niya sa loob ng kanyang short para hawakan ang pagkalalaki, na para bang chini-check kung nandyan pa. Unti-unting nagmulat ang kanyang mga mata. Umiwas agad ako ng tingin sakanya, at bumangon na.

Binuksan ko na ang bintana at bumungad ang napinsala ng bagyo. May natanaw akong mga punong kahoy na natumba. Ang dating malalagong dahon, ngayon ay maninipis na.

"Umaga na pala, kakamustahin ko yung bahay namin." sabi ni Vince.

Sumunod naman ako sakanya sa paglabas ng mansyon at pinagmamasdan ang paligid.

Haist! Ang daming lilinisin. Napailing nalang ako.

Nang makarating sa bahay nila, naabutan namin si Mang Nikolas na inaalis ang trapal na nakatapal sa bintana.

Wala naman gaanung nasira sa kanilang bahay. Buti hindi natumba yung punong mangga sa tabi lamang ng bahay nila.

Sinimulan ko ng maglinis sa labas ng mansyon matapos naming mag agahan. Tinulungan naman ako ni Vince maglinis at binalik na ni Mang Nikolas ang kanilang baka sa bakuran ng bahay nila. Sinabi ko sa kanilang unahin ang paglinis sa bahay nila, at ang sabi ni Vince ay kapatid nalang niya ang siyang maglilinis.

Walang kuryente. Buti nalang at may generator pala ang mansyon. Kung hindi pa ako pumunta ng bodega, hindi ko pa makikita ito. Bumili ako ng gasolina sa bayan at pinagana ko ito nang gumabi na. Madilim ang labas. Tanging gasera ang nakikita kong ilaw sa mga bahay. Lumabas ako para bumili ng toothpaste. Napatili ako nang ginulat ako ni Vince na nasa labas ng mansyon. Hawak ang kaniyang tiyan habang tumatawa. Napailing nalang ako at napangiti.

"Para kang bakla nung nagulat." tawa niya.

Sinamahan niya naman ako papuntang tindahan. May mga nakatambay doon na mga bakla. Nakilala ko ang dalawa na si Queenie at Jc.

"Hi, mga pogi." sabay-sabay nilang bati.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila. Habang bumibili na ay narinig ko ang pinag uusapan nila.

"Sige, mamaya." rinig kong sabi ni Vince.

Parang alam ko na ang pinag uusapan nila.

"Wuy, wag yan, mahiya kayo." sabi pa ni Vince, parang ako na ang pinag uusapan.

Tumalikod na ako nang makabili na, naramdaman kong nakasunod sakin si Vince.

"Anong sabi mo sa kanila na mamaya?" maang-maangan kong tanong.

"Ano, mag iinuman daw." aniya.

Tumango ako na nakakurba ang labi.

Mag isa ako sa mansyon habang nanonood ng palabas sa tv. Reality show siya pero nang sumunod na palabas ay horror kaya pinatay ko na ang tv.

Naisip ko si Vince. Tiyak, nakikipag inuman na yun kuno. Parang hindi ako mapakali kaya lumabas ako ng mansyon at umupo ako sa nakatumbang kahoy sa labas ng gate. Nagbukas nalang ako ng facebook account ko. In-accept ko na ang friend request ni Vince, at inistalk ko na siya. Bihira lang siyang magpost ng picture. Ang dp niya ay matagal ng hindi napapalitan na ang larawan ay shirtless siya at nakapamulsa.

Kinamusta ko naman ang mga kaibigan ko, nagreply naman agad sila na ayos lang ang kanilang mga love life. Buti pa ang mga 'to, mga malulusog ang relasyon. Pinilit ako ni Charles kung sino raw ang nabebetan ko rito sa probinsya. Ayaw ko man pero sinabi ko na ang pangalan.

Hindi nagtagal ay nagchat na sakin si Charles.

'Gosh! Ang HOT niya. Mukhang daks.'

'Ang landi mo, may bf ka na, isusumbong kita.' reply ko.

'Charot lang, ano na, lawayan mo na yang hombre na yan, larawan palang, tulo-laway na.'

'Sis, di ko sya ma-reach.'

'Atleast, kahit matikman manlang.'

Napailing nalang ako at natatawa sa chat ni Charles.

Nakakahiya ang mga pinagsasabi niya.

Mahigit isang oras akong nakatambay mag isa sa labas. Nag log out na ako. Matutulog na daw kase ang mga ka-chat ko. Nakatingala lang ako sa kalangitan. Ang daming bituin at bilog na bilog ang buwan.

Nagulat nalang ako nang may bulto ng lalake na naglalakad. Parang si Vince? At tama nga ako, siya nga. Naamoy ko agad ang alak sakanya.

I wonder, may mangyari na kaya sa kanila nung mga bakla?

"Nandito ka pala." aniya. Bakas sa boses niya na lasing na siya.

Umupo siya sa tabi ko at umakbay sakin.

"Hindi ka pa natutulog?" tanong niya.

"Ah, hindi ako makatulog e." sabi ko sabay sulyap sa oras sa phone ko. Pasado alas-onse na.

Tumango siya.

"Lasing ka na, umuwi ka na." sabi ko.

"Ayaw ko pang umuwi."

"O kaya, sa mansyon mo nalang ako patulugin." aniya pa.

Nagulat ako. Biglang kumalabog ang puso ko.

Ba't bigla akong kinabahan?

"Ah, p-pwede naman."

"Sige, sa mansyon mo nalang ako matutulog." aniya.

Napalunok ako.

"Teka, alam ba ng papa mo na matutulog ka sa mansyon?" tanong ko.

"Oo, alam niya, nagpaalam ako." aniya.

Weh!

"Tara." Tumayo na siya.

Pasuray-suray naman si Vince na naglalakad papasok ng mansyon. Umakbay siya sakin. Muntik pa kaming matumba dahil sumasandal siya sakin. Ang bigat niya kaya.

"Sa kama mo ba ako papatulugin?" tanong niya habang umaakyat na kami ng hagdan.

"Ikaw, bahala ka." sabi ko.

"Shige, tabi nalang tayo, takot akong matulog mag isa e." aniya.

Pumasok na kami ng kwarto ko.

Bumagsak agad si Vince sa kama at dahil mabigat siya ay nakasama ako sa pagbagsak niya. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkalabog ng puso ko nang maglapat ang aming mga labi. Ramdam ko ang lambot ng kanyang labi sa labi ko. Lalo pang nagulat nang gumalaw ang kanyang labi. I tasted a mixture of mint and alcohol on his lips.

Natauhan na yata siya at nanlaki ang mga mata. Bigla akong lumayo galing sa pagkakadagan sakanya at tumayo.

"Haist! Akala ko si... Jenina ang kahalikan ko." nakangiti siya habang umiiling.

Pumikit na ang kanyang mga mata.

Napahawak nalang ako sa labi kong parang nabitin sa mga halik niya na anim na segundong tumagal.

***




Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now