CHAPTER 36: The Tournament (Part 2)

15.7K 254 93
                                    

Two nights with no sleep… She can’t sleep… Not if her life is just barely holding on… In this case, she’s literally holding onto a tree…

Sofia: Kath, parang wala na yata sila sa baba…

Alam niyang kanina pa nakaalis ang mga hayop. Sinisiguro lang niyang hindi na nga babalik ang mga ito.

Kathryn: Tama ka… Wala na sila, Sofia…

Sofia: So, p-pwede na kaya tayong bumaba? Kasi gusto ng sumuko ng mga kamay ko eh…

Muli siyang lumunok. She knows she’s already dehydrated… Sumulyap siya sa katabing puno… Kanina pa niya pinapansin ang paggalaw ng maliit na camera…

Kathryn: S-Siguro nga… dapat na tayong bumaba…

_______________________________

Ipinagpapatuloy lang nila ang mabilis na pagtakbo… Hindi nila alam kung saan ang tamang direksyon. Everything just looks the same. But one thing is for sure, they need to run… The trauma they had yesterday is still too much… They don’t want any more hordes of monsters today…

Sofia: Kath, I think we need to stop!... Pagod na ako!...

Napahinto siya at lumingon dito. Alam niyang tinulungan siya nito kahapon. But what are they now? Surely, they can’t be allies. They’re still in the game. Technically, Sofia is an enemy. They can’t be together…

Kathryn: Umm… Sige, magpahinga muna tayo sandali…

Lumapit sila sa dalawang puno at sabay na isinandal ang mga pagod na likuran… Dapat niyang kausapin ito… But she needs to say it nicely… Humugot siya ng malalim na buntung-hininga… Nasa aktong magsasalita na siya nang bigla siya nitong inunahan…

Sofia: K-Kath… Maraming salamat kahapon ha…

Napakunot siya…

Kathryn: Huh? Bakit ka nagpapasalamat? Ako nga dapat ‘tong magpasalamat eh… Kung hindi ka nagsisigaw kahapon na tumakbo ako siguradong nilapa na ako ng mga ‘yun…

Umiling ito…

Sofia: Hindi… Baka ako nga nilapa ng mga ‘yun kung hindi mo ako hinila pataas sa puno… Kahit nagtatatakbo pa ako, you know I cannot outrun them for so long…

Thinking about the hordes of tigers again… Mas mababagal nga ang mga ito… Hindi kaya kasama rin ang mga ito sa pagmamanipula ng laro? Maybe there’s some microchip attached to them or something…

Kathryn: Sofia, pano mo pala nakita yung mga ‘yon kahapon? Hinabol ka na lang ba nila bigla nung nakita ka nila?

Sofia: Y-Yun nga rin ang isang pinagtatakahan ko eh… Nung una, hindi ko sila napansin… k-kasi nakatingin ako sa telescope ko… natanawan kitang nakaupo sa lupa… t-tapos wala yung malaking bag mo… Napansin ko na parang may mali… Lalapitan na sana kita… P-Pagbaba ko ng telescope… n-nakita kong nakapalibot sila sakin… Hindi ako makagalaw… Right there, a-alam ko, that will be the end of me… P-Pero napansin ko, hindi sila nakatingin sakin… They were looking forward… All of them were growling like they want to kill something b-but it seemed like they didn’t want me… The moment I looked to where they’re staring at… T-They’re looking at you…

Ipinikit niya ang mga mata sa narinig… She’s right… It’s a trap… A trap made specifically for her…

Sofia: K-Kaya ano pa nga bang dapat kong gawin ‘di ba? I ran… I ran toward you… Dun na rin sila nagsimulang tumakbo… They could just kill me, Kath… I swear, hindi lang miminsan na nakasabay ko sila sa pagtakbo… I actually didn’t outrun them… So, I just shout at you… t-to warn you…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now