CHAPTER 8: Food Tray

1.5K 49 21
                                    

University of Hawaii, West Oahu...

Ang unang nakasulat sa registration paper na hawak ko. Ito ang unang araw ko sa bagong eskwelahan. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Geeko at ganun na lang kadali niya ako naipasok sa university, but I was right about him. He knows a lot of stuffs. I know I'm dealing with a criminal. Pero sa kasalukuyan kong sitwasyon, kailangan kong kumapit sa kung sinumang maaaring makatulong sa akin. Besides, being a criminal doesn't make him my enemy. In my case, it could rather be the opposite... those that I think are my allies could be my worst enemies.

"Kairi?!"

Hindi ko pa man siya tingnan ay alam ko na kung kanino galing ang boses. Nilingon ko siya and I was right. Nakakunot ang noong nakatingin sa akin si Marion at halatang gulat na gulat.

"Oh, hi Marion... What's up?" Nakangiti kong sabi.

"What's up? Seriously that's what you're gonna say to me?"

Ako naman ang napakunot, "What do you want me to say?"

"Kairi, you've been missing for days! I am just about a phone call away from calling mom. I know I should've done it sooner, but guess what, I'm a bitch..."

Tumingin ako sa bagong bili kong relo, "Hey, listen. I'm gonna be late for class. So I'll just chat up with you later." Nagsasalita na akong palayo.

"W-What?! Late for class? What do you mean late for..."

"See ya, Marion!" Binilisan ko ng humakbang palayo.

_______________________

Inabot pa ako ng ilang oras para lang maisaayos ang sistema ng unang araw ko sa klase. Pero sa kabuuuan ay naging maayos naman ang transitioning. Kinailangan ko rin ng ilang beses ang tulong ni Geeko para lang ma-coordinate ang lahat which only goes to show na isa talaga siyang maimpluwensiyang tao.

Sa ngayon ay kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa campus habang patuloy na sinasagot ang mga walang sawang tanong ni Marion sa akin. Isa sa mga rason kung bakit ako pumasok sa university ay para mapalapit sa kanya at higit na makakuha ng mga clues kung ano nga ba ang tunay na nangyayari. But Marion is an annoying person. Kaya mahirap para sa akin na pakisamahan siya.

"You really aren't gonna tell me where you've gotten the money, are you?"

"No," maikli kong sagot.

"But what will mom say when she'll find out about this?"

Nagkibit-balikat ako, "I don't know. Just tell her I got a scholarship or something."

"Why don't you tell her yourself? Besides, you haven't spoken to her for ages."

Napabuntung-hininga na ako, "Know what, I'm getting tired of this conversation. Let's just change the topic and tell me more about this school instead."

Tumaas ang isa niyang kilay, "What do you want to know about this school? There's nothing that you haven't heard before..."

"Refresh my memory, Marion. I happen to have quite an amnesia, in case you haven't noticed." Pasarkastiko kong sabi.

Inikot niya ang mga mata sabay buntung-hininga, "Okay, fine!" She paused, then... "This university is only for the people who can really afford to pay a big big sum of money that's why I've been wondering how in the hell you were able to get in. But anyway, as I've said, only the richest people can go here..."

"But, Marion... I know you're not so rich... How were you able to get in?"

"E-excuse me?! What do you mean I'm not so rich? Mom's fiancé is super rich... duh!"

A Fairytale's MishapWhere stories live. Discover now