CHAPTER 8: Wishing Star

20.2K 210 39
                                    

DJ: Nash… Ate mo?

Nash: Nasa taas…

DJ: Nasan nanay niyo?

Nash: Nasa palasyo…

DJ: Uuwi ba siya ngayon?…

Nash: Syempre hindi… gabi na eh…

DJ: Akyat na ‘ko sa taas ha?

Nash: Eh ‘di umakyat ka lang…

Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa mula sa kanyang kwarto. Maya-maya lang ay bumukas na ang kanyang pintuan. Nakasilip na agad doon ang kaibigan…

Kathryn: Alam mo, uso naman ang kumatok eh…

Tuluyan na itong pumasok sa loob at kampanteng nahiga sa kanyang kama…

DJ: Eh hindi uso sa ‘kin eh…

Pinapanood lang siya nito habang nag-aayos siya sa harapan ng salamin… Naabutan siya nitong nakabukas pa ang mahabang zipper ng bestida niya sa kanyang likuran kaya alam niyang nakikita nito iyon… Agad naman niyang itinaas. Pero sadyang hindi kayang maabot ng kanyang mga kamay…

Tumayo naman ito. Saka lumapit sa likuran niya… Ito na ang humawak sa zipper at dahan-dahan iyong itinaas… Nakatingin lang siya sa repleksyon nito…

Nang maitaas na nito iyon ay sumulyap din ito sa salamin… Hindi niya mabasa ang reaction nito…

DJ: …. B-Buti naman nagsuot ka na rin ng bra…

Patay-malisya nitong sabi. Pero tila hindi tugma iyon sa nakikita niyang expression nito…

Kathryn: O-Oo naman noh!... Mahirap na… Baka masilipan na naman ako… Teka nga! Bakit ba dire-diretso ka na lang dito? Pwede ka namang maghintay sa baba ah…

Bumalik na ito sa pagkakahiga sa kanyang kama…

DJ: Alam ko namang magtatagal ka eh… Kaya higa na lang muna ‘ko…

Hindi na niya ito pinansin at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin…

DJ: Ang ganda ng ayos mo ngayon ah!

Napangiti agad siya.

Kathryn: Talaga?... Regalo ‘to ng kaklase ko nung Chrismas program namin… Buti na lang pala tinanggap ko…

Napakunot ito…

DJ: Bakit? Lalaki ba ‘yung nagbigay? Manliligaw mo ba, ha?

Kathryn: Hindi naman manliligaw… Crush lang daw ako…

DJ: Crush?! Eh kung crush-crush-in ko kaya pagmumukha nun?! Ano bang pangalan ha?

Kathryn: Sus! ‘Wag mo ng alamin! Buti pa, punta na tayo sa perya at gumagabi na…

DJ: Palitan mo na lang kaya ‘yang damit mo… Tutal ang iksi na naman eh! Saka kaya ka lang naman nun niregaluhan para makita niya ‘yang legs mo!

Mukhang hindi na maganda ang timpla ng mood nito.

Kathryn: Ano ka ba, DJ?... ‘Wag ka na ngang mag-inarte! Saka wala na rin akong maisusuot na iba dahil lumang-luma na po lahat… Kaya let’s go! Let’s go na po!

Nang nasa ibaba na sila ng bahay ay binilinan na muna niya ang walong taong gulang na kapatid na ‘wag ng lumabas ng bahay…

Kathryn: Nash! Matulog ka na rin mamaya ha… Siguraduhin mong naka-lock ‘yung mga pinto…

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now