CHAPTER 23: Banana Pancakes

18.7K 188 17
                                    

Kay bilis lang lumipas ng araw… Isang linggo na siyang nasa palasyo… At sa isang linggong ‘yon, para na lang siyang isang robot… Patuloy pa rin ang mga trainings… Mas pahirap ng pahirap ang mga pinapagawa sa kanila… Pero tahimik na lang siyang sumusunod… Bihira na rin silang i-train ng prinsipe… Kadalasan ay nag-oobserba lang  o kung wala naman ay busy pa sa ibang mga duties nito…

Marami ang nakapaligid sa kanila at parati silang tinuturuan. Maliban sa physical skills ay may mga classroom lectures rin. Tinuturo roon ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang prinsesa, mga proper manners, mga bawal nilang kainin dahil nakakataba, dapat daw bilangin nila ang mga calories na kinakain nila. Sinasabi rin doon ang mga gusto at hindi gusto ng prinsipe…

Lahat na lang ng ginagawa nila ay para sa prinsipe… para sa ikatutuwa ng prinsipe… para paglingkuran daw ito… Naisip niyang hindi dapat ganon… Hindi ‘yon ang tama… Pero in the first place, hindi rin naman talaga tama na gawing paligsahan ang paghuli sa puso nito…

Sa kasalukuyan ay nasa kusina siya at pinaghahanda ng almusal ang prinsipe… For the past few days, naka-schedule na sila sa paglilingkod dito… At ngayon nga ang schedule niya… Maraming sosyal na niluluto ang mga kasamahan niya… Pero wala naman siyang alam kundi mga simple lang…

Katulad na lang ngayon, banana pancakes at hot choco lang ang ginawa niya… Ito lang ang alam niyang medyo disenteng almusal… lalo na at ito pa ang paborito nilang kainin ng kapatid at….. ni DJ…

Sa pagkakaalala dito ay nakapa niya ang nasa bulsa. Saka sumulyap sa isang kasambahay na nasa kusina… Kapitbahay lang nila ito sa Aysgarth…

Kathryn: Uhm… Aling Salve…

O, Kathryn… Ano ‘yun? May kailangan ka ba? May kulang ba jan sa almusal ng prinsipe?

Kathryn: Ah… Wala na po… May papakiusap lang po sana ako… Kung pwede po sana, pakibigay sa kapatid ko ‘tong sulat…

Iniaabot na niya dito ang isang puting sobre…

Ano ba ‘to?

Kathryn: Anjan po ‘yung konting pera para sa mga pangangailan nila… S-Saka may sulat din po jan para kay Nash… Sana maiabot niyo po agad…

Naku!… Walang problema, Kathryn… Makakarating ‘to agad… Tamang-tama, mamaya ang uwi ko dun… O, siya sige… Iwan na muna kita ha at may mga kelangan pa ‘kong ayusin…

Kathryn: Salamat po…

Nang makaalis na ito ay hiniling niyang sana sumagot agad ang kapatid… May mga bagay na gusto siyang malaman dito… gustong makumpirma… Sa mga nakalipas na araw, unti-unti nang nagiging buo ang desisyon niya…

Bahagya siyang nataranta nang marinig ang isang alarm… Hudyat iyon ng prinsipe na gising na ito at naghahanap na ng makakain… Nagmamadali na niyang ginayak ang almusal at umakyat na sa mataas na hagdanan patungo sa kwarto nito…

Pagdating niya sa labas ng pintuan ay nakita siya ni Bianca at Lavinia…

Bianca: Bes, tingnan mo oh… Ang liit ng dalang tray… Ni walang designs or style…

Natatawa nitong sabi…

Lavinia: Ginawa atang fastfood eh… Pero teka, are you sure malinis ‘yan?

Nagtawanan na ang dalawa…

Kathryn: Excuse me…

Pipihitin na niya ang doorknob…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now