Chapter 18

986 39 1
                                    

Isang linggo na ang nakalilipas mula ng mamatay si Vince. Parang isang bangungot at hindi pa ako nagigising sa katotohanan na wala na talaga ang lalaking minahal ko.

I will never get tired seeking for justice. Gagawin ko ang lahat upang makamit ang hustisya para kay Vince.

Kahit ako ay nahingan ng impormasyon ng mga pulis sa imbestigasyon. Sinabi kong hindi ako sumama dito ay dahil sa pagkakaalam ko ay may date si Vince sakanyang nobya. Si Jenina rin ay hiningan din ng impormasyon. Hindi siya pumunta dahil may klase pa ito.

Wala raw witness sa karumal-dumal na pagpatay kay Vince. Natagpuan nalang itong wala ng buhay sabi ng unang nakakita. Matandang lalake ito na napadaan sa tabing-dagat upang kumuha ng buko.

Iwinawagayway ang buhok ko pagpunta ko sa dalampasigan. Para bang may yumakap sakin dahil sa biglaang pag ihip ng malamig na hangin. Umupo ako sa baybayin at natulala nalang sa dagat. Iniisip ko ang masasayang alaala kasama siya.

Nakakamiss ang kanyang mga ngiti, mga biro, ang kuwentuhan namin. Lahat namimiss ko sakanya. Namalayan ko nalang na nangingilid ang luha ko. Ang sakit-sakit parin ng kanyang pagkawala. Hindi ko akalain na sa paraisong ito mangyayari ang magimbal na karahasan. From the beautiful sunset, blooming flowers, peaceful place, I think now, this is already a hell.

Tumayo na ako at pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko. Hindi na ito ang paraisong minahal ko. Ito na ang huling pag apak ko sa lugar na ito.

Naglakad na ako paalis. Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang mga namumukadkad ng mga bulaklak bago talikuran ang paraisong nakakapagpaalala sakin sa malagim na pangyayari.

Gigising sa umaga, kakain, maglilinis, matutulala, manonood ng tv, 'yan ang gawain ko sa buong araw. Sobra na akong nababagot. Minsan naman ay pumupunta ako kila Mang Nikolas para kamustahin sila. Kita sa kanilang mga itsura ang pagdadalamhati.

Naiinis na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin sa paghahanap ng hustisya para kay Vince. Ipapaubaya ko nalang ba sa mga pulis? Baka mapahamak lang ako kung pakikialamanan ko ang pag iimbestiga ng mga pulis sa krimen.

Hinanap ko ang facebook account ni Jenina at nakita kong may isang post doon. Jenina Marquez is with Leo Del Carmen. Pinost ito last month pa. Magkasama silang kumakain sa isang resto. Itong lalaki ang pinaghihinalahan kong pumatay kay Vince. Anak pala siya ng Congressman nitong bayan.

Fvck! Shit!

Makapangyarihan pala ang angkan nila. Iniiscroll ko na kasi ang wall ng account nung Leo Del Carmen. May larawan siya kasama ang kanyang pamilya. They were screaming of power.

Problemado akong napasapo sa noo ko at hinilamos ang mukha gamit ang palad ko. Napailing ako.

Kung mangbibintang ako ng walang sapat na ebidensya, ako pa ang makakasuhan nila.

"Bakit gusto mo akong makausap?" tanong ni Jenina. Nandito kami sa isang resto sa bayan. Minessage ko siya sa facebook na mag usap kami. I could see the tiredness on her face.

"Wala ka pa bang pinaghihinalahan sa pumatay kay Vince?" tanong ko.

Umiling naman siya. "I let the police do their investigation."

Mariin ang labi kong tumango.

"Nasaan pala ang dating manliligaw mo?" tanong ko. Kinabahan ako sa tanong na yun.

"Nasa Maynila siya." sagot niya.

"Kailan pa?" tanong ko agad.

"Nabalitaan ko nalang na nandun siya."

"Di naman siya nagalit na hindi mo siya sinagot, na pinili mo si Vince?" marahan kong tanong.

"Hmm, hindi naman, natanggap niya naman agad." saad niya.

Tumango ako ng dahan-dahan.

Play safe amputa! Ang galing niya ah.

Dumating na ang inorder namin. Pagkaalis ng waiter ay kita ko ang pangingilid ng kanyang luha sa mga mata.

"Namimiss ko na siya." malungkot na sabi ni Jenina. Tumulo ang kanyang luha at pinahid agad ng kanyang panyo.

Nahahawaan naman ako ng kanyang iyak. Nangilid ang mga luha ko at parang pinipiga ang puso ko.

Hindi naman kami nagtagal. Pabagsak akong umupo sa sofa sa sala ng mansyon. I'm so exhausted.

Kanina pa tumatawag ang kaibigan ko. Ngayon ay sinagot ko na.

"Bakla, ano na, kamusta ka na dyan?" pangangamusta ni Charles.

Humugot ako ng malalim na paghinga.

"Heto, malungkot." pag amin ko.

"Huh? Bakit? Dahil ba hindi ka pinili ni Vince at babae ang gusto niya?" tanong niya.

"Wala na siya." sagot ko.

"Anong wala na siya?" taka niyang tanong.

"Rest in paradise na siya." malungkot kong saad.

"What?!" gulat na tanong niya.

Pinaliwanag ko sakanya ang nangyari. Kahit hindi niya pa kilala ang lalake ay nagulantang siya sa nangyari dito.

Nagbago ang tono ng boses niya matapos kong sabihin ang nangyari, naging simpatya na ang tono ng kanyang boses.

Nakapagdesisyon na ako, aalis na ako sa lugar na 'to. Babalik na ako ng Maynila. Pero hindi ibig sabihin nun na tapos na, na bigo akong hanapin ang hustisya para kay Vince. Hahanapin ko ang Leo na yun sa Maynila. Hahanap ako ng ebidensya na magpapatunay na ito ang suspek sa pagkamatay ni Vince.

"Mag iingat ka iho." sabi ni Mang Nikolas habang nagpapaalam na ako.

Ngumiti ako sakanila. "Kayo rin po. Umaasa po akong makakamit ang hustisya kay Vince."

We hugged each other. He tap my shoulder. At nang kumalas kami sa pagyakap ay maluha-luha na kami. Parang may bato sa lalamunan ko, nahihirapan akong lumunok ng sariling laway.

"Tapusin niyo ang pag aaral niyo ah." baling ko sa dalawang kababatang kapatid ni Vince. Nakangiti naman silang tumango. Ginulo ko pa ang mga buhok nila.

"Babalik po ako rito." sabi ko kay Mang Nikolas.

Nang makasakay na ako ng tricycle bitbit ang bagahe ko, kumaway ako sa kanila at kumaway din sila pabalik.

***

Take Me To Paradise (BxB) (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu