Chapter 23

955 38 2
                                    

"Baka maligaw tayo." sabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad sa kakahuyan. Medyo madilim ang kapaligiran dahil natatakpan ang araw ng matataas na punong kahoy.

"Saulado ko na ang lugar na 'to." aniya.

Tanging ang ingay lang ng tuyong dahon na natatapakan namin at kuliglig ang naririnig. This place you will feel the relaxing vibes but at the same time it's scary, baka may mabangis na hayop kaming makasalubong.

"Bakit di mo pa binebenta ang mansyon mo?" tanong niya.

"Saka na, kapag kailangan ko na talaga ng pera." sagot ko. Tumango siya.

"Ang tagal ko na palang hindi nakakapunta dun." sabi ko.

"Namimiss ko na nga ang lugar na yun eh." aniya.

"Babalik ka pa sa Sta. Elena?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Ewan."

May naririnig na akong lagaslas ng tubig. Mukhang malapit na nga kami sa sinasabi niyang paraiso. Palakas na ng palakas ang naririnig kong lagaslas ng tubig.

"Wow!" manghang sabi ko nalang nang makita na ang napakataas na waterfalls. It's a breathtaking view. Ang tubig ay kulay kristal, napakalinaw. Parang umuusok ang binabagsakan ng tubig. Parang ang sarap lumangoy.

"Ganda."

It's looks like an enchanted falls.

"Kapag gusto kong magrelax, dito ako pumupunta." aniya.

Bigla naman siyang naghubad ng damit.

"Langoy tayo." anyaya niya. Napatingin ako sa magandang katawan niya na parang batak sa pag g-gym.

"Wala akong dalang damit."

"Edi, pahiramin kita."

"May tao bang nakabantay dito?" tanong ko.

"Wala." aniya.

"Sumunod ka nalang." Lumapit na siya doon sa cliff at naghahanda ng tumalon.

"Wala ba dyang crocodile?" tanong ko.

"Wala. Wag ka ngang paranoid." natatawang sabi niya. At tumalon na siya sa tubig.

Sumungaw ang ulo niya at ginulo ang buhok. He so freaking handsome talaga.

"Tara." Kinumpas niya ang kanyang kamay na niyayaya ako.

Napakamot ako sa batok at tumango na. Hinubad ko ang damit ko at nilagay doon sa malaking bato.

"Sexy naman."

Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago tumalon sa tubig.

"Woah! Lamig." sabi ko pagsungaw ng ulo ko mula sa napakalalim na tubig.

"Mawawala din yan lamig kapag nasanay ka ng babad sa tubig." aniya.

Buti nalang at marunong naman akong lumangoy. Lagpas tao ang lalim ng tubig.

"Doon tayo." turo niya sa binabagsakan ng tubig.

"Hindi ba delikado?" tanong ko.

"Hindi. Parang minamasahe lang ang katawan mo ng tubig." aniya.

Sumunod ako sakanya. Tumapak siya sa malaking bato at sinalubong ang tubig na bumabagsak.

"Woah! Saraaap." sabi niya. Hinahawi niya ang kanyang buhok sa noo pataas. Napatingin naman ako sa kili-kili niya. Parang mas masarap yata yun. Napailing ako sa naisip at lumapit na ako sakanya. Nilahad niya ang kanyang kanang kamay sakin, tinanggap ko naman ito. Pareho na kaming nakatayo sa bato at sinasalubong ang pagbagsak ng tubig. Para nga talagang minamasahe ang ulo at likod mo. Ang sarap sa pakiramdam.

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Where stories live. Discover now